Benepisyo ng Paggamit ng Online Tools sa mga Public Speaking Activity
Malaki ang partisipasyon ng online tools sa paghubog ng kakayahan ng mga mag-aaral ngayong pandemya. Tila hindi tayo nagpatinag sa posibilidad na matigil ang edukasyon bunsod na rin ng banta ng COVID 19. Ngunit dahil likas sa atin ang pagiging maparaan, ang online learning ang siyang ating naging katuwang sa paghubog ng kaalaman ng bawat mag-aaral.
Sa sulating ito, ating tatalakayin kung ano ang mga mabuting benepisyo ng online learning lalo na sa mga aktibidades na may kinalaman sa public speaking. Iisa-isahin natin ang mga positibong karanasan na maaring ibigay ng online learning lalo na sa mga tinatawag na public speaking activities.
Mas nabibigyan ng panahong magsaliksik ang mga mag-aaral
Gaya ng kasabihan na “You cannot give what you do not have.” Ang pagbibigay impormasyon sa publiko gamit ang online platform ay isa sa mga madaling paraan upang maabot pa kahit na ang pinakamalayong mga audience. At dahil sa lawak ng mundo ng online, maraming mga access ang pwedeng gamitin upang mas maging malusog pa ang kaalamang ating ibabahagi sa madla.
Gamit lamang ang google, maari ng magsaliksik ang mga mag-aaral sa posibleng argumento nila sa kanilang talumpati. Bukod pa rito, mayroon din silang opsyon upang malaman din ang kabilang panig ng kanilang argumento.
Kaunti lamang ang pisikal na paghahanda gamit ang online tools
Sa pagbibigay ng talumpati gamit ang face-to-face na paraan, maraming mga paghahanda ang dapat na isaalang-alang. Una ay ang preparasyong pisikal. Nariyan ang puntong kailangan maging presentable ang paligid para naman maaliwalas hindi lang sa mata ng mananalumpati kundi pati na rin sa mga manonood.
Sa madaling salita, maraming oras ang kinakain kung ang set-up ay face to face. Hindi katulad ng online platform na tanging gadget lamang at isang mabisang internet connectivity ang kailangan upang maipresenta ang naturang talumpati.
Sa paraang ganito, madali na lamang ang preparasyon kumpara sa tradisyonal na setup kung saan kailangan pa ng mga upuan, podium o anu pang mga materyales para lamang sa paghahanda.
Mas malaya ang mag-aaral na ipahayag ang kanilang saloobin
Hindi katulad ng face to face na pamaraan, ang talumpating isinasagawa gamit ang online na paraan ay mainam lalo na sa mga estudyanteng takot sa marami at malawak na audience. Pwede na lamang silang magbigay ng kanilang kuru-kuro sa isang paksa na hindi nila kailangang kabahan dahil baka sila ay husgahan ng mga makakarinig sa kanilang sasabihin.
Likas na sa ating mga tao ang pagiging metikuloso partikular na sa ating mga sasabihin lalo na kung tayo ay nasa pormal na set-up. Kaya’t mainam ding gamitin ang o nlibe platforms upang mabigyang husay ng mga estudyante ang kanilang presentasyon, na hindi nila kailangan isipin kung sino at ano ang reaksyon ng kanilang manonood.
Mas madaling hingin ang opinyon ng mga audience
Natural sa ating mga tao ang hindi palasalita sa tuwing tayo ay nasa isang pormal na okasyon. Dahil ayon nga sa naunang binaggit, takot tayong husgahan ng kahit na sino, kaya’t mas pinipili na lang natin ang tumahimik.
Ngunit, hindi ganito ang mangyayari kung ang platform ay online. Una, mas nabibigyan ng pagkakataon na magsalita ang lahat gamit ang chatbox kung Zoom o google meet m,an ang gagamitin. Hindi na kailangang mahirapan pa ang guro na maghanap ng mag-aaral na sasalo sa kanyang mga katanungan, dahil pwede na lamang itong iencode ng kaniyang ,ga estudyante ang kanilang kuro-kuro sa paksang ibinahagi ng mananalumpati.
Hindi na rin nila kailangan kabahan dahil gamit lamang ang kanilang device ay maaari na silang magbahagi ng kanilang reaksyon tungkol sa naging argumento ng mananalumpati. Dahil dito ay maituturing na isang malaking biyaya ang hatid ng teknolohiya sa buhay ng tao. Mas pinadadali nito ang lahat ng trabaho dahilan upang tayo ay tanghalin na mapalad na mga nilalang.