Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Magkaroon ng Extra Income sa Pagtuturo Online

Kailangan mo ba ng extra income ngayong panahon ng pandemya? May kagustuhan at kakayahan ka bang magturo? Bakit hindi mo subukang magturo online?

Isa sa mga malungkot na dulot ng pandemya ay ang kawalang ng trabaho ng libo-libong tao sa buong mundo. Dahil dito, nakikita nating naghihingalo ngayon hindi lamang ang mga taong na-infect ng COVID19 virus, kundi pati na ang mga ekonomiya at mga hanapbuhay ng marami. Marami sa atin ang nawalan ng kakayahan upang suportahan ang ating mga pamilya at nahihirapan maski sa mga pang-araw araw na gastusin.

Buti nalang at hindi natin kailangang mahintay na maging stable ulit ang ekonomiya o maibalik ang ating mga nawalang trabaho, dahil kahit nasaan ka man, saang bansa ka man nabibilang, o anuman ang iyong time zone, maaari kang kumita sa loob lamang ng iyong bahay. Higit sa lahat, maaari mo na itong simulan agad. Ang oportunidad na ito ay online teaching.

Kung sa palagay mo ang may taglay kang kakayahan upang magturo, baka nga ang pag teach online na ang pagkakataon na hinihintay mo. Hindi ka sigurado kung para nga ito sa iyo? Narito ang mga kailangan mong malaman kung gusto mong magturo online. Basahin mo itong maigi, saka ka magdesisyon kung angkop ba ito sa iyo.

Bakit mainam na trabaho ang pagtuturo online

Bakit nga ba mainam lalo na sa panahon ngayon ang pagtuturo online? Sa trabahong ito, hindi mo na kailangan pang mag-report sa opisina, makisalamuha sa maraming tao, o magpunta sa mga matataong lugar araw-araw upang mag-commute.

Ngayon kung kailan napakahalaga ng ating kalusugan at proteksyon laban sa virus, ito ang isa sa mga pinakamalaking konsiderasyon ng karamihan sa atin. Nakakalungkot man, ang iba sa atin ay walang ibang option kundi ang makipagsapalaran sa mga matataong lugar araw-araw dahil kailangan nilang kumita.

Ngunit sa online teaching, hindi mo na ito kailangang gawin, dahil maaari ka nang kumita kahit nasa loob ka lamang ng bahay. Hindi mo na kailangan pang mag-alala para sa iyong kalusugan o sa kalusugan ng iyong pamilya, dahil lubhang mababa na ang risk dito.

Dagdag pa dito, maaari mong ma-adjust ang iyong work environment ayon sa kung ano ang komportable para sa iyo.

Ano ang kailangan mo upang makapagsimula

Kung nagustuhan mo ang mga dahilan kung bakit mainam ang online teaching bilang full-time o part-time na trabaho ngayon, ang tanong na ay kung ano ang iyong mga kakailanganin upang masimulang ito.

Ang kagandahan ng online teaching ay kaunti lamang ang mga kailangan mong gamit. Kung mayroon kang maayos na Internet connection sa iyong bahay, may sariling desktop computer o laptop, web camera, headset na may microphone, at may espasyo kung saan maaari kang magturo nang walang distractions o gaanong tao at ingay, handa ka na upang simulan ang iyong karera bilang isang online teacher.

Paano sisimulan ang online teaching

Upang makapagsimula, alamin kung ano ang iyong area of expertise o kung ano ang maaari mong ituro. Madalas ay marami ang nangangailangan ng mga magtuturo ng mga lenggwahe gaya ng Ingles. Kung interesado ka dito, malamang ay makakakita ka ng maraming oportunidad.

Upang magsimula, maaari kang maghanap ng mga websites kung saan maaari kang magturo online. May mga websites kung saan partikular na lenggwahe lamang ang maaaring ituro, mayroon namang mas maraming lenggwahe na maaaring ituro, at mayroon ding websites kung saan iba’t iba ang mga paksa na maaaring ituro, gaya ng mathematics, science, at iba pa.

Madalas ang mga website na ito ay mayroong application process na kailangan mong ipasa. Paghandaan ang mga ito upang masiguro na ikaw at matanggap. Ihanda din ang iyong mga requirements gaya ng teaching certifications kung mayroon ka, dahil baka kailanganin mo ang mga ito.

Kailangang tandaan bilang online teacher

Kapang natanggap ka na, handa ka nang magsimula sa pagtuturo! Congratulations! Sa pagpapatuloy mo sa iyong career, huwag kalimutan na patuloy palaguin ang iyong kaalaman ukol sa iyong tinuturo upang makpagbigay na de kalidad na edukasyon sa iyong mga estudyante.

Kahit na nasa kalagitnaan tayo ng pandemya, hindi kailangang huminto din ng tuluyan ang mga paraan kung paano tayo magkakaroon ng pagkakakitaan. Kailangan lamang ng inisyatibo, tiyaga, at dedikasyon, at magagawa mo din ito.