Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Bakit Kailangang Maging Palabasa ang Mga Guro

Palagi nating naririnig na kailangang magkaroon ng pagmamahal para sa mga libro ang kabataan upang tumaas ang antas ng kanilang karunungan. At marahil dahil karamihan sa mga guro ay may likas nang pagmamahal sa pagbabasa at sa pag-aaral, hindi na ito kailangan pang bigyan ng parehong atensyon.

Ngunit ang katotohanan ay kagaya ng epekto ng Internet at social media sa mga kabataan, marami ding mga guro ang mas nagbibigay na ng panahon sa mabilis na akses na naibibigay ng online sources. Hindi naman ito masama, at higit na nakakatulong ang Internet lalo na sa mga online teachers at mga estudyante na nais mag-aral online.

Pero kagaya ng mga mag-aaral, kailangan ding tumaas ang antas ng pagmamahal para sa libro at pagbabasa ng mga guro. Narito ang mga dahilan kung bakit.

Ang Mga Guro ay Mainam na Modelo

Kahit pa gaano natin sabihin sa kabataan na dapat sila magbasa, kung ang mga tao na laging nagsasabi nito sa kanila ay hindi nakikitaan ng libro sa kamay o sa lamesa, hindi sila gaanong makukumbinsi na gawin ito, dahil hindi nila nakikitang totoo ito sa kanilang mga guro.

Mas magiging malinaw sa kabataan ang kahalagahan ng pagbabasa kung nakikita nila mismo sa kanilang mga guro na sila ay may tunay na interes sa pagbabasa. Kahit pa ikaw ay isang online teacher, maaari mo pa ring i-modelo ang pagbabasa sa iyong mga estudyante sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga libro na iyong binabasa sa kasalukuyan, o pagbabahagi sa kanila ng bagong kaalaman na iyong nalikom mula sa iyong mga binabasa.

Gaya nga ng lagi nating naririnig, mas mabigat ang kilos kaysa sa salita. At mas mainam ang mga guro na modelo dahil sa haba ng panahon na kasama nila ang mga mag-aaral.

Patuloy ang Pagpapalawak ng Kaalaman

Ang kaalaman ay hindi stagnant. Ang impormasyon ay laging nadadagdagan at nagbabago. Kaya kailangan na ang mga guro ay laging may alam sa mga pagbabago at karagdagang kaalaman na mayroon na sa kasalukuyan na maaaring wala pa noon.

Sa pamamagitan ng pagbabasa, maipagpapatuloy ng mga guro ang paglawak ng kanilang kaalaman, na kanila namang maibabahagi sa kanilang mga estudyante.

Palawakin ang Bokabularyo ng Guro at Estudyante

Malaki ang bahagi ng komunikasyon at pagsasalita sa pagtuturo. At ang isang guro na may malawak na bokabularyo ay may mas malaking tyansa na maibabahagi ang kaalaman sa paraan na malinaw, komprehensibo, at madaling maintindihan ng kaniyang mga estudyante.

Ang pagbabasa ay isang mainam na gawain upang palawakin ang taglay na bokabularyo, hindi lang upang maging mas magaling sila sa pag-deilver ng leksyon, kundi pati na upang matulungan ang mga estudyante na palawakin din ang kanilang bokabularyo.

Sa pakikinig ng mga mag-aaral sa isang guro na magaling mag-deliver ng leksyon at may malawak na bokabularyo, magtututo din sila na maging mas magaling magsalita at gumamit ng lenggwahe sa mahusay na paraan.

Isang malaking problema sa maraming bansa ngayon ang pagbaba ng antas ng literacy, bokabularyo, at maging pag-intindi ng mga kabataan. Lahat ng ito ay maaaring mabigyan ng solusyon ng isang guro, kahit pa ito ay nasa online classroom, na palabasa.

Ibsan ang Stress

Napakalaking bagay nito, lalo na sa mga online teachers na laging nakaharap sa kanilang kompyuter. Bawat guro ay naglalaan ng mahabang panahon araw-araw sa paghahanda para sa mga klase, sa pagtuturo, at sa pag-tsek ng mga exam at proyekto. Marami sa mga guro, lalo na nang magsimula ang pandemya, ang nagkaroong ng mataas na stress.

Ang pagbabasa ay maaaring makapagbigay ng oportunidad sa mga guro na ibaling ang kanilang atensyon sa isang bagay na makakatulong sa kanilang mag-relax, at isa na dito ang pagbabasa.

Sa pagbabasa, maaari nating ilayo ang ating isipan sa mga bagay na nakapagbibigay sa atin ng stress o pagod. Kahit pa nasa loob lang tayo ng ating tahanan, maaari tayong mamasyal o pumunta sa mga lugar na makapagbibigay sa atin ng tuwa sa pamamagitan ng pagbukas ng libro.

At dahil halos lahat ng ating trabaho ay ginagawa sa ating kompyuter, isang mabisang paraan ang pagbabasa upang magpahinga muna sa kompyuter habang gumagawa ng isang bagay na makakatulong sa ating isipan at pangkalahatang kabutihan.

Kung ikaw ay isang guro at hindi mo na maalala ang huling beses na nagbukas ka ng libro, ngayon ang pinakamainam na panahon na simulan ito ulit.