Hindi kailangang maging nakakabagot ang pag-aaral. Sa katunayan, mas magiging mataas ang antas ng pagkatuto ng mga kabataan kung nahahasa at nalilinang ang kanilang likas na pagkamalikhain at kapag masaya para sa kanila ang pag-aaral. Ngunit mas madaling sabihin ang paglinang ng pagkamalikhain kaysa sa paggawa nito.
Sa loob ng klasrum, madalas na hadlang para sa mga mag-aaral ang takot na sila ay magkamali o mabigo at maging na sila ay pagtawanan ng kanilang mga kaklase. Kaya malaki ang responsibilidad ng mga guro upang tulungan ang kabataan na tuklasin ang kanilang pagkamalikhain at mailabas ito nang malaya at kusang loob.
Narito ang apat na tips para sa mga guro upang matagumpay nilang matulungan ang kanilang mga estudyante na maging malikhain at mag-isip nang higit pa sa kung ano ang inaasahan sa kanila base sa mga nakagawiang struktura ng pag-aaral o leksyon.
Ipakita ang Iyong Pagkamalikhain
Ang isa sa mga pinakamabisang paraan upang malinang ang isang katangian na nais mong makita sa mga kabataan na nasa iyong paligid ay ang pagiging isang magandang modelo nito. Kung nais mong maging malikhain sila, maging aktibo sa arts and crafts o sa iba pang paraan ng pagpapakita ng kanilang kakayahan, kailangangan na ang guro mismo ay kakitaan din nito sa loob at maging sa labas ng klasrum.
Maaari mong itanong sa iyong sarili kung ikaw ba ay nagiging sobrang strikto na sa struktura na hindi ka na nakakapagbigay ng pagkakataon upang malinang at mahasa ang galing ng iyong mga estudyante sa ibang bagay? Kung ang sagot mo ay oo, kailangan mong baguhin ang istilo ng iyong pagtuturo upang hindi itong maging nakakabagot.
Ang isa sa mga paraan kung paano mo maipapakita ang iyong pagkamalikhain ay ang pagpapakita ng iyong sarili output, hindi upang maging standard ng kung ano ang dapat nilang magawa, kundi upang makita nila na ikaw mismo ay natutuwa sa mga creative na gawain sa klasrum.
Maging Bukas sa Maraming Pagbabago
Hindi lahat ng mga bata na iyong tuturuan ay sanay o komportable sa mga creative activities gaya ng pagpipinta o drawing. Kapag mayroong ganitong mga estudyante, mahalaga na huwag silang pilitin na maging lubos na interesado sa inyong gagawin, lalo na sa simula.
Ngunit kailangan pa rin silang hikayatin upang makisalamuha upang maging sila ay matuklasan kung gaano ito ka-sayang gawin. Malay mo, sa kalaunan ay magustuhan din nila ito.
Upang mahikayat ang mga ganitong estudyante na makilahok, maging bukas sa paggawa ng mga pagbabago sa istilo ng iyong pagtuturo, sa mga gawain ninyo sa klasrum, at maging sa paraan ng pagbibigay ng feedback. Kung karamihan ay pansin mong hindi interesado, maging mapanghikayat ngunit huwag maging mapilit sa kanila.
Kung ang mga estudyante mo naman ay may likas nang interes, maaaring kailangan mo pa ring mag-adjust upang hindi maging ubod ng dali o nakakabagot ang mga gawain, kung ang iyong napagplanuhan ay para sa mga estudyante na nabibilang sa naunang halimbawa, lalo na kung ang iyong ginagawa ay online teaching.
III. Magsagawa ng Class Workshop
Isa sa mga pinaka nakakatuwang bahagi ng paglikha ay ang pagpapapkita ng iyong gawa o output sa ibang tao at ang malamang nagustuhan nila ito, pinag-gugulan ng panahon at atension, at nabigyan ng halaga.
Ang mga ito ay maaari mong makamit sa isang pisikal o online class workshop, kung saan maaari mong mabigyan ang bawat estudyante ng pagkakataon na makita ng kanilang mga kaibigan at kaklase ang kanilang mga gawa at makarinig ng mga komento mula sa kanila ukol sa kanilang mga output.
Maging maingat lamang sa pagsasagawa ng mga workshop na ganito, at sikapin na gawing akma ang mga alituntunin para sa iyong mga estudyante bago pa man sisimulan ang workshop. Sikapin na hindi maging isang lugar na nakakapukaw ng hiya o takot ang gagawin na workshop, kundi isang gawain kung saan magiging masay ang lahat.
IV. Maging Balanse sa Pagbibigay ng Feedback
Madalas, nahihiya ang mga kabataan sa pagpapakita ng kanilang mga gawa dahil natatakot silang makarinig ng masasakit ng komento mula sa iba. Bilang isang art teacher, maging nagtuturo man sa klasrum o nagtuturo online, kailangan mong ma-tantya kung gaano ka-detalyado at kung ano ang laman ng feedback na kayang tanggapin ng iyong mga estudyante.
At kapag nagbibigay ng feedback, laging maging balanse at gawing layunin ang pagbuti ng kanilang gawa at pagdagdag ng kanilang kaalaman.