Mga Nakakaaliw na Paraan sa Pagtuturo ng Subject and Verb Agreement
Ang pagtuturo ng tamang grammar ay isang mapanghamong trabaho. Ito ay dahil ang leksyong ito ay may malawak na sakop, at madalas ay itinuturo lamang ito sa pamamagitan ng lecture method, saka bibigyan ng assessment ang mag-aaral gamit ang papel at lapis na uri ng eksam. Kung kaya hindi na bago sa mga mag-aaral na naaalala lamang ang leksyon sa grammar sa tuwing sila’y may pagsusulit. Pagkatapos nito ay tila baga parang bula na lamang ang kanilang natutunan.
Ang leksyon sa subject and verb agreement ay isa sa mga saklaw ng gramatika. Gamit ang konseptong ito, natutunan ng mga mag-aaral ang importansya ng tamang konstruksyon ng pangungusap, lalo na kung ito ay gagamitin sa mga pormal na pagkakataon o sa pormal na pagsusulat.
Ang simuno at ang pandiwa ay may sinusunod na estruktura sa tuwing sila ay nailalapat sa isang pangungusap. Halimbawa nito ay kung ang simuno ay may isang bilang, ayon sa batas ng subject-verb agreement, kakailanganin nito ng pandiwa na plural ang bilang.
Sa madaling salita, ang pagtuturo ng konteksto ng ganitong batas sa gramatika ay nangangailangan ng kaakit-akit na paraan, nang sa gayon ay maaalala ito ng mga mag-aaral sa kahit anong pagkakataon. Paano nga ba ito itinuturo at ano ang mga gawaing posibleng makadagdag aliw sa pagtuturo nito?
Narito ang ilan sa mga tips:
1.Isa-isahin muna ang mga subject-verb agreement rules
Bago ka magbigay ng mabigat na gawain, kailangan mo munang ipresenta ang mga batas na nakapaloob sa leksyong ito. Maari kang magbigay ng lecture mula sa una hanggang huling batas.
Kailangang maisa-isa mo ang mga ito para mabigyang ideya ang mga mag-aaral sa pinag-aaralan nilang mga alituntunin sa gramatika.
2.Gumamit ng mga interactive online quizzes
Ang paglaganap ng teknolohiya ay isang malaking bentahe sa hanay ng edukasyon. Dahil halos lahat ay techie, hindi mahirap at mas kapanapanabik ang klase kung gagamitin ito sa pagtuturo ng paksa gaya ng subject and verb agreement.
Maari kang gumamit ng mga tools gaya ng teachmint, kahoot o anumang mga available na mga materyal upang maisagawa ang iyong aktibidad. Mainam din na ang laman ng iyong mga tanong ay magsisimula sa madali hanggang sa mahirap na konteksto.
3.Paggamit ng mga puzzle games
Bukod sa teknolohiya, isa sa mga malikhaing paraan ay ang paggamit ng puzzle game. Gamit ang mga flashcards o mga ginupit na mga letra at salita, hahayaan mong buuin ng mga mag-aaral ang mga nawawalang salita.
Kung ang paksa ay tungkol sa subject-verb agreement, maaaring gumawa ka ng pangungusap na may nawawalang paksa o pandiwa. Pagkatapos nito ay pahihintulutan mo ang iyong mga mag-aaral na hanapin sa mga opsyon ang salitang naangkop sa pangungusap, at ang basehan nila sa pagsagot ay ang mga subject-verb agreement rules na iyong ibinahagi sa paunang parte ng diskusyon.
4.Magpasulat ng kwento gamit ang kanilang nagawa sa mga nakaraang araw.
Mainam rin na gamitin ang mismong karanasan ng mga mag-aaral upang mas maging makahulugan ang gawain sa kanila. Gamit ang mga naging karanasan nila sa mga nakaraang araw o linggo, bibigyan mo sila nang pagkakataong ikwento ito. Paalalahanan mo rin silang gamitin nang buong husay ang mga subject-verb agreement rules.
Maaari silang magsulat ng kwento tungkol sa kanilang karanasan sa pagpunta sa paaralan, o di kaya ay hahayaan mo silang ikwento ang kanilang mga hindi malilimutang mga sandali. Ang estratehiyang ito ay mas magiging makahulugan dahil hindi mahihirapan ang mga mag-aaral na ikwento ang kanilang mismong karanasan.
Bukod pa rito, mas magtitiwala sila sa kanilang sarili dahil alam nila ang kanilang isusulat sa naturang gawain. Ito ay ilan lamang sa mga paraan kung paano ituturo nang buong husay ang subject and verb agreement. Maari ka ring gumawa ng iyong sariling bersyon na naaayon sa pangangailangan ng iyong mga estudyante.