Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

5 Epektibong Paraan Upang Makahikayat ng Maraming Estudyant

Sa panahon kung kailan napakaraming bagay ang maaaring mag-distract sa mga mag-aaral o makatanggal ng kanilang gana sa pag-aaral, paano mo sila mahihikayat na magpatuloy o bumalik sa pag-aaral? Para sa mga guro, sa pisikal man o online classroom, isa ito sa mga tanong na palaging sumasagi sa isip.

Tunay nga na napakalaking balakid ng pandemya sa lahat sa atin, hindi lamang sa larangan ng edukasyon. Buti nalang at kahit ganito, mayroon pa ring pag-asa. Mayroon pa ring maaaring gawin ang ating mga guro upang matulungan ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral nang may sigla.

Narito ang limang epektibong paraan kung paano ito gagawin:

Maging aktibo sa social media

Madalas nating naririnig ang mga negatibong naidudulot ng social media–simula sa mga pekeng impormasyon ang balita hanggang sa mga masasamang epekto ng adiksyon sa mga social networking apps. Ngunit ang katotohanan ay hindi lamang negatibo ang epekto at dulot ng social media. Maaari itong gamitin para sa mga mabuting gawain, at isa na dito ang edukasyon.

Bilang isang guro, maaari mong palawakin ang iyong presensya sa Internet sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa paggamit ng social media. Dito ay maaari kang kumonekt sa mga kabataan na palaging gumagamit ng mga social media apps at nakatutok sa Internet.

Dito mo din maaaring ipakita ang iyong credentials sa pagtuturo at magbigay ng mga learning tips para sa iyong mga followers. Maaari kang magbigay ng preview ng iyong mga klase, upang magkaroon ng ideya ang mga kabataan kung gaano kasaya ang matuto kasama ka.

Gumamit ng mainam na online classroom

Sa ngayon na maraming mga lugar ang hindi pa rin maaaring magsagawa ng mga pisikal na klase, mainam na mag teach online. Sa pamamagitan din nito, maaari mong palawakin pa ang iyong network at paramihin ang mga taong maaari mong turuan.

Upang magawa mo ito nang maayos, sikapin na makapili ka ng isang online classroom kung saan maaari mong ipagpatuloy ang iyong sariling teaching style at masisiguro ang kasiyahan ng iyong mga estudyante habang nag-aaral.

Malalaman mo na nakahanap ka ng isang mainam na online classroom kapag ito ay sapat para sa iyong teaching requirements, madaling gamitin para sa iyo at sa iyong mga estudyante, at maaaring i-customize ayon sa pangangailangan ng bawat klase.

Gumamit ng interaktibong study materials

Isa sa mga mabisang paraan upang makahikayat sa mga estudyante ay ang paggamit ng mga study materials na interaktibo at nakaka-engganyo sa kanila na maging aktibo sa pakikilahok sa inyong mga activities at klase.

Iwasan na maging one-way ang pagbabahagi ng impormasyon o ang mga gawain, at bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magbigay ng kanilang mga opinyon at ideya. Sa pamamagitan nito, magiging mas masigla ang bawat lesson, at maipapadama mo sa iyong mga estudyante na mahalaga ang kanilang input.

Bahagi nito ang paggamit ng mga materials at mga presentasyon na hindi nakakabagot kundi talagang pinaghandaan at pinag-isipan. Maging ang disenyo ang kabuuang itsura ng iyong mga materials ay mahalaga.

Sikapin na maging abot-kaya ang tutorial fees

Isa sa mga pinakamalaking konsiderasyon sa anumang bagay ang pera. Maging sa pag-aaral, mahalaga na abot din ng iyong mga estudyante ang tutorial fees o tuition kung nais mong magturo online.

Isa din ito sa mga paraan upang maging akma sa panahon ngayon kung kailang maraming tao ang nawalan ng trabaho at nahihirapan pa ring makabangon sa pinansyal na aspeto. Maaari mo itong makamit sa pamamagitan ng paggamit ng online teaching platform o website na abot-kaya ang halaga.

Gawing masaya ang bawat klase

At panghuli, sikapin na maging masaya ang bawat minuto na makakasama ka ng iyong mga estudyante. Magagawa mo ito kapag binigyan mo ng pansin ang mga personal na pangangailangan at kagustuhan, at hindi ka lamang naka-pokus sa leksyon.

Mag-laan ng oras upang kilalanin ang bawat isa upang ang iyong teaching style ang maging akma at naaayon sa kanilang mga personalidad at background. Mag-usap kayo tungkol sa buhay o mga interes upang maipakita mo sa kanila na may tunay kang malasakit sa kanila, at hindi ka lamang nagtuturo upang magtrabaho.

Sa dami ng nagaganap ngayon, maraming tao ang nakakalimot sa halaga ng edukasyon. Sa pamamagitan ng mga tips na ito, magagawa mo silang mahikayat na makita ang kahalagahan nito.