Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Mga Paraan Upang Maging Mas Challenging ang Mga Klase

May mga bagay na kapag nakasanayan nalang nating gawin, nagiging madali na para sa atin. Magandang bagay ito, dahil mas maayos natin silang nagagawa dahil sanay na tayo. Ngunit minsan, kapag naging madali na ang isang bagay, nawawala na ang challenge. At dito marahil bukod tangi ang pagtuturo, dahil hindi lang mismong mga guro ang naapektuhan kapag hindi na challenging para sa guro ang kanyang ginagawa, kundi pati na ang kanyang mga estudyante.

At ngayon, sa panahon ng online teaching at online learning, isa itong malaking hadlang sa epektibong pagtuturo at makabuluhang pagkamit ng edukasyon. Kaya kahit na araw-araw ginagawa ang pagtuturo, hindi dapat maging routine na lamang ito para sa mga guro at maging sa mga estudyante.

Narito ang mga paraan kung paano magagawang challenging pa rin ang iyong mga klase.

  1. Imbitahin ang bawat mag-aaral na makilahok

Mayroong malaking temptasyon para sa mga taong nais magturo online na magbigay na lamang ng impormasyon o mag-lecture na lamang, kahit na hindi na nila nakukuha ang atensyon ng mga mag-aaral, dahil mahirap nga naman talaga itong gawin kapag may balakid nang kawalan ng pisikal na presensya. Ngunit hindi ito ang tamang paraan ng pag teach online.

Dapat, kahit ano pa ang platform na ginagamit, online man o pisikal ang klase, ay pinapanatili pa rin ang aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral. Tungkulin ng mga guro na siguruhin na magkaroon at mapanatili ang interes ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na makilahok sa mga diskusyon at aktibidad na ginagawa sa loob at labas ng klasrum.

2.Gawing nakakapukaw ng isip ang mga activity at pagsusulit

Ang mga pagsusulit ay kailangang italaga bilang mga makabuluhang sukatan ng performance, galing, at kakayahang mag-apply ng mga bagong natutunan ng mga mag-aaral. Upang ma-maximize ang mga ito, kailangang gamitin ang pagkakataon upang lubusang maintindihan ng mga mag-aaral ang itinuturo sa kanila at upang hikayatin sila na magbigay ng kanilang buong atensyon at bukas na isipan sa panahon ng mga lecture.

Hindi ito makakamit kung ang mga pagsusulit ay sobrang dali lang at hindi na kailangang pag-isipan, o kung ang mga ito naman ay sobrang hirap dahil labas na sa mga pinag-usapan sa klase o sa lebel ng itinuro ang mga tanong sa pagsusulit. Sa pangalawang uri ng pagsusulit ay tiyak na mawawalan ng gana ang mga mag-aaral habang tumatagal.

3.Magbigay ng mga takdang-aralin

Gaya ng mga pagsusulit, ang mga takdang-aralin ay mabisa rin upang maging challenging ang bawat pagkakataon na nagkikita kayo ng iyong mga estudyante. Ngunit minsan, imbes na makapukaw ng isip ay nagiging nakakabagot ang mga ito at nagiging pasanin lamang na hindi nila gustong dalhin.

Upang maiwasan ito, magbigay ng mga angkop at nakakahikayat na incentives ang magaling na output, at ugaliing bigyang halaga ang mga ito sa harap ng ibang estudyante. Sa pamamagitan nito, magiging nakaka-engganyo ang mga takdang-aralin upang higit pa nilang pagbutihin ang kanillang pag-aaral at pagsagot sa bawat activity.

4.Bigyang panahon ang mga mag-aaral na magpahinga

Gaya na mga guro, ang mga estudyante ay kailangan din ng panahon upang makapagpahinga. Lalo na sa panahon ngayon na marami sa atin ay dumadanas ng hirap dahil sa pandemya, kawalan ng trabaho, at iba pang mga personal na sitwasyon, mahalaga na magbigay ng sapat na panahon upang pagtuunan nila ng pansin ang mga bagay na mahalaga sa kanila na hindi konektado sa pag-aaral.

Sa kagustuhan natin na matuto ang mga estudyante, maaaring magbigay ng sobrang daming takdang-aralin o pag-aaralan, hanggang sa wala nang panahon para sa ibang bagay ang mga mag-aaral. Iwasan ito upang magkaroon din sila ng balance at mas maging handa sila sa bawat klase.

5.Magtakda ng mga topic breaks

Kung mayroon kang sinusunod na mga paksa na tinatalakay, mainam na paminsan-minsan ay magtalaga ng mga topic breaks upang hindi maging nakakabagot ang mga diskusyon o kapag tapos na ang isang paksa at nais mo nang magtalakay ng panibagong paksa.

Base sa iyong konteksto, panahon, at sitwasyon ng iyong mga mag-aaral, isipin kung ano ang mainam na topic breaks. Sikapin na makapagbigay ito ng ginintuang aral sa kanila, at makadagdag hindi lamang ng kaalaman.

Sa tulong ng mga tips na ito, bawat klase na iyong gagawin, maging online man o sa pisikal na klasrum, ay makakapukaw ng interes para sa lahat ng iyong estudyante.



Name must have atleast 3 characters
School name must have atleast 3 characters
Phone number must have atleast 7 digits and atmost 15 digits
Please select a role