Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Mga Benepisyo ng Peer Teaching

Ang pagtuturo sa klasrum ay binubuo ng tradisyunal na model kung saan may isang adult learner ang gagabay sa mga estudyante upang sila ay turuan. Ang mga ito ay tinatawag na mga guro. Sila ay naatasang magbigay ng ekstensibong kaalaman na siyang magagamit ng mga mag-aaral sa pang-araw araw na gawain.

Ngunit, may mga pagkakataong kakailanganin ng guro ang tulong mula mismo sa kanyang mga estudyante, lalo na sa usapin ng paghubog ng karunungan. At ito nga ay maisasagawa lamang sa pamamagitan ng peer tutoring. Ito ay nakasentro sa pagbibigay kapasidad sa isang mag-aaral na gampanin ang tungkulin ng pagiging guro sa kanyang mga kaklase.

Kadalasan, ang mga inaatasang maging peer tutor ay yaong mga may mataas na lebel ng pang-unawa sa paksang tinalakay. Sila ang mga estudyanteng nagpamalas ng ibang klaseng husay at galing kung kaya’t sila ay bibigyan ng pagkakataong matulungan naman ang kanilang kapwa mag-aaral na maintindihan ang paksang tinalakay sa loob ng klase.

Ano nga ba ang ilan sa mga halimbawa ng peer teaching?

  • Pag-atas ng guro ng musika sa isang mag-aaral na may pribadong leksyon tungkol sa paggamit ng gitara na turuan ang kanyang kapwa mag-aaral sa paggamit ng naturang instrumento.
  • Isang senior student na naatasang maging lider sa pag-oorganisa ng selebrasyon ng frehmen’s week.
  • Pagbibigay ng pagkakataon na turuan ng isang ESL learner ang kanyang kaklase sa tamang paggamit ng native na lenggwahe.
  • Grupo ng mga high school students na may advance learning sa paggawa ng code ay naatasang turuan ang mga kaklase na wala pang gaanong ideya sa nabanggit na gawain.

Ano naman ang bentahe ng peer teaching sa mga estudyante?

Mapapabuti nito ang Saloobin ng mga Mag-aaral Tungo sa Pag-aaral

Isa sa mga benepisyo ng peer teaching ay ang kakayahan nitong baguhin ang persepsyon ng mag-aaral tungkol sa edukasyon. Sa madaling salita, nagbibigay ito ng positibong epekto sa bawat estudyante. Ayon sa International Encyclopedia in Education, ang peer teaching ay nagpapabuti sa socio-emotional development ng mga bata. Ipinapakita nito na nabibigyang diin ang tiwala ng mga mag-aaral sa kani-kanilang mga sarili.

Ayon sa pag-aaral, ang tyansang maturuan ng kapwa mag-aaral ay makakatulong sa pagtanggal ng anumang balakid na nakakaapekto sa relasyon ng bawat isa. Mas nagkakaroon din ng motibasyon ang mag-aaral na magtanong dahil hindi sila pinanghihinaan ng loob na magtanong sakaling sila ay may hindi maunawaan sa paksa, ito’y dahil sila ay nasa gabay ng kanilang kapwa mag-aaral.

Mapapaunlad nito ang personal na karanasan ng mga mag-aaral

Ayon sa pag-aaral, parehong kapaki-pakinabang sa guro at mag-aaral kung magkakaroon ng mababang ratio ng guro at estudyante. Sa madaling salita, ang pag atas sa isang student-teacher ay mainam na paraan upang ang bawat mag-aaral ay may tyansang matutukan at matutunan ang paksang kanilang pinag-aaralan.

Kung reyalidad lang din lamang ang pag-uusapan, hindi maikakaila na malaki ang epekto ng mataas na ratio ng estudyante sa guro, kung kaya’t ang paggamit ng peer teaching ay isang epektibong sagot upang matiyak na ang pinag-aaralan sa klase ay nauunawaan at isinasapuso ng lahat.

Sa ganitong paraan ay mas nakikilala ng mag-aaral ang bawat isa. Dito, mayroon silang pagkakataong malaman ang kahinaan at kalakasan ng isa’t-isa, dahilan upang mas magpursigi ang sinumang naatasan na student-teacher na pagbutihin ang kanyang ginagawa.

Nabibigyang diin ang importansya ng cooperative learning

Ang peer tutoring ay naglalayong pagbukludin ang mga mag-aaral sa klase. At sa aspetong ito, nabibigyang diin ang estratehiya na tinatawag na cooperative learning. Dahil nabubuo ang tiwala ng bawat isa sa peer teaching, hindi malayong mapagtatagumpayan nila ang mga pang grupong gawain.

Isa pa sa mga binibigyang diin nito ay ang kahalagahan ng solidaridad. Sa aspetong ito, tiyak mauunawaan at isasa puso ng bawat mag-aaral ang importansya nang pakikilahok sa pang grupong gawain.