Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Paano Gagawing Mas Nakakatuwa ang Online Learning

Sa panahon ngayon, habang hindi pa tayo tuluyang nilulubayan ng pandemya, mas higit nating nararamdaman ang kahalagahan ng online learning platforms at online teaching. Mayroon parin tayong oportunidad para palaguin ang ating kaalaman, palawakin ang ating pag-iisip, at pagbutihin ang ating mga kasanayan.

Ngunit paano nga ba nating magagawa na mas exciting at nakakatuwa ang onlineclass? Kung gusto mong mas maging masaya ang pag-aaral mo kahit nasa bahay ka lang, narito ang mga tips para sa iyo:

A. Pumili ng Propesyonal at Mapagkakatiwalaang Learning Platform

Syempre, unang una dapat ang pagpili ng tamang onlineteaching platform. Kung gusto mong magkaroon ng de-kalidad na learning experience, kailangan mong magkaroon ng platform na makapagbibigay nito sa iyo. Ito ang ilan sa mga pamantayan na kailangan mong makita sa isang teaching platform para makasiguro na ito ay propesyonal at mataas ang kalidad:

  • Gumagamit ng angkop na teknolohiya. Mahalaga ang paggamit ng angkop na software at pagkakaroon ng mataas na antas ng seguridad sa platform na gagamitin, lalo na dahil sa Internet gaganapin ang iyong mga klase. Ito ang isa sa malaking dahilan para magkaroon ng maayos at episyenteng mga learning sessions.
  • Pasok sa budget. Kahit gaano man kahusay ang online platform na napili mo, kung hindi naman ito kaya ng budget mo, hindi mo parin ito mapapakinabangan. Kaya siguraduhin na kaya ito ng iyong budget.
  • Madaling gamitin kahit para sa mga beginners. Kung ikaw ay nagsisimula pa lamang sa online learning, makakatulong kung ang platform na iyong gagamitin ay madaling sundan at hindi komplikado. Mas magiging madali din ang iyong transition kung mabilis mo lang makakasanayan ang paggamit nito.

B. Gawing Interaktibo ang Learning Sessions

Natatandaan mo ang mga panahon na nagkaroon kayo ng group study session kasama ang mga kaklase mo? Ang saya diba? Alam mo ba na kahit na ikaw ay magaralonline, kaya mo paring mag group study?

Kung mayroon kang mga kaibigan na nais ding magaralsabahay gaya mo, bakit hindi mo sila hikayatin na sumabay sa iyo? Pagkatapos ng inyong online classes, maaari kayong mag-connect gamit ang video conferencing at ipagpatuloy ang diskusyon kung nanaisin ninyo. Maaari din kayong gumawa ng mga activities gamit ang video call apps para mas mapaghusay niyong magkasama ang inyong natutunan. Hindi ba mas masaya?

C. Aralin ang mga Paksa Kung Saan Mayroon Kang Tunay na Interes

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi napagbubuti ng ilan ang pag-aaral nila ay dahil hindi naman talaga sila interesado sa paksa na kanilang pinag-aaralan. Iba syempre ang usapan kung ang paksa ay talagang may halaga sa iyo.

Dahil dito, mas mainam na pumili ka ng paksa na may tunay na interes kang matutunan. Kung gusto mong maging mas magaling sa English, halimbawa, ito ang pag-aralan mo at paghusayin.

D. Mag-Komit sa Learning Schedule

Kapag nakapag-talaga ka na ng schedule para sa iyong pag-aaral, sikapin na masunod mo ito at huwag mong sayangin ang pagkakataon. Kapag nag-komit ka sa iyong schedule, mas mabilis kang matututo at mas magiging kawili-wili sa iyo ang pag-aaral.

Planuhin mo ang iyong schedule ng maaga mara maiwasan ang mga biglaang conflict sa oras at makamit mo ang iyong layunin sa tamang panahon.

E. I-enjoy and Paglago ng Iyong Kaalaman

At kapag nagawa mo na itong lahat, i-enjoy mo lang ang paglago ng iyong kaalaman. Gamitin mo nang gamitin ang iyong mga natutunan. Mas darami ang iyong mga oportunidad, at mas lalawak ang iyong paningin sa maraming bagay.

Nag-aatubili ka pa bang mag-aral online? Bakit pa? Napakarami nitong magandang bagay na maidudulot sa iyo. At hindi lang iyon, kahit pa sa gitna parin tayo ng pandemya, hindi ka titigil sa pagpapaunlad ng iyong isip at iyong sarili. Ang saya no’n diba?