Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Mga Paraan upang Mas Maging Interaktibo ang Klase

Ang pagkakaroon ng isang interaktibong klase ay nagpapakita kung gaano ka epektibo ang isang guro. Kung ang mag aaral, halimbawa, ay may mataas na lebel ng partisipasyon sa klase, ipinapahiwatig nito ang tagumpay ng guro sa pagtamo ng kanyang learning objectives.

Maraming mga salik ang nakakaapekto sa atensyon ng mga mag-aaral. Isa na rito ang hindi epektibong estratehiya sa pagtuturo. Maaring hindi napapansin ng guro na masiyado na palang mataas ang lebel ng kanyang instruksyon, at hindi na makasabay ang mga estudyante sa klase.

Ito ang isa dapat na pinagtutuunan ng pansin dahil dito nakasalalay ang gana ng mga mag-aaral na maging masigasig sa kanilang akademiks. Anu-ano nga ba ang mga paraan na dapat isaalang-alang ng guro upang gawing mas interaktibo ang kaniyang klase?

Ating alamin sa pamamagitan ng mga paraang ito:

Gumamit ng Motibasyon sa Klase

Ang paggamit ng mga motivational activities sa klase ay isang mainam na paraan upang makuha ang atensyon ng mga mag-aaral. Ilan sa mga maaring gamitin ng guro ay ang mga interactive games gamit ang online tools.

Dahil ang mga millennial na mag-aaral ay bihasa sa paggamit ng teknolohiya, magagamit ng guro ito bilang bentahe upang palakasin ang interes ng mga mag-aaral. Maari siyang gumawa ng mga simpleng laro online. Gamit ang kanilang gadget, ito ang magiging materyal ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong sa klase.

Kung wala namang magagamit na gadget ay maari rin namang gawing motibasyon ang mga tradisyunal na mga gawi gaya ng pagbibigay ng mga nakapupukaw na tanong. Ang ganitong paraan ay mainam lalo na kung hindi naman lahat sa iyong klase ay may kakayahang bumili ng kanilang gadget.

Maging malikhain sa mga aktibidad na ipapagawa sa mga estudyante

Isa sa motibasyon ng mag-aaral ay ang paggawa ng mga gawaing hindi nila madalas ginagawa sa loob ng klase. Maaring ito ay isang role play, drama, pagkanta, pagsayaw o anuman.

Kailangang ang mga gawain sa klase ay may kakayahang mailabas ang natatagong potensyal ng mga mag-aaral. Magagawa lamang ito ng guro kung pagtutuunan niya ng pansin ang kadalasang hilig ng kanyang mga estudyante.

Kailangang magkaroon din ng barayti ng mga gawain upang hindi mag mukhang pare-pareho ang presentasyon ng mga mag-aaral. Pakatandaan din na hindi magkakamukha ang kakayahan ng mga estudyante kung kaya kailangang maging malikhain ang guro sa pagbibigay ng mga aktibidad sa klase.

Huwag kalimutan magbigay ng feedback

Makapangyarihan ang salita ng isang guro. Maaring ito ay makapagbigay ng mas mataas na gana ng mag-aaral na matuto pa sa klase. Kaya kailangan hindi maging madamot ang guro sa pagbibigay ng feedback sa performans ng kanyang mga mag-aaral.

Ang pagbibigay ng positibong feedback, halimbawa, ay makakatulong upang maitaas ang self-esteem ng mag-aaral. Mas lalo silang magpupursige na ayusin ang kanilang mga performans kung sila ay makakarinig ng mga salitang nagpapahayag ng galak sa kanilang ipinamalas na performans.

Magbigay rin ng feedback na naglalayong ayusin pa ang nakaraang performans na kanilang ipinamalas. Hindi rin kailangang maging negatibo sa iyong mga feedback. Magbigay ng konstruktibong mga salita na hindi kailangan masaktan ang damdamin ng iyong mga estudyante sa klase.

Huwag maging sobrang strikto sa klase

Normal lamang na ang guro ay magpakita ng awtoridad sa klase. Paraan niya ito upang kontrolin ang takbo ng kanyang diskusyon, ngunit kung ito ay nasosobrahan, magiging dahilan ito upang mas matakot ang mga mag-aaral na ipakita o ipamalas ang kanilang natatanging galing.

Walang masama sa pagiging istrikto, ngunit kailangang timbangin ng guro ang hangganan ng ganitong praktis, kailangan niyang alamin kung ito ba ay nakatutulong, o isa lamang balakid sa pagtamo ng isang matiwasay at mas interaktibong klase.

Importanteng maramdaman ng mga mag-aaral na sila ay may karapatang maging malaya sa loob ng kanilang silid.