Paano nga ba Mapagtatagumpayan ng Isang Guro ang eLearning?
Ang eLearning ang siyang bagong mukha ng edukasyon. Gamit ang internet, maaari nang maaccess ng kahit na sino ang mga materyal na magagamit sa upang mapanatili ang engagement at retention ng bawat mag-aaral. Kung matagal ka na sa industriya ng eLearning, alam mong malaking bagay ang pagiging up-to-date sa mga pagbabago ng mga eLearning tools na ito.
Kaya sa sulating ito, iisa-isahin natin ang mga sampung paksa sa mundo ng eLearning na siyang pwedeng makatulong sa mga guro upang maging malikhain at mas interaktibo ang kanilang klase, dahil ika nga nila, kailanma’y hindi dapat tayo huminto sa ating pagkatuto.
Scenarios
Habang binabasa mong ang blog na ito, maari ay sumagi sa iyong isipan kung paano mo bibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante upang matutong gumawa ng paraan sa isang sitwasyon. Ang pagbibigay ng mga scenario ay isang sagot sa iyong mga kuru-kuro.
Ang pagbibigay ng scenario ay isang paraan upang mabigyan ng birtwal na simulation ang mga mag-aaral tungkol sa isang spesifik na sitwasyon. Maari itong gawin ng guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pangyayari kung saan kailangan ng karakter sa kwento ang tamang direksyon patungo sa isang lugar.
Maaring gumamit ang guro ng mga graphic organizers kung saan iguguhit ng mga mag-aaral ang tamang direksyon papunta halimbawa sa palengke o kung ano mang lugar na nais puntahan ng karakter. Gamit ang ganitong estratehiya, nabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-idip ng lohikal at kritikal.
Mobile Learning
Sa panahon na halos nakadikit na sa ating mga palad ang ating gadget, hindi maikakaila na nasa henerasyon tayo ng agresibong mundo ng teknolohiya. Ngunit, isa rin itong biyaya sa lahat lalo na sa sektor ng edukasyon dahil na rin sa pagkabuhay ng mobile learning.
Ang mobile learning o mas kilala sa tawag na MLearning ay isang makabagong paraan ng pagtuturo kung saan ginagamit ang selfon upang maaccess ng mga mag-aaral ang laman ng kanilang modules.
Bukod sa selpon ay maaari namang gumamit ng laptop o di kaya’y desktop. Ngunit kung usapang kaginhawaan lang din naman ay mainam na gamitin ang selfon bilang materyal sa mobile learning dahil pwede itong dalhin kahit saan at kahit kailan.
Gamification
Ang gamification ay tumutukoy sa paggamit ng mga educational gaming tools kung saan ginagawa nitong mas interaktibo ang klase. Isa sa mga dahilan kung bakit tinatangkilik ang paggamit ng mga “gamified” tools na ito ay ginagawa nitong magaan ang mga paksang mahirap unawain.
Ang gamification ay isang uri ng paraan upang hindi tamarin ang mga mag-aaral na magpatuloy sa diskusyon. Maaaring magbigay ng tuwa at saya ang mga gamified tools na ito sa iyong klase. Sino nga ba naman ang ayaw sa masiglang klase? Tandaan lamang na hindi dapat matakpan ng tawa ang hangarin mong mabigyan ng leksyon ang bawat isa sa iyong mga mag-aaral.
Video
Maaring mawalan ng sigla ang iyong klase kung sa buong leksyon ay ikaw ang nagsasalita at nagpapaliwanag. Kung kaya’t mainam na gumamit ng mga explainer videos na siyang tutulong sayo upang maipaliwanag ng husto ang iyong paksa. Bukod pa rito, mabibigyan mo ang iyong klase ng isang kagamitan na mapagkukunan nila ng dagdag kaalaman.
Maari kang humanap sa Youtube ng mga videos na pwedeng gamiting panimula ng iyong diskusyon. Sa pamamagitan nito, hindi mo kailangan ipaliwanag lahat dahil gamit ang video ay may katuwang ka sa pagbibigay ng mas malawak pa na kaalaman sa iyong mga estudyante.
Paggawa ng template
Marahil ay nagmukhang nakakapanibago para sayo ang mundo ng eLearning, ngunit kung iyong susuriin ay mas pinadali nito ang iyong trabaho bilang guro. Gamit ang mga templates na siyang pwede mong maaccess sa kahit na anong site, hindi mo kinakailangang magmano-mano pa sa paggawa ng disenyo na siyang gagamitin mo sa iyong presentasyon.
Sa isang pindutan lamang ay maaari ka nang gumawa halimbawa ng iyong powerpoint presentations na hindi mo kailangang ibuhos ang iyong buong oras sa paggawa. Ito lamang ay patunay na nabiyayan ang ating henerasyon sa pamamagitan ng teknolohiya.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga materyal na siyang magagamit ng guro upang mapagtagumpayan ang hamon ng eLearning. Malawak ang mundo ng internet, kaya’t mainam rin na bawat guro ay maglakbay dito upang madiskubre nila ang ilan pa sa tinatago nitong benepisyo sa sektor ng edukasyon.