Ang malikhaing pagtatanong ay may malaking ambag sa teaching & learning process. Dito nakasalalay ang sigla ng diskusyon sa isang paksa. Nasusukat din nito kung gaano kalalim ang pang-unawa ng mga estudyante tungkol sa leksyong kanilang pinag-aaralan.
Sa madaling salita, hindi maisasakatuparan ang learning objectives kung hindi ito gagamitan ng mga tanong na manggagaling mula mismo sa guro. Hindi lamang basta ang tanong ay nasasagot ng oo at hindi. Kailangan din itong gawing mas malikhain upang mapukaw ang atensyon ng mga estudyante.
Ang pagtatanong na siyang batayan ng gawain sa pagtuturo ay naghihikayat sa pag-alala, pagpapalalim sa proseso ng pagkatuto at pag-unawa, nagtataguyod ng imahinasyon at paglutas ng problema, nakakatulong sa pakiramdam ng pagka mausisa, at nagpapataas ng pagkamalikhain.
Ayon sa mga pagsasaliksik, ang pagtatanong ay maraming mga positibong benepisyo sa mga mag-aaral.Ito rin ay tanda ng isang magaling na kasanayang pedagohikal.
Hindi makukumpleto ang diskusyon kung hindi ito sasamahan ng pagtatanong ng guro. Sa sulating ito, ating alamin ang ilan sa mga mahahalagang gampanin ng malikhaing pagtatanong, at ano ang ilan sa mga bagay na dapat tandaan ng guro habang isinasagawa ito.
Mayroong ilang mga estratehiya na mapapakinabangan ng mga guro upang mapaunlad ang kultura ng pagtatanong sa loob ng learning environment. Kabilang dito ang:
- Pag-udyok at pag momodelo ng isang kakaibang disposisyon sa buong araw. Kung gusto nating matunghayan ang pag-unlad ng kultura ng pagtatanong, kailangang tayo ang manguna bilang mga guro, at ipakita sa mga mag-aaral kung ano ang hitsura, tunog, pakiramdam ng kanilang tinatalakay atbp.
- Pagpapahalaga at pakikipagtulungan sa mga mag-aaral sa mga tanong at pagbuo ng kanilang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanong. Maglaan ng oras na makinig ng may kasamang sinceridad sa mga itatanong ng iyong mga mag-aaral. Obligasyon mong iparamdam sa kanila na ang kanilang mga tanong at iniisip ay mahalaga at isang napakahalagang elemento sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
- Paggamit ng sopistikado, makabuluhan na mga teknik/ dialogue sa silid-aralan. Kasama na rito ang pagpaplano ng mga karanasan sa pag-aaral sa paligid ng mga tanong.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa nina David Hopkins at John Hattie, kanilang binigyang diin na ang pagtatanong ay may isang malaking bahagi sa mga silid-aralan, bilang pangalawa sa pinaka ginagamit na diskarte sa pagtuturo sa likod ng pagsasalita ng guro.
Gayunpaman, karamihan sa mga tanong sa mga mag-aaral ay lower-order o lower-cognitive na mga tanong na nanghihikayat lamang sa mga estudyante na alalahanin ang mga katotohanan o pamamaraan. Ito ay nagpapahiwatig na nakasentro lamang ang tanong sa pagdevelop ng knowledge level na kasanayan ng mga mag-aaral.
Ang paggamit ng higher order level na pagtatanong ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na maiconvert ang impormasyon sa kaalaman, at lumipat mula sa knowledge acquisition tungo sa application ng kaalaman.
Mahalagang bigyang-diin, na ang pagganyak na matuto ay hindi pinapanatili sa pamamagitan lamang ng pagtatanong. Ito ay rin ay maaring gawin sa pamamagitan ng pagtukoy, pagpapaliwanag, at paggamit ng bagong kaalaman at pag-unawa na resulta ng pagtatanong at pagtugon sa mga tanong.
Bilang mga guro na nakatuon sa pagpapaunlad ng pagkamausisa at pag-iisip ng mga mag-aaral, obligasyon mong tiyakin na naibibigay ang pagkakataon para sa mga mag-aaral na pag-isipan at sagutin ang isang hanay ng mga tanong, partikular na ang mga tanong na may mataas na pagkakasunod-sunod.
Kailangan ding matutunan ng mga mag-aaral kung paano magtanong, dahil dito mas lumalawak ang persepsyon nila hindi lamang sa paksa na kanilang inaaral kundi pati na rin sa reyalidad na kanilang tinatahak.
Pinakamahalagang sangkap ang pagtatanong dahil dito nadidiskubre ang ilan sa mga bagay na talagang makakatulong sa pag-usbong ng karunungan, bagamat hindi ito magiging madali ngunit sa palagiang paggawa nito, dadalhin nito ang mga mag-aaral sa pedestal ng pagkatuto.