IIsa ang pagiging online teacher sa mga karera na lubusang lumago simula nang magkaroon ng pandemya. At dahil dito, tumaas din ang antas ng kompetisyon para sa ating mga online teachers.
Maaaring maging sanhi ito ng pagkabahala sa iba, dahil lumalawak nga naman ang larangan ng edukasyon ngayon, at tila napakabilis mangyari ng mga pagbabago. Kung ikaw ay isang online teacher at nais mong pagtibayin o palaguin ang iyong online presence upang mas makahikayat ka pa ng maraming estudyante, huwag mag-alala dahil sa kaunting kaalaman, maaari mo na itong gawin.
Narito ang iyong kumpletong guide tungo sa pagpapalaki ng iyong online presence upang dumami pa ang iyong mga estudyante at maging mas masigla ang iyong pagtuturo.
Pagbutihin ang iyong pampublikong social media accounts
Palagi nating naririnig ang mga negatibong dulot ng social media sa mga tao ngayon. Sa bagay, tama lang naman, dahil marami talagang mga tao ngayon ang sinasamantala ang social media upang magkalat ng mga pekeng balita o mambully ng mga tao sa Internet.
Ngunit hindi naman talaga ginawa para sa mga negatibong bagay na ito ang social media. Ito ay ginawa upang maging mas madali para sa mga tao kahit nasaan man tayo na kumonekt at makipag-usap sa isa’t isa, anumang oras o gaano man katagal natin gusto.
At sa tulong din ng social media, maaari mong palaguin ang iyong network bilang isang guro upang mas makilala ka pa sa larangan ng edukasyon at tumaas ang iyong kredibilidad sa mga estudyante. Napakalaking bagay nito, lalo na kung nais mong magturo online na freelance, dahil dito kailangan mong bumuo ng iyong sariling student base.
Gamitin mo ang iyong social media accounts upang ipakilala ang iyong sarili, ipaalam ang iyong credentials, at ipakita kung saang mga field ka eksperto at magaling magturo.
Palaguin ang iyong online network
Bukod sa social media, laganap din ngayon ang mga grupo na nagkikita online o nagbabahagi ng kanilang mga karanasan at expertise ukol sa iba’t ibang larangan.
Sa pamamagitan ng pagsali sa mga grupo na ito, maaari mong palaguin ang iyong network bilang online teacher at matuto mula sa mga stratehiya na ginagawa ng ibang mga online teachers na maaaring mas matagal nang nagtuturo kaysa sayo.
Sa mga ganitong grupo mo din maaaring makita ang mas maraming oportunidad upang magturo at makilala ang mga taong kasali sa mga edukasyonal na institusyon na maaaring makatulong upang mas maging malago ang iyong karera.
Huwag panghinaan ng loob kung mahirapan ka sa una, o kung hindi ka agad magkaroon ng mga koneksyon na makapagbigay ng oportunidad.
Sumali sa mga conference o seminars na ginagawa online
Napakabilis ng mga pagbabago na nangyayari sa larangan ng online teaching. Kaya kung nais mong magturo online at maging epektibo dito, kailangan maging maalam ka sa mga pagbabago na nangyayari at magkaroon din ng mga panibagong skills na kakailanganin sa mga pagbabagong ito.
Sa pamamagitan ng pagsali sa mga conferences, webinars, o seminars, malalaman mo ang trends sa online teaching na maari mong gamitin sa iyong sariling pagtuturo. Bukod sa paglago ng iyong kaalaman, maaari ding makatulong ang mga aktibidad na ito upang mas mapalago mo ang iyong network at makilala ka ng ibang mga online teachers.
Gumamit ng teaching platform na subok at mayroong positibong feedback mula sa marami
Napakalaking bagay ng paggamit ng angkop na online teaching platform sa pagtuturo online. Kahit pa gaano ka kagaling na guro, kung lagi namang pumapalya ang iyong platform, hindi pa rin magkakaroon ng magandang karanasan ang iyong mga estudyante.
Upang masiguro na tama ang iyong gagamiting platform, humingi ng feedback mula sa mga taong nakagamit na nito. Piliin ang platform na inirerekomenda ng maraming guro na gaya mo.
Gawing regular ang pag-conduct ng mga klase o tutorial
Panghuli, gawin mong regular ang schedule ng iyong pagtuturo upang maging mas madali para sa mga nais mag-enroll sa iyong mga klase na isali ito sa kanilang personal na schedule.
Mas madaling sundan ang mga klase na may regular na oras at araw at hindi papalit-palit. Sa dami marahil ng mga online appointments din ng iyong mga estudyante, mas magiging madali para sa kanila na tandaan ang iyong schedule kung naka-set ito nang maayos.
Maaaring mataas ang kompetisyon ngayon sa online teaching. Ngunit sa tulong ng guide na ito, siguradong magiging isa ka sa mga gurong hinahanap-hanap ng marami.