Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Ano nga ba ang Ibig Sabihin ng Acronym na SMART sa Pagsulat ng Lesson Plan?

Ang lesson plan ay ang pinaka-bibliya ng guro. Ito ang kanyang sandata upang maibahagi ang mga mahahalagang paksa sa klase. Ang paggawa nito ay makakatulong upang mabigyang ideya ang guro sa direksyon ng kaniyang klase.

Bago pa man pumasok ang guro sa kanyang silid-aralan, mayroon na siyang unang ideya kung paano niya maituturo ang paksa sa nakatakdang araw. Mayroon siyang sinusunod na acronym kung saan binibigyan siya nito ng gabay upang makapili ng mga obhektibo na naaangkop sa lebel ng kanyang mga mag-aaral.

Ang acronym na tinutukoy ay tinatawag na SMART, o mas kilala sa tawag na Specific, Measurable, Attainable, Realistic at Time Bound. Ang mga ito ay mahalagang sangkap upang mapanatili ang kalidad ng teaching-learning process.

Paano nga ba malalaman ng guro na ang kanyang lesson plan ay nakabatay sa prinsipyo ng acronym na SMART?

Basahin ang ilan sa mga paliwanag na nakapaloob sa mga talata sa ibaba:

Specific o Tiyak

Ang paggawa ng learning objective ay kailangang gawin sa pinakamaingat na paraan. Dito nakasalalay ang buhay ng isang klase. At sa ganitong pagkakataon, kailangang pumili ang guro ng mga tiyak  na layunin upang masiguro na maibabahagi ng tama ang mga learning competencies.

Halimbawa kung ang paksa ay tungkol sa pagbibilang, ano sa iyong tingin mo ang tiyak na layunin para dito?

Maari mong sabihin na sa panghuling parte ng klase, ang mag-aaral ay mabibigyan ng kakayahang bumilang mula una hanggang sampung numero. Sa madaling salita, ang tiyak na layunin ay mga posibleng mga bagay na maaaring magawa ng estudyante sa loob ng klase. Hindi ito dapat maging isang abstract na ideya.

Measurable o Nasusukat

Upang malaman kung nahinuha ba ng mga mag-aaral ang mga komplikadong paksa sa klase, kailangan ay gumawa ng isang assessment ang guro upang ito ay masukat.

Malaki ang ginagampanan ng learning objective dito, lalung lalo na sa kakayahan nitong sukatin ang lalim ng natutunan ng mga estudyante sa klase. Ang guro, sa madaling salita, ay may obligasyong tingnan kung ang mga napiling learning objectives ay nasusukat, kung hindi man, trabaho niyang palitan ang mga layuning ito at humanap  ng mga mas angkop pang mga learning objectives.

Attainable o madaling abutin

Masiyado bang  mahirap abutin ang iyong learning objectives? Kung sa tingin mo ay oo, isa lang itong babala na kailangan mo pang pumili ng layunin na mas naangkop sa lebel ng iyong mga estudyante.

Kung masiyadong mahirap ang iyong learning objective, hindi magiging madali sa mga bata na matutunan ang paksa, at huwag mo ring aasahang magtatagumpay sila sa kanilang pagsusulit dahil kung reyalidad ang ating pag-uusapan, kaunting porsyento lamang ng ating mag-aaral ang kayang makipagsabayan sa mga mahihirap na gawaing pang akademiko.

Kaya’t maging mahinahon sa pagpili ng learning objectives at pakiramdaman kung ito ba ay madali, o mahirap sa pananaw ng iyong mga estudyante.

Realistic o Makatotohanan

Posible bang mailarawan sa gawa ng iyong mga estudyante ang iyong layunin? Kung oo ay tama lamang ang pagpili mo ng iyong learning objective. Kailangang hindi magwawakas sa imahinasyon ang mga ganap sa iyong klase, ito ay dapat na naoobserba o nakikita sa klase.

Sa ganitong paraan, hindi mahihirapan ang mga mag-aaral na unawain ang paksang kanilang pinag-aaralan dahil hindi ito bunga lamang ng isang imahinasyon, ito ay totoong mga panyagyari.

Time Bound

Ang ibig sabihin ng time bound ay yaong pagiging sensitbo sa takbo ng iyong plano. Kung sakaling ang nakatakdang oras ng iyong klase ay para lamang sa isang oras, kailangan ay masunod ng iyong lesson plan ang tamang oras nito.

Tandaan na sa isang araw, hindi lamang ikaw ang asignaturang pinag-aaralan ng mga estudyante, at bilang pagrespeto sa mga kasama mong guro, siguraduhin mo rin ang durasyon ng iyong lesson plan ay aabot sa nakatakdang oras lamang.