Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

4 na Katangian ng Isang Epektibong Online Classroom

Karamihan sa atin ay pamilyar na sa mga katangian ng isang masigla at masayang pisikal na klasrum. Ngunit marahil ay marami pa sa ating mga online teachers ay nasa punto pa ng pag-aadjust, at nais pang matuto kung paano nga ba gagawin ang epektibong klase sa isang online classroom.

Kung isa ka sa mga online teachers na ito, huwag mag-alala dahil natural lamang na magkaroon ng panahon upang makapag-adjust dahil napakalaki ng kaibahan ng pagtuturo sa pisikal na klasrum at online. Naiiba din ang skillsets na kailangang linangin ng mga guro, pati na ang kooperasyon na kailangang gawin ng mga mag-aaral.

Ano nga ba ang mga katangian ng isang epektibong online classroom? Basahin ang kabuuan ng artikulo na ito upang iyong malaman.

Madaling gamitin para sa guro at mag-aaral

Kung nais mong magturo online, ang pinaka-unang kailangan mong ihanda ay ang website o platform kung saan mo isasagawa ang iyong online teaching. Napakalaking bagay ng teaching platform dahil maaari nitong gawing masaya at madali ang interaksyon ng mga mag-aaral, at maaari din nitong gawin itong mahirap para sa kanila.

Isa sa mga senyales na hindi angkop ang iyong online classroom para sa iyong mga estudyante ay kung palagi kang nakakatanggap ng mga tanong tungkol sa mga proseso sa paggamit ng mga features ng website, o kung palagi nilang nababanggit na nahihirapan silang gamitin ito. Upang malaman ang kanilang mga saloobin ukol sa iyong napiling platform, maaari mong itanong mismo sa iyong mga mag-aaral kung ano ang kanilang karanasan dito.

Maaaring ikaw mismo ay nagkakaranas ng technical glitches sa website, lalo na kung maraming estudyante ang pumapasok sa klasrum nang sabay. Hindi ito makakatulong upang iyong magawa nang derecho ang iyong mga klase.

Ang isang maayos na online platform ay madaling gamitin para sa iyo at para sa iyong mga mag-aaral.

Mayroong akses sa mga materyales na gagamitin sa pag-aaral

Isa pa sa mga magandang katangian ng maayos na online platform ay ang pagkakaroon ng feature upang ma-akses ng mga mag-aaral ang mga materyales na kailangan para sa inyong mga klase. Ang mabilis ang madaling file sharing feature ay nakapagbibigay ng malaking tulong upang mapadali ang pagre-review at pag-aaral ng mga estudyante, kahit pa tapos na ang iyong klase.

Higit pa dito, ang pagkakaroon ng akses ng mga mag-aaral sa study materials ay nakakatulong upang masiguro na handa sila sa bawat klase na kanilang sasalihan. Kapag sila ay handa para sa klase, mas magiging madali din para sa mga guro na gawin ang lectures o na isagawa ang mga activity na may kinalaman sa paksa na tinatalakay.

Malaking bagay din ang akses sa study materials upang maging mas aktibo ang partisipasyon ng mga mag-aaral. At kapag mayroon nito, mas magiging masaya ang mga diskusyon. Mag-eenjoy ang lahat sa pag-aaral imbes na mabagot.

Flexible para sa anumang level ng pagtuturo

Dahil iba-iba ang mga personalidad ng mga mag-aaral, pati na ang kanilang mga edad, background, at karanasan, magkakaiba rin ang magiging pangangailangan ng bawat klase. Dahil dito, kakailanganin ng mga guro ang flexible na online classroom upang maging madali para sa kanila ang pagsagawa ng mga pagbabago na angkop para sa kanilang mga estudyante.

Kapag hindi flexible ang online classroom, mapipilitan ang mga guro na gumawa ng mga activities sa labas ng online platform. Madalas may binabayarang fees ang online teaching platforms, kaya siguruhin na magiging sulit ang ibabayad dito at hindi mo na kakailanganing gumamit ng features ng ibang websites.

Abot-kaya ang rates

Syempre, hindi pwedeng hindi isali ang halaga ng platform na gagamitin. Kailangang maging abot-kaya ang rates ng iyong online classroom.

Kapag ubod ito ng mahal, maaaring hindi mo ito magamit nang matagal, o mahirapan ang iyong mga estudyante na ipagpatuloy ang paggamit nito. Sukatin kung sapat ba para sa features na maaaring ibigay ng iyong napiling platform ang ibinabayad mo dito upang matiyak na magagamit mo ito nang pang matagalan.

Hindi sapat na ang mga online teachers ay magaling lamang sa pagtuturo ngayon. Mahalaga din ang paggamit ng tamang online classroom upang masiguro na bawat estudyante ay magkaroon ng magandang karanasan sa pag-aaral at ang mga guro ay masiyahan sa kanilang pagtuturo. Kung nakikita mo ang apat na mga katangiang ito sa iyong online classroom ay tiyak na tama ang napili mo.