Nahihirapan ka na bang pagsabayin ang lahat ng kanilang gawin sa paaralan? Hindi ka nag-iisa. Isa iyan sa mga pinakaluma nang problema ng mga guro. At hindi napadali ang sitwasyon nang magkaroon tayo ng global na pandemya.
Kaya kung pakiramdam mo ay tambak na tambak na ang mga gawain at trabaho mo, baka nga panahon na upang magkaroon ng isang mahusay na learning management system o LMS ang inyong paaralan.
Hindi ka pa sigurado? Narito ang limang dahilan kung bakit kailangan mo na ito–at kailangan mo na iyo ngayon.
Bawasan ang Administrative Load ng Faculty
Madalas ang nangyayari sa mga paaralan ay dahil sa dami ng mga gawain, lalo na ng mga routine na administrative na trabaho, pati ang mga guro ay hindi na makapag-pokus sa kanilang pagtuturo. Hindi na lamang ang mga non-teaching staff ang gumagawa ng mga administrative duties, kundi pati na ang mga guro.
At madalas, kulang din ang mga guro at staff sa paaralan upang tapusin ang lahat ng mga reports, requirements, at paperwork sa tamang oras.
Sa pamamagitan ng paggamit ng isang school management system, maaari nang i-outsource ang mga paulit-ulit, routine, at administrative na trabaho dito upang magkaroon ng panahon at lahat ng faculty at staff para sa mga mas mahalagang bagay.
Makakapag-pokus na ang mga guro sa pagtuturo. Mas magiging mabisa ang bawat staff member sa kanilang tungkulin, at mapapabilis ang mga proseso.
Mas Maging Collaborative
Para sa ilan, tila napakahirap gawin ng pakikipag-collaborate ng staff at mga guro sa mga kapwa staff at guro, sa mga eksperto sa iba’t ibang larangan, at maging sa mga estudyante ng paaralan.
Marahil dahil ito sa nakasanayan na ng marami na napakalaking trabaho ang pakikipag-coordinate sa iba’t ibang ahensya at tao at ang pag-organisa ng mga pakikipag-pulong o mga events.
Ngunit sa pamamagitan ng LMS, mapapadali at mapapabilis itong gawin. Gamit ang iisang sistema, maaari nang makipag-usap at makipag-collaborate sa maraming tao sa mabilis na panahon. Wala nang napakalaking trabaho para lang sa pag-coordinate.
Dahil dito, mas magiging dynamic din ang istilo ng pagtuturo ng mga guro at magiging mas bukas ng mga bagong ideya ang lahat.
Magkaroon ng Panahon Para sa mga Mas Mahalagang Bagay
Naranasan mo na bang maubos ang buong araw mo sa paggawa ng mga report na dapat sana ay maaari nang i-automate o i-analyze gamit ang software? Napakalaking aksaya sa panahon. At walang nagagawang makabuluhan. At higit pa diyan, maraming staff ang hindi nagagawa ang mga gawain na dapat sana ay ang kanilang pinaglalaanan ng panahon.
Sa pamamagitan ng paggamit ng isang automated system, ang bawat miyembro ng paaralan ay magkakaroon ng panahon upang gawin ang kanilang tunay na nais gawin. Hindi na kailangang ipagpaliban o pabayaan ang mga mahahalagang tungkulin.
Mas Gawing Secure ang Inyong Data
Paano ninyo tina-track at tinatago ang data ng bawat miyembro ng staff at pati na ng mga estudyante? Naroon pa ba kayo sa pagtatago ng lahat ng inyong data sa mga cabinet at mga aktwal na folder? Hindi ba sobrang haba ng oras na inyong ginugugol para lang hanapin ang data na inyong kailangan?
Marahil, minsan ay nawawala din o hindi na mahanap ang mga mahahalagang impormasyon na kailangan ninyo. Iyan ay normal na mga problema sa mga organisasyon kung saan hindi pa naka-automate at naka-secure sa isang database ang mahalagang impormasyon.
At huwag mag-alala tungkol sa paglalagay ng impormasyon sa isang database, dahil ito ay protektado upang hindi ma-akses ng mga hindi awtorisadong tao.
Padaliin ang Trabaho ng Lahat ng Staff
At huli sa lahat, sa paggamit ng isang integrated na sistema sa paaralan, magiging mas madali ang trabaho ng lahat. Automatic na ang pag-generalte ng mga reports ukol sa attendance ng mga estudyante, mga rates ng enrollment, at iba pa.
Hindi na kailangang mag-laan na ilang oras para sa mga gawain na ngayon ay maaari nang matapos sa isang click lang sa mouse.
Upang mas maging produktibo at epektibo sa pagtuturo, mas mainam na gumamit ng isang mahusay na sistema. Hindi lang ito makakatulong sa faculty at staff, kundi pati na (at lalo na) sa mga estudyante.