Mga Dapat Gawin Bilang Paghahanda sa Iba’t Ibang Uri ng Pagsusulit

Hindi laging madali.Ang paghahanda para sa panahon ng pagsusulit ay

Kung iyong silid na gagamitin sa pag-aaral ay punong puno ng mga nakapaskil na mga notes o di kaya’y ikaw ay nakahanap ng kanlungan sa loob ng silid aklatan habang ikaw ay naghahanda sa nalalapit na pagsusulit, hindi dapat ito maging rason upang iyong kalimutan ang mahalagang bagay tulad ng iyong mental at pisikal na kalusugan.

At bago mo punuin  ang iyong utak ng mga bagong konsepto, teorya at data, isang magandang ideya na malaman mo ang ilan sa mga istilo ng pagsusulit.

Kadalasan, mas nabibigyang diin ng mga mag-aaral ang pagsasaulo ng impormasyon para sa mga pagsusulit at nakakalimutang kilalanin ang istruktura ng pagsusulit.

Upang makatulong na gabayan ka, narito ang mga karaniwang uri, kasama ng mga tip sa paghahanda sakaling papalapit na ang iyong pinakahihintay na pagsusulit:

Multiple choice

Kung ang basehan ay mismong terminolohiya,  ang maramihang pagpipiliang pagsusulit ay nagpapakita sa mga mag-aaral ng malawak hanay ng mga sagot.

Ang iyong trabaho ay ipares lang ang mga tanong sa mga tamang sagot, saguting kung alin sa dalawa ang tama o mali,  o tsek ang mga kahon.

Paano ka maghahanda para sa ganitong uri ng pagsusulit kung wala kang ideyasa  kung ano ang magiging mga tanong o ang mga posibleng sagot?

Kung alam mo na ang konteksto ng pag-aaral, maaari kang bumuo ng listahan ng mga tanong na sa tingin mo ay pwedeng lumabas sa mismong pagsusulit. Kahit na hindi entoto na salita  ang mga ito, isipin ang mga nakaraang lecture at seminar at iugnay ang mga nakaraang paksa sa mga pinaghihinalaang tanong.

Sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga halimbawang mga tanong, magiging pamilyar ka rin sa istilo ng pagsusulit. Ang ganitong istilo ay nakakatulong lalo na at ito ang madalas na uri ng pagsusulit na inilalagay ng guro.

Problem or case-based exams

Sa mga ganitong uri ng pagsusulit, kakailanganin mong hasain ang iyong mga kasanayan sa pagsusuri.

Madalas ay maaaring makalito ang mga tanong sa graphic na interpretasyon, mga tanong sa pagtatantya, mga teoretikal na tanong ng kliyente at mga brain teaser na tanong kung kaya’t  mahirap malaman kung alin ang sa tingin mo ay magiging laman ng pagsusulit

Kadalasan, bibigyan ka ng case study o senaryo at kailangan mong tumugon gamit ang isang solusyon o isang pinag-isipang anggulo ng pagsalungat.

Bilang paghahanda, kailangang pag-isipan ang mga nakaraang tema na ginamit sa iyong mga nakaraang mga lektura. Kapag nabigyang linaw mo na ang ilan sa mga ito, maghanap ng mga nauugnay na case study/mga tanong sa problema mula sa internet para sa iyong pagsasanay

Siguraduhing inoorasan  ang iyong sarili habang sinasagot ang mga ito at ipagpatuloy ang paggawa nito hanggang sa maging komportable ka sa istilo ng pagsusulit na ito!

Oral Exams

Karaniwang ginagamit para sa mga pagsusulit sa wika, ang oral exams ay naglalayong sukatin ang iyong kakayahan sa paggamit ng mga naangkop na ideya at mga wika.

Maari kang magsanay kasama ng iyong kapares upang alamin kung paano kayo sasagot sa mga posibleng tanong. Maari kayong maghanda ng mga tanong para maibato ninyo sa isa’t isa.

Mainam rin na inoorasan ninyo ang isa’t isa, dahil sa aktwal na oral exam, ito ay inoorasan ng guro, kaya’t mabuting sinasanay mo ang iyong sarili na sumagot sa loob ng ibinigay na oras.

Tandaan na tingnan ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng mga mata ng tagasuri at upang maiangkop ang iyong tugon sa mga partikular na paksa.

Hindi ito magiging madali, ngunit kung pagsisikapan mong mapagbuti ang iyong sarili, tiyak mapagtatagumpayan mo ang kahit anong eksam na iyong haharapin sa hinaharap.