Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Limang Madaling Paraan ng Pagtuturo ng Alpabeto

Ang alpabeto ang siyang pundasyon ng bawat salita. Bago pa man matutunan ng isang bata ang paraan ng pagbabasa, kailangan niya munang maging pamilyar sa tunog ng mga alpabeto. Dahil kung hindi ito uunahin ay mahihirapan ang mag-aaral na aralin ang tamang istilo ng pagbasa.

Sa sulating ito, ating bigyang diin ang lima sa mga pinakamadaling paraan kung paano ituro ang alpabeto. Magagamit ng guro ang pamamaraang ito upang matulungan ang mga mag-aaral, lalo na yaong mga nag-uumpisa pa lamang.

Gamitin ang kantang pang-alpabeto

Ang paggamit ng tono bilang paraan ng pagtuturo ng alpabeto ay makakatulong upang mas mapalakas ang memorya ng mag-aaral sa mga letra sa alpabeto. Tandaan na mas mabilis matandaan ang mga ito kung gagamitan ng musika.

Ang musika ay isang mabisang paraan ng pagtuturo ng alpabeto dahil dito mas naaalala ng mga mag-aaral ang bawat tunog ng alpabeto. Mahalagang gamitin ang bagay na ito kung nais mong mabigyan ng mas mahusay na kalidad ng pagkatuto ang iyong mga mag-aaral.

Gumawa ng isang letter matching game

Upang maging mas interaktibo ang iyong klase, maaari kang gumamit ng mga flashcards kung saan pagtatapat-tapatin ng mga mag-aaral ang tunog ng alpabeto. Halimbawa ay yaong paghahanap ng tunog ng unang letra sa isang salita.

Ang mag-aaral ay aatasang hanapin ang naturang letra gamit ang mga flashcards. Halimbawa ay maglalagay ang guro ng larawan ng mansanas o apple sa pisara. Hahanapin ng mag-aaral ang umpisa ng letra mayroon ang larawan. Ganun din ang gagawin ng guro sa mga susunod na parte ng aktibidad.

Maari ring gawin itong pang grupong gawain, upang mas mahasa ang kakayahan ng mag-aaral na makisalamuha sa kanilang mga kaklase.

Gumamit ng alphabet box kada linggo

Bago mo simulan ang linggo, maari kang gumamit muna ng alphabet box kung saan nakalagay sa loob nito ang mga gamit na nagsisimula sa pare-parehong letra. Bubuksan mo ang karton at saka mo ito ipapakita sa mga mag-aaral. Hayaan mong hulaan nila ang ang mga bagay na nasa loob ng karton.

Siguraduhin na ang mga gamit sa loob ng box ay nagsisimula sa pare-parehong letra. Halimbawa ay maaari kang maglagay ng apple, larawan ng alligator, o larawan ng ant, o kahit anong mga gamit na nagsisimula sa parehong letra.

Pagkatapos maipakita ang mga gamit na ito ay tatanungin mo ang mga mag-aaral kung sa anong letra nagsisimula ang naturang mga gamit.Sa pamamagitan nito, tumataas ang pamilyaridad nila sa tunog at tamang bigkas ng napiling letra.

Gawing interdisciplinary ang iyong approach sa pagtuturo

Maaaring maboryong ang mga estudyante kung sakaling iisang klase ng aktibidad lamang ang kanilang ginagawa. Mainam na magkaroon ng maraming opsyon sa paggawa ng aktibidad kagaya halimbawa kung tututruan mo ang mga bata na mag-isip ng mga pagkain na nagsisimula sa “B”.

Pwede ring tanungin ang mga bata na magbigay ng mga prutas na nagsisimula sa letrang “A”. Gawing parang isang race ang aktibidad na ito kung saan ay kailangan nilang mahabol ang iyong ibinigay na oras. Magbigay din ng gantimpala sa grupo o sa mga estudyanteng nakapagbigay ng maraming mga halimbawa.

Gumawa ng mga pagkaing may hugis ng mga letra

Kung pre-school naman ang iyong tuturuan, maaari kang gumawa ng interdisciplinary approach kung saan hahayaan mo silang mag hulma ng tinapay sa kanilang baking session gamit ang mga letra bilang mga pattern.

Bukod sa maeenjoy nila ang session na ito, mabibigyan din sila ng rason para mas mahasa pa sa pagkatuto ng paggamit ng mga alpabeto. Maari ring bigyan ang mga bata ng tyansang ipresenta sa klase ang ginawa nilang mga awtput at hayaan mo silang sabihin kung anong letra ang nirerepresenta ng bawat letra.