Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

ESRU Model: Ano ang kaya nitong Maiambag sa Proseso ng Pagtuturo at Pagkatuto?

Ang obligasyon ng isang guro sa pagpapayaman ng karunungan  ng mga mag-aaral ay isang gawaing kailanman ay hindi mapapantayan. Mula sa paghahanda ng kanyang lesson plan at pagbibigay ng komprehensibong talakayin sa napiling paksa, hindi maitatanggi na malaki ang ambag ng mga guro sa buhay ng mga kabataan.

Kasama sa mga responsibilidad ng mga guro ay ang magbigay ng puna sa lebel ng performans ng mag-aaral. Maari silang gumamit ng mga rubrics kung saan nakalagay ang mga inaasahang kasanayan na dapat matutunan ng isang estudyante.

Ngunit, hindi ganun kadali ang proseso. Kinakailangang may malalim na kasanayan ang guro sa paggamit ng tamang estratehiya upang makita ang mga aspetong dapat ayusin para makausad ang mga estudyante sa aralin.

Bilang tugon, ating tuklasin ang isa sa mga epektibong estratehiya na makakatulong sa mga guro upang mailabas ang natatanging potensyal ng mga mag-aaral sa larangan ng akademiks na kanilang magagamit  sa totoong buhay.

ESRU Model bilang Gabay sa pagtuturo


Ang imahe sa itaas ay nagpapakita ng ibig sabihin ng ESRU model. Inilalarawan nito na ang teaching and learning process ay may sinusunod na sistema. Isa sa mga bahagi ng prosesong ito ay ang pag-analisa ng kakayahan ng mag-aaral na matutunan ang kompetensi na nakasaad sa mga curriculum guides.

Ang ESRU Model, bilang kasangkapan sa formative assessment, ay epektibong paraan ng pagkilala sa lalim ng kaalaman ng mag-aaral sa isang partikular na paksa. Syempre, ito ang magiging pangunahing gawain ng guro habang tinatalakay ang kanyang piniling paksa. Ating alamin ang mga detalye mayroon ang proseso ng ESRU Model.

Teacher Elicits Response ( Pagbibigay ng aktibidad ng guro upang mabigyang diin ang pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral.)

Isang hamon para sa mga guro ang pagbibigay ng aktibidad kung saan magagarintasa ang sandaang porsyento ng partisipasyon mula sa mga mag-aaral. At upang magawa ito, kailangang ang guro ay magbigay ng isang katanungan na pupukaw sa isipan ng lahat.

Halimbawa na lamang kung ang paksa ay tungkol sa karakter sa babasahing kwento. Bago basahin ang panitikan, maaring magbigay ang guro ng isang “motive question” na may kinalaman sa personal na karanasan ng mga mag-aaral, at maari ring may koneksyon sa aralin.

Sa ganitong paraan, magiging mas aktibo ang mga mag-aaral dahil ang pundasyon ng kanilang sagot ay nakatayo sa mga personal nilang karanasan. Bukod dito, maari ding magtanong ang guro ng mga knowledge level na mga tanong upang masukat kung hanggang saan ang lalim ng kanilang pamilyaridad sa aaraling paksa.

Students Respond ( Pagtugon ng mga estudyante sa tanong)

Ang magiging sagot ng mag-aaral sa tanong ng guro ay isang mahalagang elemento upang mabigyang ideya ang guro sa lalim ng kaalaman mayroon ang mga estudyante hinggil sa paksang tinatalakay.

Para ito ay maisakatuparan, kailangang ang mga tanong ng guro ay magsisimula sa mababang lebel, katulad ng nabanaggit sa unang aytem kung saan mainam na ang mga tanong ay nakabatay sa personal na karanasan ng mga estudyante. Kung hindi man ay ang paggamit ng mga tanong na kategorikal.

Teachers Recognize Student Response ( Kinikilala ng Guro ang Tugon ng mga Mag-aaral)

Magagamit ng guro ang tugon ng kanyang mga mag-aaral upang tuklasin ang lalim ng kaalaman mayroon ang isang  estudyante sa mga paksang nabanggit.

Kung sakali mang mapansin ng guro na halos lahat sa kaniyang klase ay hindi ganun kalalim ang pagkakakilala sa paksa, kailangan niyang alamin kung ang gagamitin na estratehiya ay makakatulong sa  paghubog ng kompetensi.

Kung hindi man, ay dapat niyang bigyang pansin ang pagsasaayos at pagpili ng tamang taktika para matulungan ang mga mag-aaral na matutunan ang mensahe ng paksa. Tandaan na ang “core” ng edukasyon ay ang kaalamang maaring matutunan ng isang estudyante mula sa guro.

Teachers Use Student’s Response ( Paggamit ng Guro sa Tugon ng Mag-aaral)

Sa unang aytem ay nabanggit ang pagsasaayos ng guro sa estratehiyang dapat gamitin sa lebel ng mga mag-aaral. Ito ang mensahe ng pang-apat na elemento sa ESRU Model.

Gamit ang naging tugon ng mga estudyante, kinakailangang maging masigasig ang guro na gumawa ng mabisa at alternatibong paraan upang hindi mahirapan ang mga mag-aaral na mahasa sa kasanayan na isinasaad sa curriculum guides. Dito malalaman ng guro kung epektibo nga ba ang napili niyang paraan ng pagtuturo , o kailangan niyang maghanap ng mas mainam na estratehiya.