Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Gawing Masaya ang Online Teaching

Simula nang lumaganap ang COVID-19 pandemic, lahat tayo saan man sa mundo ay napilitang humanap ng paraan para ipagpatuloy kahit papaano ang mga bagay na nakagawian na natin, at lalo na ang mga bagay na esensyal sa atin gaya ng pag-aaral.

Simula nang ipagbawal ang mga pagtitipon at maging ang paglabas ng bahay, nakita natin ang kahalagahan ng onlinelearning. Dahil dito, nagkaroon tayo ng pagkakataon na ipagpatuloy ang pag-aaral kahit na wala tayo sa mga pisikal na paaralan. Patuloy ang mga klase at maging ang social activities, kahit na ang mga ito ay ginagawa na ngayon sa Internet.

Pero mayroon pa nga ba tayong magagawa para gawing mas masaya at nakakapanabik ang onlineteaching? Ang sagot ay, syempre! Narito ang ilang tips kung paano ito maaaring gawin:

Paghandaan nang maigi ang paksa

Unang-una, kailangang na-master mo ang paksa na iyong ibabahagi. Kung wala ito, kahit ano pa ang gawin mong pagpapasaya sa iyong learning session, hindi ito magiging makabuluhan. Sa huli, kung mababaw ang pagka intindi at ang pagbabahagi ng paksa, hindi parin ito magiging masaya, lalo na para sa mga estudyante na sabik matuto at lumawak ang kaalaman.

Maaari din itong mag-apply sa mga estudyante. Mas mainam na sumali sa learning sessions nang napaghandaan ang mga materials (kung mayroon) at mayroong bukas na isip na handang tumanggap ng bagong aral.

Gumamit ng interaktibong visual aids

Dahil sa computer lamang ginagawa ang klase, nakakatulong ang visual aids upang gawing mas interaktibo ang sessions. Napakaraming maaaring gamitin na visual aids ngayon para maging mas malinaw ang learning sessions, kaya maraming paraan upang gawing kawili-wili ang mga ito.

Isa sa mga mabisang paraan para dito ay ang paggawa ng animated materials na gumagalaw ayon sa flow ng lecture at interaksyon kasama ang mga estudyante. Marami ding videos at iba pang materials na makikita sa Internet na maaari ding gawing supplemental materials.

Bukod sa visual aids, maaari ding gumamit ng mga online games o educational games na epektibo para maging masaya ang pag-apply ng bagong natutunang kaalaman at siguraduhin na naka-pokus pa rin ang bawat estudyante sa aralin.

Lagyan ng limit ang oras ng learning session

Upang maiwasan ang pagkabagot ng mga mag-aaral, lagyan ng limit ang learning sessions. Ang tagal ng bawat klase ay nakadepende sa edad ng estudyante, paksa, at oras kung kailan ginagawa ang mga sessions. Siguraduhin na akma sa mga ito ang tagal na klase na gagawin.

Mas maigi na gawing maikli lamang ang learning session kung ang mga estudyante ay mga bata na mababa ang attention span. Sa ganoon, mapapanatili ang kanilang atensyon sa buong klase, at bawat parte ng lesson ay siguradong nasagap ng lahat.

Bigyan ng pagkakataon ang bawat estudyante na tumugon

Isa ito sa mga pinakamahalagang tip na maaaring gawin sa onlineteaching. Kapag hindi nabigyan ang bawat mag-aaral ng pagkakataon na sumagot, maaaring sa games o sa recitation, mahirap masiguro na naka-pokus parin ang lahat.

Mahalaga ito lalo na kung ang learning session ay mayroong higit sa isang mag-aaral. Makakatulong ito upang malaman kung hanggang saan ang naintindihan ng bawat isa, at upang magawan ng angkop na pagbabago ang sessions kung kinakailangan.

Mayroong mga pagkakataon na sadyang mahiyain talaga ang mga mag-aaral, kaya makakatulong din ito upang kahit ang mga estudyante na ayaw makisama ay mabigyan ng oportunidad na lumahok.

Maaaring gawing masaya at nakakapanabik ang learning sessions kung gagawin ito nang may tamang estratehiya at paghahanda. Kung inyong mapapansin, hindi ito mahirap gawin, lalo na kung may tunay na kagustuhang gawing maayos at masaya ang pag-aaral para sa lahat.

Handa ka na bang gamitin ang mga tip na ito sa iyong susunod na learning session?



Name must have atleast 3 characters
School name must have atleast 3 characters
Phone number must have atleast 7 digits and atmost 15 digits
Please select a role