Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Mga Estilong Dapat Matutunan ng mga Mag-aaral sa Pagsulat ng Editoryal

Isa ka ba sa mga nahihirapan magsulsi ng mga ideya pagdating sa pagsulat ng editoryal? May mga gusto ka bang isulat sa iyong editoryal ngunit hindi mo ito magawa dahil limitado ang iyong kaalaman sa tamang estilo ng pagsulat nito?

Huwag kang mag-alala dahil hindi lamang ikaw ang may ganitong suliranin. Karamihan sa mga mag-aaral ay nahihirapan sumulat ng editoryal dahil hindi sapat ang kanilang pagsasanay upang makuha ang tamang estruktura nito.

Paano nga ba sumulat ng isang mahusay na laman ng isang editoryal?

Ngunit bago natin sagutin ang tanong na ito, bigyan muna natin ng kahulugan ang katagang editoryal.

Ang editoryal ay naglalaman ng hinuha ng buong miyembro ng pahayagan tungkol sa isyung nagaganap sa isang lugar o bansa. Ito ay naglalaman ng mga kuru-kuro na pinapatunayan ng mga datos, estatistika o mga nailathalang pag-aaral.

Ito rin ay isang uri ng journalistic writing. Sa madaling salita ay sinusulat ito na walang kahit anong kinikilingan, kumbaga walang bahid ng pagiging bias.

Narito ang ilan sa mga estilong dapat matutunan ng mag-aaral sa pagsulat ng editoryal.

Banggitin ang news peg o isyu sa umpisa pa lamang ng iyong talata

Ang editoryal, ayon sa naunang pahayag, ay isang uri ng journalistic writing. Ibig sabihin ay ginagamitan ito ng mga salitang mauunawaan ng mambabasa. At dahil inilalathala ito sa mga papel pampahayagan, kinakailangang maging mapili ang manunulat sa mga salitang kanyang kagamitan at kailangang siguraduhin na ang mga ito ay simple at madaling intindihin.

Ang paksa sa editoryal ay kailangang mabasa agad sa unahan pa lamang ng pangungusap sa unang talata. Dahil nga ang kadalasang paksa nito ay mga balita, kailangang mabigyang ideya agad ang mga mambabasa sa pangyayaring nais bigyang paliwanag ng editoryal.

Halimbawa:

Dahil sa kasalukuyang gyerang nangyayari ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine, nangangamba  ang mga eksperto sa hindi makontrol na  pagtaas ng gasolina sa merkado. Ito ay isa na namang panibagong dagok sa mga konsumer. Hindi pa man nawawala ang banta ng pandemya ay ito na naman ang pagpasok ng isang panibagong hamon.

Ang halimbawa sa itaas ay nagpapakita ng direktang pagsambit ng paksang nais tukuyin ng editoryal. Kung papansining mabuti ay nakatuon ito sa napipintong pagtaas ng gasolina sa merkado. Ito ang tinatawag na news peg o isyu.

Gumamit ng mga datos sa katawan ng iyong editoryal

Bakit nga ba mahalagang gumamit ng mga datos o mga mapagkakatiwalaang mga sources sa iyong editoryal?

Una ay kailangan mo ito dahil magagamit mo ito bilang patunay sa mga opinyong iyong gagamitin. Pangalawa ay magagamit mo itong upang mas mapalakas pa ang bigat ng iyong argumento.

Halimbawa:

Ayon sa datos, 9 sa bawat 10 mga Pilipino ay naniniwalang ang pagtaas ng presyo ng gasolina ay isang malaking pasakit sa pang-araw araw na pamumuhay. Aniya, ang ganitong suliranin ang siyang magiging balakid sa kanilang pagtatamasa ng masaganang buhay.

Ang talata sa itaas ay gumamit ng isang datos upang palakasin ang takbo ng argumento. Sa madaling salita ay malaki ang ambag ng datos na ito upang patunayan ang paninindigan ng manunulat. Mahalagang matutunan ng mga mag-aaral ang bagay na ito nang sa gayon ay makapagsulat sila ng isang mahusay at matalinong editoryal.

Gumamit ng “call to action” sa panghuling talata ng editoryal

Hindi makukumpleto ang isang editoryal kung hindi ito magbibigay ng suhestyon kung paano mareresolba ang isyu. Ang manunulat ay may kapangyarihang himukin ang mambabasa na gumawa ng isang bagay na makatulong sa paglutas ng paksang pinag-uusapan sa sulatin.

Maaring ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng babala, o pagbibigay ng payo sa mambabasa.

Halimbawa:

Hindi man natin mapipigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, may kakayahan naman tayong maghanap ng alternatibong mapagkakakitaan upang matustusan ang pangangailangan ng ating pamilya.