Gawing Abot-Kaya ang Online Tutorials

Napapansin mo ba na marami ang nanghihinayang na mag-aral online dahil nag-aalala silang hindi nila kaya ang mga fees? Marahil ay hindi lamang sa larangan ng edukasyon ito nangyayari ngayon, dahil ang buong mundo ay gumagapang pa rin sa ilalim ng pandemya at mga negatibong epekto nito sa lipunan.

Sa dami ng mga taong nawalan ng trabaho sa buong mundo, hindi na nakakagulat na maraming tao ang noon ay masipag sa pag-aaral at pagkamit ng kanilang mga pangarap na ngayon ang nagdadalawang isip na kung gagawin pa ba nila ito. Marami ding mga estudyante ang natigil sa kanilang pag-aaral dahil nahirapan silang mag-adjust mula sa mga pisikal na klasrum patungo sa online class.

Kung ikaw ay isang online tutor, paano mo nga ba masisiguro na abot-kaya pa rin para sa mga mag-aaral ang tutorial fees at sapat ito para sa trabaho na iyong ginagawa? Narito ang ilang tips para sa iyo.

Gumamit  ng online teaching platform na may makatwirang fees

Ang pinakamalaking aspeto na kailangan mong ikonsidera kung nais mong magturo online ay ang website na iyong gagamitin upang magawa ito. At upang magawa mong abot-kaya ang reasonable pa rin ang tutorial fees na babayaran ng iyong mga estudyante, kailangang abot-kaya rin para sa iyo ang platform fees.

Syempre, dapat katambal palagi ng abot-kayang halaga ang pagiging sulit nito at mainam para sa lahat ng iyong pangangailangan sa pagtuturo.

Sa pagpili ng teaching platform, hanapin ang mga website na mayroong mataas na antas ng seguridad, mabilis at episyente na customer service na maaaring makatulong sa iyo kung magkaroon ka man ng mga isyu, at mayroong features na makapagbibigay sa iyo ng kalayaan na magturo ayon sa iyong personal sa style.

Timbangin nang maigi kung ang halaga ng teaching platform na iyong napili ang makakapagbigay sa iyo ng mga ito at hindi masasakripisyo ang magandang teaching experience para sa mababang halaga.

Gumamit ng platform na maaaring mag-automate ng tutorial fees

Isa din sa mga bagay ng makakatulong kung nais mong magturo online, lalo na kung marami-rami ang mga estudyante na iyong tinuturuan ay kung may kakayahan ang iyong teaching platform na ma-automate ang tutorial fees.

Subukan mong isipin kung gaano kalaki ang panahon na kailangan mong igugol sa pagkwenta ng tutorial fees ng iyong bawat estudyante, at magkakaroon ka na ng ideya na may malaking tyansa na kailanganin mo ang propesyonal na tulong dito.

Ngunit kung ang iyong platform ay mayroon nang feature na automatic nang malalaman ng bawat estudyante ang kanilang fees at maaari ding bayaran ang mga ito sa mga mabilis ang maginhawang paraan, malaking bawas na ito sa iyong gastusin, pati na sa iyong trabaho.

Magiging mas madali din para sa iyong mga estudyante na makita kung magkano ang fees at kailan ito kailangang bayaran, upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pag-uusap tungkol sa pera sa oras ng klase.

Mag-develop ng sariling study o teaching materials

Kung mayroon kang kakayahan na gawin ito, mas mainam na ikaw mismo ang mag-develop ng iyong sariling study at teaching materials. Hindi mo na kailangang magbayad upang makakuha ng akses sa mga materials na dinevelop ng mga teaching institutions o ng mga ibang guro, at masisiguro mo na angkop sa iyo ang lahat ng iyong gagamitin.

Upang magawa ito, maaari kang kumuha ng mga ideya sa mga subok nang materyales at sa iyong mga karanasan sa pagtuturo. Hindi mo na kailangan magbayad, at mahahasa mo din ang iyong teaching skills at kakayahan na gumawa ng mga personalized na materials.

Magsagawa ng group tutorials o online class imbes na one-on-one

Maibababa mo din ang tutorial fees kung magsasagawa ka ng group classes sa halip na one-on-one tutorials. Sa paggawa nito, alamin kung ilang estudyante ang kaya mong tutukan nang sabay sa isang buong klase at kung gaano katagal ang maaari mong ilaan sa bawat session.

Sa pagsasagawa ng group classes, limitahan ang dami ng iyong mga estudyante upang masiguro na hindi mo masasakripisyo ang kalidad ng pagtuturo na maaari mong ibigay, at na mabibigyan mo ng atensyon ang bawat pangangailangan ng lahat ng iyong estudyante.

Sa tulong ng mga simpleng tips na ito, magagawa mong abot-kaya ang iyong tutorial fees samantalang nasisigurong sapat pa rin ito para sa iyong pangangailangan.