Sa online teaching, mahalaga na ang bawat lesson ay nakakaganyak sa bawat mag-aaral, lalo na dahil mas challenging ang pag-build ng rapport kapag hindi sila pisikal na kasama sa isang klasrum. Ngunit alam natin na ang paggawa nito ay hindi na Madali kahit pa sa mga pisikal na klase.
Dahil dito, napakalaki ng role na ginagampanan ng teaching materials bilang isa sa mga tools upang maka-engganyo ang bawat lesson time sa bawat mag-aaral, kahit virtual na lamang ang mga pagtitipon. Malamang kung nasubukan mo na ang pagtuturo online ay nakita mo na ang kahalagahan ng mga ito. Hindi basta-basta ang paggawa ng epektibong teaching materials. Kaya paano nga ba masisiguro na bawat presentasyon ay nakaka-engganyo?
Kung iyan din ang iyong tanong, ang artikulo na ito ay magbibigay sa iyo ng mga tips na makakatulong upang sa susunod na paggawa mo ng iyong teaching materials ay masisiguro mong mahusay ang mga ito.
Ilabas ang iyong natatagong graphic designer at gawing artistic ang materials
Una sa lahat, iwasan na maging nakakabagot ang iyong teaching materials. Mahirap na mismo na malayo ka sa iyong mga estudyante, kaya malaking dagok ngayon ang pagtatag ng matibay at bukas na koneksyon sa kanila. Ang paggamit ng mga boring na teaching materials ay magiging hadlang upang ma-engganyo sila na makinig sa iyo o manatiling intersado sa leksyon.
Kaya ito na ang panahon na dapat mong ilabas ang iyong natatagong talento sa graphic design o paggawa ng mga presentasyon na kaaya-aya sa mata at nakakagiliw tingnan. Hindi kailangan na lubos kang mahusay o eksperto dito. Sapat na ang basic na kaalaman. Ngunit kung nais mo, mas mainam din kung iyo pa itong aaralin upang lumago ang iyong kakayahan at kaalaaman dito.
Ang tanging punto sa paggamit mo ng skill na ito ay siguruhin na ang bawat material ay makaka-agaw ng kanilang atensyon at maging nakakawili sa kanilang paningin upang mas maipaabot mo ang lesson na dapat nilang matutunan.
Gumamit ng edukasyonal na mga video
Sa iyong mga klase, nagiging monotonous ka na ba? Pare-pareho na lang ba ang mga napapakinggan ng iyong mga estudyante? Wala na bang pagbabago sa flow ng iyong mga klase? Mainam na material ang edukasyonal na mga videos, kung gagamitin ang mga ito ng tama.
Bukod sa maraming edukasyonal na video na maaari mo nang makuha sa Internet, maaari ka ding gumawa ng iyong sariling video presentation. Dito ay magagamit mo rin ang iyong skills sa pag-edit ng mga video, kung mayroon ka nito.
Bukod sa nakakatanggal ng bagot, ang mga video presentations ay makakatulong din sa learning process dahil maaari nila itong paulit-ulit na panoorin kung may mga bagay na hindi nila agad maintindihan o kung kailangan nilang mag-rebyu.
Gawing interaktibo ang bawat presentasyon
Upang maiwasan ang pagkawala ng interes ng mga estudyante, sikapin na sa buong lesson time at sa bawat material na gagamitin ay interaktibo ito. Sa pamamagitan ng stratehiyang ito, makakasiguro ka na nakatutok pa rin ang iyong mga mag-aaral sa leksyon, at sa iyo nakatuon ang buo nilang atensyon.
Kung sa mga pisikal na klase ay mayroong recitation, maaari din itong gawin kung nais mong magturo online. Mas mainam kung mas madalas itong gagawin, at pati sa mga presentasyon ay mayroong pagkakataon ang mga mag-aaral na tumugon. Sa pamamagitan nito ag maaari mo din masukat kung talagang naintindihan nang maayos ang paksa.
Magsagawa ng learning games
Kaugnay ng pagiging interaktibo, ang pagsagawa ng mga edukasyonal na games ay isang mahusay na tool upang makamit ang dalawang napakahalagang bagay: ang mapanatili ang kanilang atensyon at masukat ang kanilang kaalaman.
Magugulat ka dahil hindi lamang mga bata ang natutuwa sa mga games, lalo na kung may halaga sa kanila ang premyo. Pag-isipan ang mga premyo na iyong ibibigay ang siguruhin na makabuluhan ang mga ito nang hindi kailangan na makadagdag sa iyong gastos.
Magbigay ng pasilip sa susunod na lesson
Upang magkaroon ng continuity ang iyong mga leksyon at, dahil dito, maging mas kaabang-abang, magbigay ng maikling pasilip sa mga matututunan sa mga susunod na klase. Mahalaga ito upang maintindihan din ng iyong mga mag-aaral ang koneksyon ng mga paksa sa bawat isa, at mas maging
Sa tulong ng mga tips na ito, sana ay mas maging nakakaganyak ang iyong susunod na mga klase online.