Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Ano nga ba ang Game-Based Learning?

Milya milya na ang itinakbo ng teknolohiya at hindi na rin natin mabilang ang hangganan ng benepisyo nito sa tao. Saksi ang mga guro at mga mag-aaral sa pagbabagong ito, dahil nasakop na rin ng teknolohiya ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng game based learning.

Ang Game Based Learning o GBL ay isang uri ng game play na may ispesifik na learning outcome. Dinisensyo ito upang bigyang balanse ang pagtuturo sa asignatura at ang tyansa ng maglaro habang natututo. Ginagawa rin ito upang bigyang diin ang kahalagahan ang kanilang kakayahan na siya naman nilang magagamit sa totoong buhay.

Inilalarawan ng game-based learning ang isang estratehiya sa pagtuturo kung saan ang estudyante ay may tyansang diskubrehin ang mga mahahalagang aspeto ng isang laro na nakapaloob sa konstekto ng pagkatuto  na siyang dinisensyo ng guro.

Ang mga estudyante at guro ay nakikipag ugnayan sa isa't isa upang gawing mas malalim at madagdagan pa ng panibagong perspektibo ang karanasan sa paglalaro na naturang aktibidad.

Ang isang epektibong game based learning ay may kakayahang dalhin ang mga mag-aaral sa isang pamilyar na birtwal na espasyo. Sa loob nito, ang mga kalahok ay nakasentro sa kanilang adhikain, sila ay magdedesisyon kung anong hakbang ang kanilang gagamitin para umusad sa laro, at tatanggapin nila ang anumang resulta ng kanilang mga magiging desisyon.

Hindi rin maiiwasan ng mga kalahok na magkamali sa isang risk-free setting, at sa pamamagitan ng masinsinang eksperimentasyon, natututo ang mga mag-aaral na maging mas aktibo sa pagkatuto at para mahasa silang gawin ang tama. Ganitong klaseng karakter ang nais ituro ng GBL na siya namang pakikinabangan ng mga mag-aaral sa reyalidad.

Mga Checklist na Maaring Gamitin ng Guro Sa Pagsasagawa ng Kanilang Game-Based Learning

"Magsaya habang natututo", ito na marahil ang susunod na "mantra" ng edukasyon. Nagiging kapanapanabik ang pagkatuto kung sasamahan ito ng mga larong talagang kinagigiliwan ng mga mag aaral.

Madalas, hindi gustong nakikita ng mga magulang na nagiging lulong ang kanilang mga anak sa mobile games, ngunit paano kaya kung gamitin ito bilang bentahe ng guro upang mapanatili ang sigla ng mga mag aaral na matuto? Narito ang ilan sa mga checklist na siyang dapat tandaan ng guro bago gamitin ang GBL sa mainstream na edukasyon:

1. Sumali sa mga Diskusyon online
Bago isagawa ang GBL sa klase ay may mga mahahalagang diskusyon na dapat isaalang alang ng guro at ito ay maaaring matagpuan sa mga materyales online.

Maaring maging isang follower sa mga GBL community kung saan maaaring basahin ang ilan sa mga reviews tungkol sa isang ispesifik na laro. Kung sakali namang may nais klaruhin ang guro ay maari siyang magbigay ng ng tanong o di kaya ay basahin na lamang ang mga naunang reviews sa isang ispesifik na game.

Maraming mga online GBL communities na na handang sumagot ng mga tanong tungkol sa mga pros at cons ng GBL.

2. Maglaro ng ilang mga Games

Ika nga nila, hindi mo maibibigay ang isang bagay na wala sayo. Sa pagtuturo, kailangan mo ring matutunan ang isang materyal bago mo ito ipagamit sa mga mag aaral.

Mainam na subukan ang pagsubok ng ilan sa mga natitipuhan mong laro, at dapat mo ring alamin ang ilan sa mga trend na laro upang mabigyang ideya ka kung anong GBL ang gagamitin mo sa iyong klase.

3. Maging dahan dahan sa pagsunod sa proseso

Ang pagkatuto sa paggamit ng GBL ay hindi iisang araw lamang, ito ay isang mahabang proseso at kailangang maging mapagpasensya dahil maraming mga pagkakamali ang kakaharapin mo bago mo ito tuluyang matutunan.

Magsimula sa pinakaibabang lebel at kung sa tingin mo ay kaya mo nang iangat ito, sa pamamagitan din ng seryosong kagustuhan na matuto, gawin mo ito bilang susunod na hakbang.