Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Limang Tips Upang Maging Mas Produktibo ang Iyong Online Classes

Ang iyong mga online class ay naging routine nalang ba para sa iyo at pakiramdam mo ba ay hindi na ito produktibo? Hindi kinakailangan na umabot sa ganitong punto ang iyong pag-aaral online. Tama na mayroong tyansa na maging routine na lamang ang isang bagay kapag paulit-ulit na itong ginagawa. Ngunit, mayroon kang maaaring gawin upang masiguro na kahit pa araw-araw mong gawin ang iyong study online sessions, mananatiling makabuluhan ang mga ito.

Narito ang mga tips kung paano mo gagawing mas produktibo ang oras na iyong ibibigay sa sa pag-aaral online.

Paghandaan ang iyon mga klase

Bago umattend ng iyong mga online class, tiyakin na nagawa mo ang lahat ng kailangan mong gawin upang paghandaan ito. Mas magiging nakakatuwa ang iyong klase kung mayroon ka nang ideya ukol sa inyong tatalakayin. Hindi kailangan na malawak na ang iyong kaalaman (dahil iyan nga naman ang dahilan kung bakit nais mong mag-aral online, hindi ba?), ngunit mas mainam kung may alam ka na ukol dito upang maging masaya ang diskusyon, at madali mo itong masundan.

Para sa parte ng mga guro, mas madali ding turuan ang mga estudyante na mayroon nang kaunting ideya ukol sa paksa na pag-aaralan. Dahil dito, mahalaga na mayroon kang tunay na interes na matuto, dahil iyan ang pinakamalaking motibasyon upang magkaroon ka ng pagnanais na mapalago ang iyong kaalaman.

Sa paghahanda, sikapin na magbasa at magrebyu ng mga materials na mayroon ka (gaya ng mga study materials na nakalaan para sa leksyon), gawin ang iyong mga takdang-aralin, at tapusin ang mga activities mula sa nakaraang klase, kung meron man nito.

Ibigay ang iyong kumpletong atensyon sa leksyon

Hindi mo makukuha ang buong benepisyo ng pag-attend mo ng inyong klase kung hindi mo ibibigay ang iyong kumpletong atensyon sa oras ng klase. Marami kang maaaring makaligtaan na mahalagang bagay na magdudulot ng pagkalito at hindi pagkaintindi ng husto sa paksa.

Dahil sa nature ng online classes, mas maraming maaaring maging distraksyon habang nasa klase, dahil hindi naman nakikita ng iyong online teacher kung ano ang mga nakabukas sa iyong kompyuter, o kung talagang sa klase nakatuon ang iyong atensyon. Kaya mas kinakailangan na magkaroon ng disiplina.

Upang magawa ito, tiyakin na walang ibang websites ang nakabukas sa iyong kompyuter. I-set din sa silent mode ang iyong cellphone upang hindi ka ma-distract sa mga hindi mahalagang notipikasyon.

Gumawa ng notes

Habang nasa klase, maaari mong ma-maximize ang iyong oras sa pamamagitan ng paggawa ng notes ukol sa paksa na tinatalakay. Ang pagsusulat ng notes ay isa sa mga mabisang paraan upang tumatak agad at nang matagal ang mga bagong impormasyon.

Kung mas madali para sa iyo ang mag-type sa keyboard, maaari mong gamitin ang mga note-taking apps sa kompyuter. Tiyakin lamang na hindi ito makakasagabal sa lecture ng iyong guro sa screen.

Kung mas nais mo naman na gumawa ng pisikal na notes (dahil maaari itong i-access kahit na hindi na nakabukas ang iyong kompyuter), maaari mo din itong gawin sa iyong notebook. Alinman ang iyong piliin, ang mahalaga ay mayroon kang paraan upang balikan ang lesson at mag-record ng mga impormasyon na bago sa iyo at na kailangan mong tandaan.

Sa paggawa ng notes, sikapin na huwag gumamit ng napakaraming salita upang mabilis na masundan ang lecture at maging malinaw ang iyong notes.

Huwag mag-atubiling magtanong

Habang nasa kalagitnaan ng lesson ay ang pinakamainam na panahon upang magtanong ukol sa mga bagay na hindi malinaw sa iyo o na hindi mo gaano maintindihan. Ito ay dahil presko pa sa isip ng iyong guro ang paksa, at malinaw sa iyo at sa kanya kung ano ang nais mong tukuyin.

Bukod pa dito, maiiwasan mo din na makaligtaan na humingi na paliwanag kapag hinintay mo pang matapos ang lesson.

Iwasan ang pag-aabsent

Ang pagiging consistent sa pag-attend ng iyong mga klase ay isang epektibong paraan upang masiguro na magkaroon ng malaking progress. Kaya kung mayroon kang nakatakdang schedule para sa iyong pag-aaral, sundin ito at iwasan na gumawa ng mga hindi mahahalagang bagay sa oras ng klase.

Huwag sayangin ang pagkakataon na maaaring lumago ang iyong kaalaman, at gawing produktibo ang bawat klase mo online.