Para Sayo Ba ang Online Learning?
Ang online learning ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang ipagpatuloy ang edukasyon ngayon. Katunayan, bago pa nagkaroon ng pandemya, marami na ang mas pinipili na mag-aral online dahil sa gaano ito kadaling gawin at isingit sa schedule.
Salamat sa teknolohiya, kayang-kaya na ngayon dumalo sa mga klase kahit na nasa magkabilang dulo kayo ng mundo ng iyong guro at mga kaklase at kahit pa magkaiba kayo ng time zone.
Ngunit gaya ng sa lahat ng bagay, maaring bumagay ito sa ilan at hindi sa iba. Paano nga ba malalaman kung para nga sayo ang online learning? Mas mainam nga ba para sa iyo na mag study online kaysa dumalo sa mga pisikal sa klase?
Kung nakikita mo ang iyong sarili sa mga sumusunod na sitwasyon, marahil dapat mo ngang subukan ang online learning.
1.Mahigpit ang iyong linggu-linggong schedule
Lagi bang sobrang higpit ng iyong schedule, at kahit na may kagustuhan kang mag-aral ay hindi mo na ito magawa dahil wala kang oras? O kung may oras ka man, hindi ba ito sapat para pumunta sa klasrum, um-attend ng klase, at sumali sa mga activity sa paaralan?
Kung ganito ang iyong sitwasyon, mas mainam na imbes na mag-aral sa pisikal na klasrum ay mag-aral online. Sa ganoo, maaari kang mag-attend sa klase kahit pa 30 minutes lang ang libre mo. Sa ganito ka iksing panahon ay maaari ka nang magkaroon ng isang buong online learning session.
Dahil dito, masusulit mo ang iyong oras at mas marami ka nang maaring gawin. Wala ka nang commute o byahe na iisipin. Sa isang click sa iyong computer, nasa klase ka na.
Nais magtipid sa tuition
Isa sa mga pinakamalaking balakid sa pag-aaral ay ang mahal ng tuition, lalo na kung nais mong mag-enroll sa mga pribadong paaralan. Kung gusto mong mag-aral ngunit gusto mo ding magtipid, maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pag-aaral online.
Kumpara sa tuition sa mga pisikal na paaralan, di hamak na mas mura ang tuition sa online learning platforms. Ito ay dahil lubhang mas mababa din ang gastos ng online schools kumpara sa mga pisikal na paaralan.
Bukod dito, maaari ding maging flexible ang iyong mga klase upang maging sakto sa iyong budget at availability. Halimbawa, kung mas komportable ka sa tutorial sessions kaysa sa group sessions (gaya ng sa pisikal na klasrum pero online ginagawa), maaari itong gawin.
Sa pamamagitan ng pag-aaral online, hindi na magiging balakid sa iyo ang gastusin.
Malimit bumiyahe o lumipat ng lugar
Mas mainam din ang online learning para sa mga taong malimit bumiyahe o lumipat ng lugar, marahil dahil sa trabaho o sa sitwasyon ng pamilya.
Ang online classes ay maaaring gawin kahit nasaan ka sa mundo, hangga’t mayroon kang kompyuter at Internet. At ang kagandahan nito ay mayroon nang Internet sa halos lahat ng sulok ng mundo. Kaya kahit nasaan ka pa o saan mang time zone ka, maaari kang dumalo sa iyong klase.
Syempre, tatandaan mo lang na i-set ang iyong orasan ayon sa oras ng iyong klase para hindi ka malito.
Nais ang flexible na learning style
Nababagot ka ba sa istilo ng pag-aaral sa pisikal na klasrum? Maaaring dahil ito sa kailangan mong makipagsabayan sa iyong mga kaklase. At ang guro at kailangang mag-adjust sa kakayahan ng lahat ng estudyante.
Kung gusto mo ng mas flexible na learning arrangement, mas mainam sa iyo ang online learning. Dito, marami kang options na maaaring pagpilian, mula sa uri ng guro na gusto mong makasalamuha, sa uri ng learning platform na gagamitin, hanggang sa laki ng grupo na nais mong salihan. Mayroon kang “say” sa kung ano ang palagay mo ang magiging mabisa para sa iyo.
Mas komportable sa virtual environment
Mas gusto mo bang manatili sa bahay, at ilang sa malaking grupo? Mahiyain ka ba at hindi mo nailalabas ang iyong likas na talino dahil sa hindi ka komportable sa setup ng pisikal na klasrum?
Hindi mo kailangang magtiis sa ganitong arrangement kung alam mong hindi ito ang babagay sa iyo. Sa pagsali sa online classes, maaari mong ipagpatuloy ang iyong pag-aaral at unti-unting linangin ang iyong social skills ayon sa bilis na angkop sa iyo.
Kung nakikita mo ang iyong sarili sa mga aspetong ito ay tiyak na mas mainam sa iyo ang online learning.