Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Para saan nga ba ang Learning Portfolio?

Ang portfolio ng mga mag-aaral ay mga gawaing pang-akademiko na pinagsama-sama kasama ng mga ebidensiyang pang-edukasyon at layunin nito ang mga sumusunod:

  • Masuri ang kalidad ng coursework, pag-unlad ng pag-aaral at tagumpay ng mag-aaral sa larangan ng akademiks.
  • Matukoy kung natutugunan ng mga mag-aaral ang mga kompetensi, iba pang mga pangangailangang pang-akademiko para sa kurso, promosyon sa lebel ng baitang, pati na rin ang pagtatapos.
  • Matulungan ang mga mag-aaral na pag-isipan ang kanilang mga adhikain sa akademiko upang sila’y mapaunlad bilang mga mag-aaral.
  • Makalikha ng isang pangmatagalang dokumentasyon ng mga produkto ng gawaing pang-akademiko, mga natapos na at iba pang mga dokumentasyon.

Ang mga nagsusulong  ng  paggamit ng portfolio sa mga  mag-aaral ay naniniwala na ang pag-compile, pagsasaayos, at pagsusuri sa gawain ng mag-aaral sa paglipas ng panahon ay maaaring magbigay ng mas makabuluhan, mas may lalim, at mas tumpak na larawan ng kung ano ang natutunan at magagawa ng mga mag-aaral kaysa sa mas tradisyonal na mga paraan—tulad ng mga pagsusulit na masyadong standardized,  o pang kwarter na pagsusulit—na sinusukat lamang kung ano ang nalalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na punto ng talakayin.

Maraming anyo ang mga portfolio, mula sa mga kwaderno na puno ng mga dokumento, tala, at maging graphics hanggang sa mga online na digital archive at mga website na natapos ng mag-aaral, at maaaring gamitin ang mga ito sa elementarya, middle, at high school na lebel.

Bukod pa rito, ang mga portfolio ay maaaring isang pisikal na koleksyon ng gawain ng mag-aaral kasama ng mga materyales tulad halimbawa  ng mga nakasulat na takdang-aralin, mga entry sa journal, mga natapos na pagsusulit, mga ulat sa laboratoryo, mga pisikal na proyekto (tulad ng mga diorama o modelo), at iba pang materyal na nagpapakita ng pag-unlad ng pag-aaral at tagumpay sa akademiko, idagdag pa rito ang mga parangal, sertipikasyon, rekomendasyon, nakasulat na pagsusuri ng mga guro, at mga repleksyon sa sarili na isinulat mismo ng mga mag-aaral.

Maari ding ang mga portfolio ay mga masa format nang digital na archive, mga presentasyon o di kaya’y mga blog,mga website na nagpapakita ng mga parehong mga materyal tulad ng mga pisikal na portfolio, maaari ring maging kasama ang ilang mga content tulad ng mga video na tinapos ng mag-aaral, mga multimedia presentation, mga spreadsheet, mga larawan, o iba pang mga digital na artifact ng pag-aaral.

Tinatawag din madalas ang mga online portfolio  na mga digital na portfolio o e-portfolio, bukod sa iba pang mga kataga. Sa kabilang banda, ang mga blog o online na journal ay maaaring panatilihin ng mga mag-aaral at kasama ang patuloy na repleksyon tungkol sa mga gawain sa pag-aaral, pag-unlad, at mga nagawa. Ang mga portfolio ay maaari ding ipresenta—pampubliko man o pribado—sa mga magulang, guro, at miyembro ng komunidad bilang parte ng isang pagpapakita ng pag-aaral o eksibisyon.

Mahalagang mabatid ng lahat  na maraming mga uri ng mga portfolio sa edukasyon, at ang bawat format ay may kanya-kanyang mga  layunin. Halimbawa nito ang mga portfolio ng "capstone" ay magpapakita sa gawain ng mag-aaral na natapos bilang parte ng mga pangmatagalang proyekto na karaniwang ginagawa sa pagtatapos ng isang middle school o high school, o sa pagtatapos ng isang pangmatagalan, posibleng maraming taon na proyekto.

Ang ilang mga portfolio ay inilaan lamang upang bigyang pansin ang pag-unlad ng pag-aaral at tagumpay sa isang partikular na kurso. At ang ilang mga portfolio ay ginagamit upang masuri ang pag-aaral sa isang partikular na lugar ng paksa, habang ang iba ay sinusuri ang pagkuha ng mga kasanayan na maaaring ilapat ng mga mag-aaral sa lahat ng mga paksa.

Mahalagang maging mapanuri ang guro sa paggamit ng portfolio nang sa gayon ay magawa ito ng mga mag-aaral ng tama.