Epektibong Online Class Flow Para sa Kahit Anong Lesson
Sa dami ng online lessons na nagaganap ngayon simula nang magkaroon ng pandemya, maaaring makaligtaan na ang paghahanap ng paraan upang mas mapagbuti pa ang mga learning sessions. Ang iba naman, maaaring wala pa lang talagang sapat na karanasan sa onlineteaching kaya wala pang ideya kung paano ito gagawing epektibo.
Kaugnay dito, nahihirapan ka bang mag-turo online? Hindi ba agad masundan ang leksyon? Baka kailangan mo nang baguhin ang struktura ng iyong onlineclass upang mas maging mainam ito hindi lang para sa iyo kundi lalo na para sa iyong mga estudyante.
Narito ang mga tips para maging epektibo ang flow ng iyong online classes:
Simulan sa kumustahan
Napakahalaga na magkaroon ng rapport sa mga estudyante. Ginagawa ang rapport-building sa mga meetings sa trabaho o business dahil mas nagiging madali ang transaksyon at bukas ang komunikasyon kapag mayroon nito. Ganoon din sa online classes.
Malaking bahagi nito ang mabuting relasyon sa mga mag-aaral online, kaya mas mainam na bago magsimula sa lesson, magbigay ng panahon upang kumustahin sila. Hindi kailangan na mag-laan na isang oras o maging 3o minuto dito. 10-15 minutes ay sapat na. Ang mahalaga ay magkaroon ng pagkakataon para ang mga learners ay maging relaxed at handang makinig sa buong lesson.
Magbigay ng introduksyon o overview ng buong lesson
Bigyang ideya ang estudyante kung ano ang kanyang asahan sa lesson. Mahalaga ito dahil dito malalaman ng estudyante kung magiging interesado ba siya o hindi sa kabuuan ng lesson.
Ang susi upang makuha ang atensyon ng mag-aaral sa pag studyonline ay ang pagbibigay ng nakaka-engganyong overview sa simula ng lesson. Dito, dapat ipahayag sa kanila na mahalaga ang paksa at makaktulong sa kanilang paglago. Kung hindi mabibigyang diin ang kahalagahan ng lesson, maaaring hindi magkaroon ng interes ang mag-aaral, o kung mayroon man sa simula ay hindi ito ma-sustain hanggang sa katapusan ng session.
Lesson proper
Gumagawa ng klaro at simple na struktura para sa lesson proper. Ihanda ito nang maaga upang masiguro na wala hindi na magkaroon ng mga bagay na hindi angkop sa paksa o hindi na makakatulong upang maintindihan nang maayos ang leksyon.
Dahil sa parteng ito gagawin ang pinakamalaking parte ng buong online class, siguruhin na gagamitan ito ng interaktibo at nakaka-engganyong visual aids.
Lesson breaks
Depende sa hirap ng paksa o level ng estudyante, mag-laan ng angkop na lesson breaks upang bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magtanong o magbigay ng mga komento o ideya. Maaari itong gawin bilang 1 o 2-minutong breaks sa kalagitnaan ng lesson proper sa pmamagitan ng pagtatanong ng comprehension questions pagkatapos ng main points ng lesson.
Sa parte na ito din maaaring simulang tantiyahin kung naintindihan ba ng husto ang lesson o kung tama ang pagka-intindi dito. Depende kung ano man ang mga sagot ng mga mag-aaral sa breaks, gawan ng adjustments ang feedback na susunod. O kung kinakailangan ng mahabang diskusyon upang maitama ang mali ng mag-aaral, sabihin sa kanila na magkakaroon ng kaugnay na diskusyon sa susunod na lesson. Ngunit kung mayroon nang maaaring i-address sa loob ng lesson period ay gawin na ito.
Feedback at partisipasyon
Dito mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na mag-participate sa lesson at magkaroon ng ideya kung naintindihan nila nang maayos ang lesson.
Sa pagbibigay ng feedback, siguruhin na maging specific sa kung ano man ang issue. Magbigay ng halimbawa ng kanilang kamalian kung maaari upang maging klaro sa mag-aaral kung ano mismo ang hindi nila naintindihan nang maayos.
Kung nakatulong ang mga tips na ito upang maging mas epektibo at akma ang flow ng iyong lesson, i-apply na ang mga ito upang maging masa makabuluhan ang iyong mga susunod na online classes!