Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Paano Tatahakin ang mga Challenges ng Pag-aaral sa Gitna ng Pagpapatuloy ng Pandemya

Bago pumasok ang bagong taon, karamihan sa atin ay nagkaroon ng pag-asa na matatapos na ang pandemya at babalik na ulit sa normal ang lahat ng bagay, kasama na ang sektor ng edukasyon. Ngunit ngayon, mas dumarami pa ang mga kaso ng COVID, at walang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang krisis na ito. Ang buong mundo ay tila gumagapang pa rin sa ilalim ng pasaning ng COVID, at kahit na nagkaroon na ng mga bakuna, hindi pa rin tayo lubusang makabangon.

Paano nga ba tatahakin ang edukasyon sa gitna nito? Paano nga ba ipapagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng mga paghihirap ng dala ng isang worldwide na krisis? At posible nga ba na maging makabuluhan pa rin ang pagpapatuloy sa pag-aaral sa panahon ngayon?

Narito ang mga paraan kung paano mo ipagpatuloy ang iyong pag-aaral nang may sigla sa kabila ng iyong mga pinagdadaanan ngayon.

Bigyan ang sarili ng panahon upang iproseso ang krisis at ang epekto na ito sa iyong personal na buhay

Hindi lingid sa ating kaalaman na marami sa atin ang nakaranas ng kawalan–kawalan ng mga mahal sa buhay, kawalan ng trabaho, kawalan maging ng pag-asan. Kapag nagkaroon ng mga ganitong karanasan, natural lamang na lumiit sa ating paningin ang ibang mga bagay na dapat ay makabubuti sa atin ngunit hindi na natin nais pagtuunan ng pansin.

Kaya kung nakakaranas ka nito, huwag kang manghinayang sa panahon na iyong ibibigay sa iyong sarili upang iproseso, damhin, at matanggap ang mga bagay na iyong pinagdaanan o pinagdadaanan. Mahalaga ito upang magkaroon ka ng tibay na isip at damdamin, at maharap mo ang mga kailangan mong gawin nang may malinaw na isip. Walang saysay ang mag-aral online kung hindi mo din ito lubusang napapahalagahan dahil wala doon ang iyong atensyon kapag magulo pa ang iyong isipan.

Humingi ng tulong sa mga kaibigan o mga propesyonal kung kinakailangan

Napakahalaga ng tip na ito. Maraming mga tao ang tila nalunod sa kanilang mga problema dahil sinarili lang nila ang mga ito. Nariyan ang iyong mga kaibigan at pamilya na makikinig sa iyo kung kailangan mo nang pagsasabihan ng iyong mga hinaing o dinaramdam. Ngunit kung sa palagay mo ang dumaranas ka ng tinatawag na mental crisis at depresyon, huwag magdalawang isip na kumontak ng isang propesyonal na makapag-bibigay sa iyo ng angkop na tulong at atensyon. May mga bagay, gaya ng depresyon, na matutulungan lamang ng mga propesyonal at na hindi mabibigyang alibyo kung sasarilihin mo lamang.

Ipagpatuloy ang mga layunin sa pag-aaral

At kapag nagawa mo na ang dalawang naunang tip, ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng pag-alala kung bakit mo ito sinimulan at bakit mo ito kailangan. Ano nga ba ang benepisyong maibibigay sa iyo ng online learning? Bakit nga ba kailangan mong matuto? Ano ang maaaring madagdag nito sa kalidad ng iyong buhay o lifestyle? Kapag inalala mo ang iyong mga layuning, magiging mas madali ang pag-motivate sa iyong sarili na ipagpatuloy ang isang bagay.

Anumang bagay kung para lang sa wala ay hindi talaga natin mabibigyan ng halaga, ngunit kung alam natin na mayroon itong patutunguhan at mayroong magandang dahilan kung bakit ito kailangang gawin, di hamak na mas gaganahan tayong magpatuloy.

Kung nagbago na ang iyong pananaw sa buhay at nagkaroon din ng pagbabago ang iyong mga layunin, timbangin kung ano ang maidudulot ng iyong pag-aaral sa ngayon.

Baguhin ang bilis ng mga gawain kung kinakailangan

Kung masyadong mabigat para sa iyo ang iyong study online load, i-adjust ito kung mayroon kang kakayahan na i-adjust ito. Kung hindi naman ay maaari mong hingin mula sa iyong guro na baguhin ang bilis ng mga gawain upang makahabol ka, lalo na kung nawala ka nang pansamantala o mayroong kang pinagdadaanan na sitwasyon na nagiging dahilan upang maging mahirap para sa iyo na makahabol.
Ipaliwanag ang iyong sitwasyon sa iyong guro, at siguradong maiintindihan niya ito. Hangga’t maaari, iwasan na bigla na lang mawala na walang pasabi o paliwanag, upang mas madali kang mabigyan ng konsiderasyon.

Ang buong mundo ay nahihirapan dahil sa krisis na dala ng pandemya. Maaari tayong maapektohan nito, ngunit hindi kailangang tumigil at tuluyang sumuko dahil dito. Kaya sa iyong pag-aaral ay huwag sumuko.