Mga Katangian ng Epektibong Pagsusulit
Hindi lahat ng exam ay pare-pareho. May mahirap, may madali. May mahaba, at mayroon ding maiksi. Ngunit isa lamang ang kanilang tunay na layunin ng bawat eksaminasyon sa pag-aaral: Ang timbangin kung naintindihan ng bawat mag-aaral ang mga itinuro ng guro. Kaya kahit na tila walang estudyante na may gustong sumailalim sa mga pagsusulit, kailangan ang mga ito kung nais nilang magkaroon ng de kalidad na edukasyon at malawak na kaalaman.
Para sa mga guro, lalo na sa online teaching, paano nga ba makapagbibigay ng mga exam na lubos na epektibo para sa pag-aaral ng bawat estudyante? Kung ikaw ay isang guro, nakakasiguro ka ba na ang mga pagsusulit na iyong ibinibigay ay Tunay na may dulot na mabuti para sa iyong mga mag-aaral?
Tuklasin sa mga sumusunod ang mga tips kung paano mo matitiyak na walang pagsusulit ng masasayang, at bawat isa ay makakatulong upang makamit mo ang iyong layunin sa online learning.
Magbigay ng malinaw at maiksing instruksyon
Naaalala mo pa ba ang mga panahon na ikaw ay isang estudyante at sumailalim ka sa isang pagsusulit na sobrang hirap dahil hindi mo mintindihan ang mga instruksyon ang ibig tukuyin ang iyong guro? Isa iyan sa magandang halimbawa kung bakit kinakailangan na bawat pagsusulit at maiksi, malinaw, at madaling maintindihan ang instruksyon. Ito ang unang kailangang maintindihan ng mag-aaral, at ito ang kanilang unang kailangan upang masagutan ang exam nang maayos.
Kapag hindi malinaw kung ano ang dapat gawin, nagdudulot ito ng pagkawalang bisa ng pagsusulit, dahil nawawala ang kahalagahan nito. Imbes na masukat ang kaalaman ng estudyante ukol sa leksyon ay maaaring hindi ito magawa dahil lamang sa hindi malinaw kung ano ang dapat gawin.
Lalong mahalaga ito kung nais mong magturo online, dahil remote ang iyong koneksyon sa bawat mag-aaral. Kaya hangga’t maaari ay gawing malinaw ang lahat ng iyong mga instruksyon.
Gawing sapat ang hirap o dali nito
Hindi kinakailangan na maging sobrang hirap ng pagsusulit upang masabi na nakakabuti ito para sa mga mag-aaral dahil nabibigyan sila ng challenge. Tama, kailangan maging challenging pa rin para sa kanila ang mga pagsusulit, ngunit dapat ang lebel nito ay ankop sa leksyon na iyong ibinigay at upang masukat nang sapat ang kanilang pag-intindi dito.
Ang pagbibigay naman ng mga pagsusulit na sobrang dali ay nagiging walang bisa dahil hindi nagagamit nang sapat ng mga mag-aaral ang kanilang pag-iisip, at hindi rin nasusukat ng maayos ang kanilang kaalaman.
Base sa iyong mga itinalakay sa mga nakaraang leksyon, tiyakin na sapat ang hirap o dali ng mga pagsusulit upang masiguro na makatulong ang mga ito.
Magbigay ng sapat na oras upang matapos ito
Tiyakin din na ang haba, dami, at hirap ng pagsusulit ay angkop para sa panahon na iyong ibibigay upang masagutan nila ito. Tandaan, na hindi bilis ang iyong nais o dapat sukatin, kundi ang kanilang kaalaman at pag-intindi.
Kapag hindi angkop ang oras sa pagsusulit at maaaring magresulta ito sa mga score o performance kung saan hindi mo makikita ang Tunay nilang kaalaman, o ang kawalan nito.
Kapag naitalaga na ang haba ng panahon na iyong ibibigay para sa pagsusulit, sikapin na sundin ito at huwag magbigay ng palugit, kung hindi naman talaga ito kailangan. Kung sa tingin mo ay sapat ang panahon na iyong ibinigay ngunit may mga mag-aaral na hindi pa rin ito matapos sa loob ng panahon na ito ay maaaring senyales ito na hindi nila lubos na naintindihan ang paksa ng pagsusulit.
Huwag magsali ng mga bagay na hindi na-cover sa mga lesson
Tiyakin na lahat ng mga item sa pagsusulit ay naitalakay sa mga nakaraang leksyon, at huwag magsali ng mga bagay na hindi mo naituro sa kanila. Maaari itong magdulot ng pagkadismaya sa parte ng mga mag-aaral, lalo na kung pinaghandaan nila ito.
Magbigay ng sapat ng dami nito
Sikapin na magbigay ng sapat na dami ng mga pagsusulit. Ang hindi pagbibigay ng mga pagsusulit ay hindi nakakatulong, at ganoon din ang sobrang pagbigay ng mga ito.
Magandang magbigay ng pagsusulit sa pagtatapos ng mga paksa o sa hulihan ng mga chapter na inyong tinatalakay.
Sundin ang mga tips na ito, ang tiyak na maigiging epektibo ang bawat exam na iyong pasasagutan sa mga mag-aaral.