Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Paano nga ba Sumulat ng Isang Talumpati?

Nagugulumihanan ka ba kung paano mo sisimulan ang iyong talumpati? Malapit na ang takdang araw ng iyong presentasyon ngunit nasa unang talata ka pa lamang, at pakiramdam mo, hirap ka nang umusad at sumulat ng iba pang laman ng iyong paksa.

Hindi na bago ang ganitong senaryo. Katunayan, halos lahat ng estudyante sa isang silid ay magsasabing hirap sila kung paano sisimulan at tatapusin ang kanilang talumpati. Ito ay maaaring dulot ng hindi gaanong nabibigyan ng pagsasanay ang mga mag-aaral na matutong sumulat ng talumpati.

Ngunit hindi mo kailangang mag-alala, dahil ang sulating ito ay naglalaman ng mga pananaliksik tungkol sa mga epektibong paraan kung paano sumulat ng isang talumpati.Pagkatapos basahin ang blog na ito ay nakatitiyak kaming mabibigyan ka nang malawak na persepsyon tungkol sa mga dapat na nilalaman ng iyong talumpati.

Gumawa ng banghay bilang panimula

Mahalagang magkaroon ka rin ng banghay o outline bago mo simulan ang pagsusulat ng talumpati. Tulad ng sanaysay, ang talumpati ay mayroong tatlong mahahalagang bahagi. Ito ay ang panimula kung saan dito mo ilalagay ang mga pinakamabisang ideya upang kunin ang atensyon ng iyong mga tagapakinig.

Pangalawa ay ang katawan kung saan dito naman nakasulat ang mga datos, estatistika o ang pokus na mensahe ng iyong talumpati. At pangatlo ay ang konklusyon kung saan nakasulat ang panghuli mong mga salita. Maaaring ang iyong konklusyon ay nasa konteksto ng “call-to action” o di kaya ay isang buod ng lahat ng mga nauna mong sinambit sa iyong talumpati.

Simulan mong gawin ang iyong unang draft

Sa paggawa ng iyong unang draft, kailangan ay hindi ka mawala sa iyong banghay. Bago mo tuluyang isulat sa pinal na hakbang ang iyong panimula, isipin mo muna kung anong klaseng tagapakinig ang iyong haharapin.

Bigyang pansin ang iyong mga salitang gagamitin at alamin kung ang mga ito ay magiging angkop sa klase ng audience. Kapag naaral mo ito, maaari ka nang sumulat. Hayaan mo lamang na tumakbo nang malaya ang iyong ideya hanggang sa ito ay iyong matapos.

Tandaan na hindi perpekto ang unang subok, kaya’t kailangan mo nang mahabang pasensya.

Para maging epektibo ang iyong talumpati, bigyang importansya ang pag-eedit sa nilalaman nito

Mula sa naunang aytem, nabanggit na hindi magiging perpekto ang iyong pagsusulat sa unang parte ng proseso nito. Kaya’t makakatulong ang pag-edit mo ng nilalaman ng iyong talumpati. Basahin ito nang paulit-ulit, at kung maaari ay humingi ka nang tulong sa iyong kaibigan o miyembro ng pamilya. Basahin mo ang iyong talumpati sa kanilang harap at humingi ka nang mga payo o suhestyon kung paano mo pa mas mapapabuti ang laman ng iyong talumpati.

Basahin nang malakas ang iyong talumpati

Ikaw ba ay parang robot kung magsalita? Mahina ba ang iyong boses? O masyado ba itong malakas? Ito ang mga dapat mong bigyan ng atensyon bago ka sumalang sa iyong presentasyon. Maari mong basahin nang malakas ang iyong talumpati, bilang parte ng iyong pagsasanay.

Muli, ay maari ka ring humingi ng suhestyon mula sa iyong mga kaibigan, alamin mo kung ano ang kanilang nararamdaman habang ikaw ay kanilang pinakikinggan. Dito ay bibigyan ka nang pagkakataong alamin ang mga dapat mo pang hasain bilang isang mananalumpati.

Magbasa sa harap ng salamin

Bukod sa paghingi ng tulong sa iyong kaibigan, huwag mo ring kalilimutang mag-ensayo sa harap ng salamin. Dito ay makikita mo ang iyong sarili habang ipinepresenta ang iyong talumpati.

Mabibigyan mo pa nang tyansang maitama ang mga posibleng pagkakamali kapag ikaw ay nasa pormal na pagtatanghal. Gawin itong isang palagiang ensayo, at paniguradong magiging isang madaling gawain sa’yo ang pagbibigay talumpati sa harap nang maraming tao.