Bilang isang guro ng literatura, ano madalas ang iyong ginagamit upang mabigyan ng galak ang iyong mga mag-aaral? Marahil isa sa iyong mga estratehiya ay ang collaborative learning o role play. Ngunit, ang mga ito ay maituturing mga alamat o mga gasgas na aktibidades sa loob ng klase.
Tayo ay nasa henerasyon na ng digital na pamumuhay. Binago na ng teknolohiya ang mukha ng edukasyon. Kaya nga sa sulating ito, ating tuklasin ang mga epektibong sites na maaring gamitin sa pagtuturo ng literatura. Sa pamamagitan ng blog na ito, mabibigyan ka ng malawak na opsyon para gawing mas interaktibo ang pagkatuto ng iyong mga mag-aaral. Handa ka na bang malaman ang mga website na ito? Kung oo, ay basahin mo ang mga sumusunod
Isa ito sa mga pinakapopular na plataporma sa online na pagtuturo. Ang website na ito ay naglalayong gawing madali at mahusay ang pagtuturo. Gamit ang portal ang site na ito, maaari nang gumawa ang guro ng birtwal na klasrum. Sa ganitong paraan, madali na lamang ang access sa klase ng parehong guro at mag-aaral.
Ngayon, paano nakatutulong ang website na ito sa pagtuturo ng literatura? Maari nang mag-upload ang guro ng kaniyang materyal sa website na siya namang babasahin ng mga mag-aaral, kahit saan at kahit kailan. MAinam ito na paraan lalo na at online na halos lahat ng transaksyon ng tao sa mundo. Hindi na rin kailangang tumungo pa sa pisikal na klasrum upang matutunan ng mga bata ang leksyon. Sa pamamagitan lamang ng isang pindot, abot-kamay na ng mag-aaral ang kanyang leksyon sa literatura.
Favorite Poem Project
Ang website namang ito ay naglalaman ng mga video presentations tungkol sa mga sikat na classical literature. Dito ay hindi lamang mababasa ng mag-aaral ang kanyang leksyon sa literatura, sila rin ay nabibigyan ng access sa kasaysayan ng mga manunulat ng tula.
Ang pagkakaroon ng kamalayan sa pinagmulan ng manunulat ay isang paraan para madaling maunawaan ang konteksto ng isang tula. Kung kaya’t ang website na ito ay mainam para sa mga mag-aaral na may malawak na interes sa kasaysayan. Bukod sa layuning gawing simple ang pang-unawa sa isang komplikadong tula, ang Favorite Poem Project ay kombinasyon din ng pagkatuto sa kasaysayan at literatura.
Victorian Web
Marahil ay sa pangalan pa lamang, atin ng mahihinuha na ang website na ito ay maihahalintulad sa isang sapot ng gagamba. At tama nga ang ating hinala dahil ay Victorian Web ay isang online platform na nakaguhit sa imahe ng isang sapot. Bawat web ay may karampatang item. Matatagpuan sa website na ito ang mga sikat na literatura na isinulat at inilimbag noong Victorian Age sa larangan ng panitikan.
Ang bawat web ay may kanya kanyang links na maaring iaccess ng kahit na sino. Halimbawa na lamang ay kung nais mong basahin ang biography ng isang manunulat ay maaari mo lamang iclick ang biography link, at ilang segundo lamang ay lalabas ang kwento ng buhay ng mga sikat na manunulat sa panahong nabanggit.
Ilan pa sa mga features ng website na ito ay ang mga politikal na aspeto ng pamumuhay ng mga manunulat, kasama na rin ang impluwensya nito sa estruktura ng kanilang mga isinulat. Nariyan din ang listahan ng mga sikat na manunulat noong panahon ng Victorian age literature.Tiyak ay kumpletos-rekados ang hatid sayo ng site na ito. Sa isang access lamang ay malawak na ang materyal na pwede mong gamitin sa pagtuturo online.
Poetryarchive
Ang website ay gumagamit naman ng audio upang ipabatid ang nilalaman ng isang tula. May mga ready-made nang mga audio materials na siyang magagamit ng guro sa kanilang klase. Maaaring iparinig ng guro ang isang tula at trabaho na ng mga mag-aaral ang pakinggan ito.
Patok ang ganitong materyal kung nais ng guro na pandayin pa lalo ang husay ng kanyang mga mag-aaral sa pakikinig. MAhalaga nga naman na mapaghusayan ng mga mag-aaral ang tinatawag na listening skill, dahil ito ay magagamit nila sa pang-araw araw na gawain, pormal man o impormal.
Bilang panghuli, ang mga guro ng literatura ay may mahalagang obligasyon sa pagpapanday ng karunungan ng kanilang mag-aaral. Dahil sabi nga nila, literatura ang ekstensyon ng buhay ng tao. Kaya sa panahon na lahat ay purong digital, importante na maging malikhain at mapagpasensya ang guro sa paggamit ng mga online materials sa ngalan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral,