Tamang Paghahanda Para sa Pagtuturo Online
Sa bilis ng kinailangang transition sa pagsagawa ng online classes, kadalasan sa atin ay nangangapa pa rin kung paano nga ba dapat paghandaan ang online teaching. Marami sa ating mga guro ay nagsisimula pa lamang maintindihan kung paano nga ba magturo online. At sa paggawa nito ay natutuklasan na maraming skills at mga preparasyon ang kailangang gawin na talagang kaiba sa pisikal na klase. Napakalaki ng adjustments na kailangang gawin, at kung hindi napaghandaan ng tama ay maaaring hindi maging ganoon ka-epektibo ang mga klase na gagawin tulad ng inaasahan.
Buti na lang dahil hindi lahat ng mga online teachers ay kailangan pang mangapa upang maintindihan kung ano ang dapat nilang gawin. At syempre, mabuti din ito para sa mga mag-aaral na dapat ay nakaka-benefit sa mga klase na kanilang papasukan.
Kung kailangan mo ng tips para sa paghahanga na kailangang gawin sa pagtuturo online, sana ay makatulong ang tips na ito. Subukan mong i-apply ang iyong mga matutunan para sa iyong mga susunod na klase.
Gawing conducive sa pag-pokus ang iyong online background
Kung nais mong mag teach online, ang isa sa mga pinaka basic ang mga unang bagay na kailangan mong ihanda ay ang iyong tinatawag na lesson room o lesson background. Kaiba sa pisikal na mga klase, mas malaki ang challenge na iyong haharapin sa pagpapanatili na ang buong atensyon ng iyong mga estudyante ay nasa iyo pa rin mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng iyong klase.
May mga teaching platforms o applications na maaaring makatulong upang magkaroon ka ng artipisyal na background, ngunit madalas ay hindi natural tingnan ang mga ito at nangangailanggan ng mas mabilis at mas stable na Internet connection. Kung gusto mo itong maiwasan, maghanda lamang ng isang maayos, malinis, at walang distraksyon na espasyo sa iyong bahay o kung saa mo nais magturo, at ito ang gawing background.
Mahalaga na ang iyong background ay solid ang kulay, hindi matingkad o nakaka-agaw ng pansin, upang ang mga estudyante ay makapag-pokus sa iyo.
Maghanda ng angkop na mga gamit at back-up
Kapag naihanda mo na ang iyong background, sunod mo nang dapat ihanda ang iyong mga esensyal na gamit. Ito ay ang desktop computer o laptop, web camera, microphone (kung hindi gaanong klaro ang built-in microphone ng iyong kompyuter), at mabilis at stable na Internet connection.
Madalas, kapag sa bahay nagtatrabaho ay hindi maiiwasan na magkaroon ng mga distraction o mga ingay na natural nating naririnig pag nasa bahay tayo ngunit nagiging sagabal kapag narinig sa online class, gaya ng tahol ng aso, mga taong nag-uusap, at iba pa. Kung nais mong maging malinaw ang iyong tinig at walang marinig na mga sagabal habang ikaw ay nagtuturo, maaari ka ding gumamit ng mga software na nakakatanggal ng mga ganitong background noise. Ngunit depende lamang ito kung gaano ka lubha o dalas ang background noise.
Gawin ang klase sa lugar na walang mga sagabal
Kaugnay sa paghahanda ng iyong background, siguruhin na ang iyong working space ay walang sagabal. Ibig sabihin, kailangan na hindi ito dinadaanan ng mga kasama sa bahay (kung meron), hindi malapit sa pinto o bintana kung saan nanggagaling ang mga ingay sa labas, o malapit sa mga source ng ingay gaya ng telebisyon at radyo.
Kung hindi maiiwasan ang mga tao sa bahay, maaari mo din silang abisuhan tungkol sa oras ng iyong mga klase, upang makapag-adjust sila dito.
I-check ang iyong equipment
Isa sa mga bagay na pinakamadalas magloko tuwing may online class ay ang equipment, lalo na ang mga kompyuter at Internet connection. Minsan, hindi talaga maiiwasan o labas sa ating kontrol ang mga problema gaya ng kawalan ng Internet connection, ngunit mas marami ang mga bagay na kaya nating paghandaan nang maaga.
Bago magsimula ang iyong klase, ugaliin na magsagawa ng sound check, webcam check, at class flow check. Dito mo malalaman kung mayroong mga bagay na kailangang baguhin, i-adjust, tanggalin, o idagdag.
Mag-praktis at aralin ang flow ng learning session
Dagdag sa mga ito, huwag kakalimutan ng mag-praktis. Kaiba ang pag-handle ng lecture sa pisikal na klasrum. Lalo na dahil sa online class, dapat naka-sync ang iyong sasabihin sa iyong mga presentasyon o visual aids.
Sa tamang paghahanda, magiging mahusay at epektibo ang bawat online lesson. Sana ay nakatulong ang mga tips na ito upang mahusay mong magawa ang iyong mga online classes.