Tamang Komunikasyon Sa Pagitan ng Mag-aaral at Guro
Malaking bahagi ng pag-aaral at pagtuturo ay komunikasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral. Katunayan, ang mga pinakamagagaling na guro ay tunay na magaling sa komunikasyon sa ibang tao. Tunay nga naman kasi na ang pagtuturo ay pagbabahagi ng kaalaman sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng guro sa kanyang estudyante, hindi ba?
At kalakip ng pag-uusap na ito ay hindi lamang ang mga salita na ginagamit, kundi pati na ang tono ng pananalita, ang mga gestures na gagawin, at iba pa. Kailangang linangin ang maayos at mabisang komunikasyon upang maging mabisa at produktibo ang bawat klase.
Paano nga ba ang tamang komunikasyon sa paaralan, lalo na kung nais mong magturo online? Narito ang limang katangian ng tamang komunikasyon sa pagtuturo.
Mayroong mataas na antas ng paggalang sa bawat isa
Kung ikaw ay may kagustuhan na mag teach online, hindi mawawala ang kahalagahan ng paglinang ng maayos na komunikasyon. Sa halip, mas mahalaga ito, dahil isang malaking hadlang sa matagumpay na pagtuturo minsan ang kawalan ng pisikal na interaksyon sa pagitan ng mga guro at mag-aaral.
Kaya sa online learning, mahalaga na mayroon mataas na antas ng respeto sa bawat isa, mula sa guro hanggang sa mga estudyante. Bilang isang online teacher, mahalaga ang pagpapakita ng respeto sa bawat estudyante, anuman ang taas ng kanilang talino o anuman ang kanilang performance sa klase.
Kapag mayroong paggalang, magiging madali para sa mga estudyante ang makinig sa mga leksyon at makilahok sa mga gawain sa klasrum.
Ang pakikipag-usap din nang may paggalang ay isang mabisang ehempo para sa mga estudyante para sa kanilang pakikitungo sa bawat isa.
Bukas sa mga opinyon at feedback
Parte din ng epektibong komunikasyon ay ang pagiging bukas sa feedback at opinyon ng mga mag-aaral.
hindi porke’t ang guro ang nasa posisyon ng awtoridad sa loob ng klasrum ay dapat na siyang maging sarado sa mga gustong sabihin ng mga estudyante. Sa halip, mas mainam na maging bukas sa mga saloobin ng mga mag-aaral dahil isa itong mabisang paraan upang linangin ang pagiging bukas sa constructive criticism. Bukod dito, magiging mas bukas ang mga estudyante na makinig at sumunod sa mga sinasabi ng guro kung ang guro mismo ay bukas din sa kanilang mga nais iparating sa kanya.
Tandaan na ang komunikasyon ay laging two-way. Walang komunikasyon na nangyayari kung ang daloy ng impormasyon o kaalaman (at maging mga opinyon at saloobin) ay galing lamang sa isang direksyon. Ang ganitong kultura sa klasrum ay hindi nakakatulong upang maging masigla ang mga diskusyon at pagpapalitan ng mga ideya.
Sa katunayan, maaaring walang mangyaring diskusyon sa isang klasrum kung saan ang guro lamang ang pinapakinggan.
Mayroong paggalang sa personal at propesyonal na espasyo
Sa isang klase, kailangang linangin bilang parte ng mabisang komunikasyon ang paggalang sa personal na espasyo ng mga guro at ng mga mag-aaral.
Sa parte ng mga estudyante, magagawa ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga guro sa tamang lugar lamang (Halimbawa: sa mga nakatakdang communication apps o sa online classroom at sa mga propesyonal na websites) at hindi sa mga personal na accounts ng mga guro kung hindi ito ang ginagamit nila sa pakikipag-usap sa mga estudyante. Dapat din iwasan ang paulit-ulit na pagpapadala ng mensahe sa mga guro.
Ilan itong malaking tanda na ang mga estudyante ay nagpapakita ng paggalang sa personal na oras at espasyo ng kanilang mga guro.
Sa parte naman ng mga guro, maaari itong gawin sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanilang mga estudyante sa mga propesyonal na espasyo lamang at sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita na may paggalang at nagpapakita ng magandang halimbawa. Ang mga guro ay mayroong responsibilidad na maging tamang halimbawa sa respeto sa kapwa sa kanilang mga estudyante.
Malinaw at direcho
Kapag hindi malinaw kung ano ang nais ipaabot na kaalaman, walang maayos na komunikasyon na nagaganap.
Ang epektibong komunikasyon sa pagitan ng mga guro at mag-aaral ay malinaw, madaling maintindihan, at direcho, walang paligoy-ligoy. Hindi dapat inaaksaya ang panahon (lalo na kung limitado lamang ang oras na maaaring igugol sa klase) na ginugugol sa klase o pag-aaral.
Conclusion
Sa pamamagitan ng tamang komunikasyon, magiging produktibo at masaya ang bawat klase at learning activity para sa mga guro at mag-aaral.