Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Mga Advantages ng Online Teaching

Dahil sa pandemya, naging mas malikhain tayo sa paghahanap ng mga paraan upang makapagpatuloy na kumita. Alam natin na libo-libo ang mga taong nawalan ng hanapbuhay dahil nagsara ang kanilang mga kumpanya o hindi na pinayagang magpatuloy, gaya ng mga restaurant. Isa ito sa mga napakalungkot na resulta ng COVID19 pandemic, at hanggang ngayon ay nararanasan pa rin natin ang mga resultang ito.

Subalit salamat sa teknolohiya, kaya parin nating magkaroon ng hanapbuhay kahit nasa loob lamang ng bahay at gamit lamang ang ating mga kompyuter. Dahil dito, marami sa atin ang mayroon pa ring pagkakataon upang mag hanapbuhay sa kabila ng mga problema na kinakaharap na buong mundo ngayon. Ang tinutukoy ko ay ang online teaching.

Ito ang isa sa mga pinaka-flexible na trabaho sa ngayon, at maaari nitong mabigyan ng mapagkakakitaan ang mga taong nawalan ng trabaho. Kaya kung pinag-iisipan mo itong gawin ngunit hindi ka pa sigurado na mainam talaga ito, narito ang mga dahilan kung bakit mainam nga ang pagiging online teacher bilang hanapbuhay, lalo na sa panahon ngayon.

Maging mas ligtas dahil hindi na kailangang makisalamuha sa maraming tao

Kung kailan akala natin na patapos na ang panganib na dala ng COVID, ngayon ay mayroon nan namang balita ng panibagong variant ng virus na ito. Ayong sa mga eksperto, ang variant na ito ay lubhang mas nakakahawa at mas mabilis ang panahon na naipapasa ito. Dahil dito, mas mabilis itong kumalat, at mas mabigat ang epekto sa kalusugan.

Sa harap ng panganib na ito, natural lamang ng mag-dalawang isip tayong lumabas ng bahay. Ngunit marami sa atin ang kailangang magpatuloy pa rin sa kabila nito. Dahil lahat tayo ay kailangang kumita upang mabuhay. Ngunit sigurado na kung mayroong pagkakataon upang kumita pa rin ngunit wala nang panganib dahil sa pagpunta sa mga matataong lugar, di hamak na pipiliin nating iwasan ito.

Buti na lang at hindi natin kailangang harapin ang ganitong panganib sa teaching online.

Iwas gastos dahil computer at Internet lang ang kailangan

Sa panahon ngayon kung kailan hindi maganda ang ekonomiya, kailangan nating maghanap ng paraan upang mabawasan ang gastos. Ngayon, kailangan magtipid. Pigilan ang mga gastos na hindi kailangan. Gumastos lamang para sa mga talagang kailangan.

Kung gipit ka ngayon at wala kang sapat na pera para sa job hunting, ngunit mayroon kang kompyuter at Internet connection, walang duda ay makakahanap ka ng trabaho online. Hindi mo na kailangan pang gumastos para sa mga panibagong equipment. Maaari ka nang magsimula gamit ang kung ano ang mayroon ka na.

Isa pa, sa online learning, ang malaking parte ng kailangan mo ay nasa iyo na. Hindi ko tinutukoy ang mga gamit. Ang tinutukoy ko ay ang kaalaman na nasa iyo na at na maaari mong gamitin upang maging hanapbuhay.

Magkaroon ng sapat na panahon magpahinga

Natatandaan mo ba ang mga panahon na burnt out ka na dahil halos wala ka nang oras mag break o mag leave sa trabaho? Napagdaanan mo na ba ang gustong gusto mo nang huminto, ngunit hindi mo ito pwedeng gawin dahil sobrang dami mong trabaho, at, isa pa, kailangan mo ang trabaho mo? O kahit ang magtrabaho kasama ang isang boss na ayaw kang bigyan ng pagkakataon na gamitin ang iyong rest days?

Pwede mo nang kalimutan ang mga panahong ito, dahil sa online learning, hindi mo na ito kailangang maranasan. Sa pagtatrabaho online, ikaw ang sarili mong boss, ang ikaw ay ang may hawak ng iyong schedule. Tapos na ang mga araw na hindi ka makasama sa mga family outing o sa mga lakad ng barkada dahil hindi ka pinayagang mag-leave. Pwede mo nang planuhin kung kailan mo gustong magpahinga sa trabaho.

Magtrabaho kahit saan

Dito, pwede ka din mag trabaho kahit saang parte ng mundo ka nakatira. Hindi na kailangang malimita ka ng lugar. Hindi ka na nakakulong sa isang opisina. Gusto mong mag-travel at magtrabaho pa rin? Pwedeng pwede mo na itong gawin.

At dahil ikaw na ang sarili mong boss, pwede kang magtrabaho kung saan ka komportable. Hindi ba ang sayang magtrabaho sa isang lugar kung saan masaya ka? Ngayon, pwede na.

Kung sapat na ang mga dahilang ito upang ikaw ang makumbinsi na subukang magturo online, bakit hindi mo na simuilan ngayon?



Name must have atleast 3 characters
School name must have atleast 3 characters
Phone number must have atleast 7 digits and atmost 15 digits
Please select a role