Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Mga Katangian ng Isang Makabagong Guro

Ang mga guro ang nagsisilbing “frontliner” ng klasrum. Sa kanila nakasalalay ang pagyabong ng karunungan ng mga mag-aaral. Ang kanilang paghahanda bago pumasok sa klase ay may malaking epekto sa paghubog ng intelektwal na kamalayan. Gamit ang kanilang lesson plan, masusi nilang sinusuri ang bawat estratehiyang kanilang gagamitin.

Sa panahon kung saan halos lahat ay digital, nagkaroon ng mas malawak na access ang mga guro sa mga malikhaing materyal na siya nilang magagamit sa klase. Hindi na rin kailangang gumamit pa ng sandamakmak na mga papel para lamang maipresenta ang paksa sa klase. Gamit ang powerpoint presentations, nailalahad na ng guro sa ang kanyang kuru-kuro sa napiling paksa.

Sa usaping ito, ating alamin ang ilan sa mga katangian mayroon ang isang makabagong guro. Sino nga ba siya, at ano ang kaya pa niyang iambag sa pagkatuto ng mga kabataan?

Nililinang nila ang mga makabuluhang karanasan sa edukasyon at buhay.

Ang edukasyon ay may layuning maihanda ang mga estudyante sa hamon ng totoong buhay. Kung kaya’t isa sa mga bagay na makakatulong sa kanila ay ang matutunan kung paano maging isang kritikal na mamamayan. Dito papasok ang responsibilidad ng guro na linangin ang mga makabuluhang karanasan ng mga estudyante sa edukasyon at buhay.

Ang pagbibigay ng mga simulation activities ay makakatulong sa mga mag-aaral na mabigyang ideya kung paano ginagawa ang isang bagay sa totoong buhay. Halimbawa lamang nito ay ang pag-organisa ng mock interview kung saan tuturuan ang mga estudyante ng tamang pagsagot sa tanong sakali mang sila ay iinterbyuhin para sa isang trabaho.

Ang paglinang ng mga “real-life skills” ang isa sa pinakamalaking ambag ng guro sa buhay ng kanyang mga estudyante. Hindi lamang sila natututo sa kung anong meron sa mga libro, bagkus nagiging mataas ang kanilang kamalayan sa mga ganap sa totoong buhay.

Hindi sila Natitinag ng mga Gawaing Nakakasagabal

Sa panahon kung saan maraming mga sagabal, isang hamon para sa mga guro kung paano nila ito malalampasan. Maraming mga salik na nakakaapekto sa retention ng mga mag-aaral gaya ng pagkahilig sa mga laro online. Ngunit sa pananaw ng isang makabagong guro, hindi niya nakikitang ito ay sagabal bagkus ay isang pagkakataon.

Yaman din lamang na ang mag-aaral ay mahilig sa paggamit ng gadget, pagkakataon ito ng guro na mas palawigin pa ang paggamit ng teknolohiya sa klase. Ang paggamit ng mga apps kaya ng Zoom, Google Meet, Teachmint at mga interactive games ay ilan sa mga pwedeng magamit ng guro upang maibahagi ng mas mahusay ang kanyang paksa. Sa ganitong paraan ay mas maeengganyo ang mga mag-aaral na pumasok at makinig sa klase dahil ang hilig nila sa gadget ay maari nilang magamit sa paggawa ng performans pang-akademiko.

Sila ay may kakayahang alamin ang tama at maling  impormasyon

Mapalad ang ating henerasyon sa pagkakaroon ng teknolohiya na siya nating nagagamit sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Ngunit, sa lawak nito, may pagkakataong maaring magamit natin ang isang maling impormasyon. Kaugnay nito, ang isang makabagong guro ay may matatas na kakayahan pagdating sa pagpili ng impormasyon na kanyang ibabahagi sa klase.

Hindi niya hahayaang balutin ng maling impormasyon ang kaniyang talakayin kung kaya’t bago siya sumabak sa diskusyon, magsaliksik muna siya ng malalimang pag-aaral tungkol sa mga katotohanang kanyang ibabahagi sa klase. Ang isang makabagong guro ay masigasig sa paghahanap ng katotohanan at hindi siya basta-basta naniniwala sa lahat ng impormasyong mahahanap online.

Kinikilala nila ang pagkakaiba ng katangian ng bawat estudyante

Isa sa mga bagay na nakakadagdag sa tagumpay ng isang guro ay ang kaniyang pagkilala sa iba’t ibang katangian ng mga estudyante. Nauunawaan niyang hindi lahat ay may kakayahang makipagsabayan  sa mga gawaing nakahain, kaya’t siya ay gagawa ng paraan kung paano niya ito masosolusyunan.

Maari siyang gumamit ng estratehiya tulad ng differentiated instruction kung saan lahat ay may pagkakataong gamitin ang kanilang natural na talento at kakayahan sa pagpresenta ng output. Sa madaling salita, ang isang makabagong guro ay may malikhaing isipan. Hindi niya hahayaang may batang maiiwan, bagkus gagawa siya ng paraan upang lahat ay makausad.

5. Nagpapakita sila ng isang progresibong kaisipan

Sa pananaw ng isang makabagong guro, isang malaking sala ang paggawa ng gawain na hindi nakakatulong sa pagkatuto ng mga estudyante. Halimbawa ay kung ang ay isang estratehiya ay hindi na naaangkop sa kakayahan ng mag-aaral, gagawa ang guro ng gawain na nakabase sa lalim ng kakayahan ng kanyang estudyante.

Hindi siya mananatili sa paggawa ng bagay na hindi nagbibigay ng tagumpay ng kanyang mag-aaral. Lagi siyang may baong bago. Hindi siya titigil sa pag-eeksperimento kung paano matutulungan ang mga mag-aaral na mas lalo pang matuto.