Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Ibalik ang Sigla ng Pag-aaral Online

Naging routine na lang ba ang pag-aaral online sa iyo? Kahit sa pag-aaral sa pisikal na klasrum, may tyansa pa rin na makaramdam ng bagot. Sa katunayan, sa lahat ng bagay, kahit pa gaano natin na-eenjoy ang isang bagay, dumarating ang panahon na napapagod at nababagot tayo.

Kaya paano nga ba ipapanumbalik ang sigla sa pag study online kung naging parte na ito ng iyong pang araw-araw na routine? Kung araw-araw kang nagtuturo at ramdam mo nang kailangan mo na ng makapag panunumbalik ng iyong sigla, huwag mag-alala dahil normal lang iyan, at mayroong mga paraan upang hindi ka magtagal sa ganyang sitwasyon.

Heto ang ilan sa mga tips na maaaring makatulong sa iyo:

Huwag manghinayang sa pahinga

Huwag mong kakalimutan na huminga, tumigil sandali, at magpahinga. Lahat ng tao ay may puwang upang mag-relax kahit pa gaano ka-puno ang schedule. Kung napapansin mong mo na wala ka nang hinto na mag-aral online, tanda ito na kailangan mo nang magpahinga saglit. At sa paghahangad mong makapagpahinga, huwag madismaya kung ayon sa iyong schedule ay wala ka nang oras para dito. Kung kinakailangan mong humingi ng leave ay gawin ito. Kung kinakailangang may tanggihan upang magkaroon lamang ng oras, gawin ito.

Tandaan mo na isa ang walang tigil na trabaho o maging pag-aaral at kakulangan ng pahinga sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit nakakaranas ang mga tao ng tinatawag na burn out. Kahanga-hanga naman talaga ang mga taong masipag, ngunit upang maipagpatuloy ang maayos na performance at masiglang pag-aaral, kinakailangang bigyan ang sarili ng pagkakataon upang mag-relax.

Sa panahon ngayon, kung saan tila lahat ng bagay ay gumagalaw nang mabilis at hindi binibigyang halaga ang personal na oras ng pahinga, minsan kailangang gumawa ng mga hindi popular na mga desisyon, kung nais nating mapanatili na masaya tayo sa ating ginagawa at nagagawa natin ito nang maayos at nang may kabuluhan.

Bigyan ng oras ang iyong mga libangan

Kaugnay sa pagpapahinga, bigyan din ng panahon ang mga bagay na nakapagpapalibang sa iyo na hindi konektado sa iyong trabaho. Marahil ikaw ay mahilig magbasa ng mga nobela o mag-pinta o manood ng mga pelikula sa sinehan.

Bigyan mo ang iyong sarili ng panahon upang magawa ang mga bagay na ito nang hindi nakokonsensya, dahil marahil sa sobrang pokus mo sa iyong performance sa pag-aaral, naiisip mo na hindi ka dapat gumagawa ng mga bagay na hindi nakakatulong upang matapos ang mga kailangang tapusing takdang aralin o proyekto. Sa katunayan, salungat dito ang totoo.

Dahil dito, balikan ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo at bigyan ang mga ito ulit ng panahon. Kapag ginawa mo ito, siguradong mapapansin mo ang pagbabalik ng iyong saya ang sigla, at magiging ganado ka ulit sa pag-aaral.

Dahan-dahang balikan ang study routine

Kapag nakapagbigay ka na ng regular na oras para sa iyong pahinga at leisure, dahan-dahang bumalik din sa iyong study routine. Sabi nga nila, ang anumang mabuti o magandang bagay, kapag sumobra ay hindi din maganda. Kaya huwag naman ding sobra sobra na ang pahinga hanggang sa ipagwalang-bahala mo na ang iyong pag-aaral.

Sa iyong pag-transition pabalik sa nakasanayang study routine, sikapin na gawin ito ayon sa bilis na epektibo sa iyo at hindi dahil lamang sa anuman ang nakasanayan ng marami. Dito mas may lamang ang online learning, dahil mas flexible ito at mas maraming pagkakataon upang ma-customize ang learning process ayon sa anuman ang angkop para sa mga mag-aaral

Magtakda ng study breaks

Panghuli sa lahat, kapag nakapag-settle ka na sa iyong study routine, huwag kalimutang magtakda ng study breaks pagkatapos ng bawat klase. Isa itong mabisang paraan upang mapagbuti ang pokus sa mga learning sessions at maiwasan ang pagkabagot.

Sa pagtatakda naman ng study breaks, sapat na ang 10 hanggang 15 minuto para dito. Ang sobrang habang break naman ay nagiging counter-productive.

Simple lamang ang kailangang gawin, hindi ba? Kaya huwag madismaya sa iyong sarili kung nasa punto ka ng iyong online learning journey kung saan kailangan mong ipanumbalik ang sigla at gana dito. Normal lang ito, at simple lamang ang solusyon.

At kapag naibalik mo na ang dati mong sigla sa pag-aaral, huwag paring kakalimutan ang mga tips na ito upang maiwasan na ang pagkalugmok ulit.