Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Benepisyo ng Online Learning sa mga Guro at Mag-aaral

Sino ang mag aakala na magiging parte ng buhay ng lahat ng guro at mag-aaral ang online learning? Nito lamang pandemya ay ginulantang tayo ng malawakang pagbabago sa hanay ng edukasyon. At isa ang online learning sa mga naging tugon ng awtoridad upang ipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang edukasyon, sa kabila na rin ng banta ng pandemya.

Taong 1993 noong ipinakilala sa mundo ang internet. Simula nito ay nagbago na ang takbo ng buhay ng tao. Pagpasok ng bagong milenyo ay tumaas pa ang kalidad sa paggamit ng internet, at isa na marahil ang edukasyon sa pinakamapalad na tumanggap ng biyaya na mayroon ang teknolohiya.

Ayon sa weforum.com, isang malaking salik ang pandemya sa pagbubukas ng e-learning sa iba’t ibang lugar sa mundo. Sa katunayan, halos buong porsyento ng populasyon sa mga bansang apektado ng nito  ang gumagamit ng online learning, dahil nga nasa labas ng silid aralan ang mga mag-aaral dulot na rin ng suspensyon ng face to face learning.

Ano nga ba ang benepisyo ng online learning sa mga guro at mag-aaral? Sa paanong paraan nito itinataas ang antas ng edukasyon sa buong mundo? Ating alamin ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na talata:

Benepisyo ng Online Learning sa mga Guro

Ayon kay Ginoong Philip Baruela, isang guro ng Ingles sa Pilipinas, isa ang online learning sa mga nagbigay pag-asa upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng edukasyon sa mga bata, kahit pa sila ay nasa loob lamang ng kani-kanilang mga tahanan.

Ang online class ay isang bagong mukha ng pagtuturo at sa pamamagitan nito, nagkaroon ng kalayaan ang mga guro na lakbayin ang komplikado ngunit masayang mundo ng online class. Kung dati ay hindi pamilyar sa kanila ang mga tools na gaya ng google sheet, documents, teachmin, at kung anu ano-pa, ngayon ay mas nahasa ang kakayahan ng mga guro na gumamit  teknolohiya sa pagtuturo.

Dagdag pa ni Baruela, hindi na kailangan ng mahabang biyahe upang marating ang silid-aralan. Sa pamamagitan lamang ng selpon at laptop ay maihahatid na ng guro ang kanyang leksyon, kahit saan at kahit kailan.

Hindi na rin nahihirapan ang guro na makuha ang atensyon ng mga mag-aaral. Dahil sila ay nasa digital age bracket, madali na lamang sa mga mag-aaral na gamitin ang mga tools sa online class. Isa pa, ito ang hilig ng kanilang henerasyon, kung kaya’t bagay lamang ito na pamamaraan ng pagtuturo.  

Madali na din lamang ang pagkuha ng impormasyon na gagamitin ng guro sa kanyang leksyon. Gamit lamang ang google ay maaari na siyang magbahagi ng kanyang karunungan sa klase, na walang oras na kino-konsumo.

Ano ang benepisyo ng online learning sa mga mag-aaral?

Bilang mga pangunahing taga-pagtanggap ng biyaya ng online education, ang mga mag-aaral ay nabigyan ng pagkakataon na mahasa sa paggamit ng digital tools. Hindi na mahirap para sa mga kabataan ngayon na gamitin ang internet sa pag-aaral dahil simula’t sapul ay kasakasama na nila ang teknolohiya kahit pa noong wala pang pandemya.

Madali lamang ang pagyakap ng mga mag-aaral sa online learning dahil madalas na din nila itong gamitin sa tuwing sila ay magpepresenta ng output noong face to face learning. Bukod pa rito, malawak na din ang access ng mga mag-aaral sa mga impormasyon na kanilang gagamitin sa pagkatuto.

Hindi na lamang sila makakakuha ng dunong sa lecture ng guro, maari pa nila itong pagyamanin gamit ang mga avaiolable na materyal na mahahanap sa online world. Ibig sabihin, mas lumawak pa ang pagkakataon ng mga kabataan na mas matuto dahil na rin sa benepisyong handog ng online learning.

Tunay ngang malaki ang biyayang ipinagkaloob ng online class sa mga guro at mag-aaral. Dahil dito, nakasisiguro tayong kahit hindi pa magbukas ang face to face learning sa ilang lugar sa mundo ay makaagapay natin ang online learning para ipagpatuloy ang edukasyon, at hindi ito kayang pigilin ng kahit ano pa mang pandemya.