Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Bakit Kailangang Magbasa ng Mga Libro ang Kabataan

Sa panahon ngayon kung kailan halos lahat ng impormasyon ay maaari nang makuha sa Internet, kailangan pa nga ba na linangin ang pagmamahal sa pagbabasa sa kabataan ngayon?

Nariyan na naman ang mga Internet materials, aniya ng marami. At sa madaling pag-pindot lamang sa mouse, maaari na nating mag-akses ang mga bagay na kailangan natin. Ganito na ka bilis ang halos lahat ng bagay ngayon, at paunti na nang paunti ang mga taong mayroong tunay na pagnanais na huminto at magbasa ng mga libro.

Ngunit may magagawa ba ang mga guro upang maagapan ito? At ano ang kontribusyon na maaaring gawin ng mga online teacher at mga guro sa pisikal na mga klasrum upang makamit ang pagmamahal sa pagbabasa?

Turuan ang Kabataan na Magsikap

Dahil sa bilis at dali na makuha ang impormasyon, marami sa mga bata ngayon ang hindi na nagsusumikap upang makatuklas ng mga bagong bagay. Sa isang click sa kanilang mga telepono o kompyuter, abot na nila ang ipormasyon na maaaring hinihingi sa kanilang online class.

Pero ano nga ba ang dulot ng ganitong nakagawiang paraan ng pagtuklas sa mga bagay? Kapag ang mga bata ay nasanay sa ganitong paraan ng pag-aaral, hindi na sila matututong magsikap, magbigay ng oras, at magtiyaga sa mga paksa at gawain na maaaring mahirap para sa kanila na intindihin o gawin.

Ang dulot nito ay ang mababang literacy rate at kawalan ng gana sa mga klase, lalo na kung ang mga paksa ay hindi akma sa mga trends sa social media na kadalasang nakakakuha ng atensyon ng kabataan ngayon.

Kung ikaw ay nagtuturo online, hindi dahilan na ang iyong klase ay sa online classroom ginagawa upang isawalang-bahala na lamang ang pagbabasa. Dahil anuman o saan man ang klase, ang pagbabasa ay mayroong pakinabang sa bawat mag-aaral.

Linangin ang Pokus at Konsentrasyon

Kung ang iyong mga mag-aaral ay tila wala ang atensyon sa klase at lagi na lang hindi magawang mag-pokus, maaaring dahil ito sa sobrang dami ng mga distraksyon sa kanilang paligid. Sa araw-araw na kaharap nila ang kanilang mga gadgets, tadtad sila ng napakaraming videos, mga apps, at mga laro na maaaring kumuha ng kanilang atensyon para sa panandalian at mabilis na gratipikasyon.

Ang pagbabasa ay nakakatulong upang mabigyan ng panahon ang kabataan na mag-pokus sa iisang bagay lamang sa loob ng nakatakdang panahon. Kung pansin mo na hindi kusang nagbabasa ang iyong mga estudyante, maaari kang magtakda ng panahon para lamang sa pagbabasa o magbigay ng mga reading materials na labas sa kanilang mga nakagawiang textbooks.

Hikayatin sila na ibaba ang kanilang gadgets kahit sa pansamantalang panahon lamang at tumungo sa mga silid-aklatan, humiram ng libro na naaayon sa iyong paksa, at tuklasin ang mga bagay na iyong ibibigay sa kanila. Sa pamamagitan nito, matitiyak mong hindi sila gagamit ng mga materyal na makikita na lamang online, at pagsisikapan nila ang kanilang i-aambag sa klase.

Hayaang Lumago ang Kanilang Imahinasyon

Mahirap linangin at palaguin ang imahinasyon kung ang lahat ng bagay ay nakahanda at nakalahad na sa iyong harapan. At marahil para sa maraming kabataan ngayon, isa ang pagiging tadtad nila ng mga stimuli mula sa Internet sa mga bagay na nakakahadlang sa kanilang sariling imahinasyon.

Sa pagbabasa, maaaring maging mas malawak ang kanilang imahinasyon. Maaari silang mag-isip ng mga bagay na kakaiba at hindi nakasanayan, dahil mayroong laya ang kanilang isipan na tumungo kung saan nito gustong pumunta. Sa pagbabasa, walang limit ang maaari mong isipin at maging imahinasyon. Maaari kang tumungo sa mga lugar na hindi mo pa napuntahan sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng mga storya tungkol dito.

Lalong mahalaga ito sa mga nag-aaral online, dahil ang kanilang atensyon ay madalas nasa Internet at nakatutok sila sa mga online materials. Bilang online teacher, maaari mo silang bigyan ng pagkakataon na tuklasin ang mga bagay na hindi pa nila nalalaman o nararanasan dahil na nasanay na lang silang maghanap ng impormasyon online.

Isa pa, sa pamamagitan ng pagbabasa, habang lumalago ang kanilang imahinasyon, matutuklasan nila na isang masaya at nakakamanghang bagay pala ang proseso ng pagtuklas ng mga bagay, at hindi pala ito dapat tila automatic na lamang, walang sigla, at panay nakasalalay na lamang sa ating mga kompyuter.