Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Bakit Kailangang Yakapin ang Gamit ng Online Learning sa Sistema ng Edukasyon?

Taong 2019 noong tayo ay ginimbal ng pagkalat ng COVID 19 sa buong mundo. Malaki ang naging epekto nito sa ekonomiya ng bawat bansa sa daigdig. Ngunit dahil likas na tayo ay maparaan, nagawa nating bagtasin ang mga pagsubok na dala ng pandemya.

Hindi rin maitatagong ang sektor ng edukasyon ang isa sa mga napuruhan noong ang lahat ng paaralan ay kailangang magsara pansamantala, Ang dating maingay na silid, ngayon ay tahimik na. Ang dating magulong klasrum, ngayon ay pinamamahayan ng mga alikabok at mga ligaw na mga kalat na dala ng hangin.

Ngunit mapalad ang lahat dahil mayaman ang karunungan ng tao. Gamit ang teknolohiya, tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng online distance learning. Ito ang nakitang alternatibo ng mga awtoridad upang maipagpatuloy pa rin ang paghasa sa kakayahang pang-akademiko ng mga mag-aaral sa kabila ng banta ng COVID.

Bakit nga ba kailangan nating yakapin ang online learning? Ilan sa mga sagot ay ating ibabahagi sa sulating ito. Dito ay ating mapapatunayan na napakalaki ng pwedeng maging ambag ng online learning sa paghubog ng dunong ng ating mga kabataan. At ito ay ang mga sumusunod:

Maari nang mag-aral ang mga kabataan kahit saan at kahit kailan

Gamit ang kanilang mga gadget ay pwede na silang makapag-aral kahit pa sila ay wala sa proximidad ng paaralan. Hindi rin kailangan ng sobrang lakas na internet connection dahil kahit mobile data lamang ang gamit ay pwede na silang makinig sa lecture ng guro.

Maari rin silang magtanong tungkol sa leksyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng electronic na mensahe sa guro. O kung sakali mang hindi nila maunawaan ang leksyon ay pwede silang magsaliksik sa google para mas mapaigting ang kanilang karunungan.

Hindi na kailangan ng pisikal na klasrum sa online learning

Isa sa mga iniisip ng magulang araw-araw ay ang gastusin ng kanilang mga anak sa eskwelahan. Ngunit ayon sa isang pag-aaral, mas laking tipid ang online learning dahil hindi na kailangan pang magbayad ng pamasahe ang mga estudyante para lamang makarating sa eskwelahan.

Hindi na kailangan pa ng mga mag-aaral na magtungo sa isang pisikal na klasrum para lang makinig sa lecture ng guro. Gaya ng unang nabanggit ay maari na silang mag-aral kahit saan man sila naroroon.

Nahahasa ng online learning ang kakayahang teknikal ng mga estudyante

Dahil tayo ay nasa digital age, isa sa mga pinakamagandang kakayahan na dapat na matutunan ng mga mag-aaral ay ang paggamit ng teknolohiya. At isa ang online learning sa mga plataporma na siyang magtuturo sa mga kabataan kung paano gamitin ang isang digital na platform.

Halos lahat ng trabaho sa merkado ay may kinalaman sa paggamit n g teknolohiya kaya maituturing na isang malaking benepisyo ang online learning dahil hinahasa nito ang kakayahan ng mga mag-aaral na unawain ang mga komplikadong estruktura ng online tools.

Nagiging mas pokus ang guro sa kanyang pagtuturo

Hindi katulad sa face-to-face learning, mas napagtutuunan ng pansin ng  guro ang kanyang pagtuturo. Ito ay dahil hindi na kailangan ng guro na paalalahanan na ayusin ang klasrum, na siyang madalas ginagawa tuwing face-to face learning. Nagagamit ang buong oras sa pagbibigay leksyon.

Bukod pa dito ay derecho ang diskusyon at wala na itong paligoy-ligoy. Hindi katulad sa face-to-face learning na marami pang ritwal ang kailangang gawin ng guro upang simulan ang pakikipagtalakayan.

Tunay ngang hindi mainam sa atin na mga tao ang matakot sa kung ano ang bago. Gaya na lamang ng online learning, hindi natin lubos akalain na isa ito sa tuluyang babago sa sistema ng edukasyon sa buong mundo. Ar dahil nga ito ay hindi na ito bago sa ilan sa atin, patuloy itong magagamit sa pagpapaunlad ng karunungan ng bawat mag-aaral saan mang panig ng mundo.