Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Bakit nga ba ito Itinuturing na Epektibong Plataporma sa Pagtuturo?

Ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang sandata ng ating sibilisasyon. Ito ang nagsisilbing haligi ng ating lipunan, kung kaya’t hindi maitatangging ang sektor ng edukasyon ay walang tigil sa paghahanap ng paraan upang itaas pa ang kalidad ng pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Nito lamang nakaraang dekada ay makikita ang naging dahan dahan na pagbabago ng mukha ng edukasyon. Mula sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo tungo sa paggamit ng birtwal na espasyo para sa learning delivery, naging malikhain ang ating isipan upang itaas pa lalo ang antas ng edukasyon sa lipunan.

Ang online learning ay isa sa mga naging mukha ng pagbabago sa kultura at sistema ng edukasyon sa mundo. Sinasabing isa ito sa mga pinkamabisang medyum upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng bawat kabataan, ito ay sa kabila ng banta ng pandemya.

Bakit nga ba itinuturing ng nakararami na epektibo ang platapormang ito? Paano ito iniangat ang antas ng edukasyon sa buong mundo? Ating alamin sa pamamagitan ng mga pagsasaliksik na inilathala ng mga kilalang tao sa larangan ng edukasyon.

Argumento na sumusuporta sa Online Learning

Habang lumolobo ang populasyon sa daigdig, tumataas din ang tyansa na kailangang damihan ang mga materyal katulad ng building at mga pasilidad na siyang magbibigay ng ginhawa sa mga mag-aaral lalo na sa face-to-face learning. Ibig sabihin nito ay maraming salapi ang kakailanganin upang maihatid ang mga naturang mga pasilidad.

Sa kabilang banda, ang online learning ay isang mainam na solusyon upang maiwasan ang problema sa mga klasrum na may masikip na espasyo para sa malaking populasyon ng mga estudyante. Sa platapormang ito, hindi na kailangan pang makipag-siksikan ang mga estudyante sa klasrum kung saan halos pagkasyahin ang kwarenta o singkwenta na mga estudyante, na dapat sana ay para lamang sa trenta na bilang ng mga mag-aaral.

Sa pisikal na set-up ng klasrum kung saan mayroong malaking bilang ng mga estudyante, hindi magagarantisa ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ay dahil sa mga salik na maaaring makaapekto gaya na lamang ng ingay, idagdag pa ang pag-init ng temperatura na makadagdag sa mga balakid upang hindi mapagtagumpayan ng guro ang kanyang leksyon.

Samantalang kung online class ang gagamitin, maaring turuan ng guro ang mga mag-aaral kahit sila ay nasa halos isang-daan, na hindi nila kailangang pagdusahan ang init at sikip ng isang pisikal na klasrum. Ang online education ay may kakayahang tulungan ang mga paaralan na lawakin ang kanilang kapasidad, dahil mas malawak ang kaya nitong sakupin kumpara sa face-to-face learning kung saan limitado ang galaw ng guro(Haythornthwaite 2004). Gamit ang online tools, ang isang paksa ay kaya nang ituro ng guro kahit pa siya may halos isang daan na estudyante.

Isa din sa mga benepisyo ng online education ay natuturuan ang mga mag-aaral kahit saan man sila naroroon. Gamit ang Wifi ay maari silang makasabay sa klase na hindi nila kailangang bumiyahe para lamang marating ang silid-aralan.

Ayon sa librong “Handbook for Online Education”  ni Shirley Bennet at kaniyang mga kasama, ang online learning ang mabisang paraan upang wakasan ang problema ng mga nasa sektor ng edukasyon tulad na lamang ng stress na maaring maging dulot ng mahabang preparasyon papuntang paaralan. Isang malaking ginhawa ang online edukasyon para sa lahat dahil hindi na kailangang magbuhos pa ng maraming enerhiya ang lahat, marating lamang ang paaralan. Ang bawat tahanan ang bagong mukha ng klasrum at edukasyon.

Kung iisipin ay isang malaking katipiran sa bulsa ng lahat ang online education lalo na sa mga mag-aaral na nasa higher education, dahil hindi na nila kailangang gumastos pa para sa kanilang board and lodging. Hindi na rin nila kailangang maglustay ng maraming salapi para sa kanilang pamasahe papuntang paaralan.

Tunay ngang napakataba ng utak ng tao, lalo na sa aspetong teknolohiya. Kaya nga’t karapatan natin ang gamitin ang mga bagay na ito upang mas guminhawa pa ang takbo ng ating buhay sa mundong ibabaw, at isa nga ang online education sa magpapatunay na lumalawak ang imahinasyon at pagkamalikhain ng sanlibutan.