Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Anong mga Katangian Mayroon ang isang Millennial Learner?

Malayo na ang agwat ng mukha ng edukasyon kung ikukumpara natin ito sa dati niyang struktura. Ang laman ng silid aralan sa makabagong panahon ay balot ng biyaya mula sa karunungan ng teknolohiya. Isang katanungan ngayon kung ang pagbabagong ito ay may impluwensiya sa persepsyon ng mga mag-aaral na binansagang millennial learners.

Ayon sa isang blog na nakalathala sa website na insidehighered.com, sinasabing ang mga millennial learner daw ay mas  natututo kung ang paraan ng pagtuturo ay kolaboratibo. Ibig sabihin nito, malaki ang porsyento na matuto ang isang millennial learner kung siya ay napapaligiran ng mga taong nakaimpluwensiya sa kanyang hilig.

Mas komportable sila sa paggamit ng teknolohiya

Mabilis ang takbo ng teknolohiya kaya’t ang mga millennial learner ay kailangang sumabay sa agos nito. Kahit saan man mapako ang ating tingin, nariyan ang teknolohiya na siyang ating nagagamit sa pang-araw araw. Ito marahil ang dahilan kung bakit halos lahat ng ating mga millennial learner ay nakakasabay sa paggamit ng teknolohiya. Ilan na lamang sa halimbawa nito ay ang pagsilang ng online learning nito lamang nakaraang pandemic. Hindi naging mahirap sa mga millennial learner ang ganitong klaseng strategy, dahil bago pa man dumating ang pandemic ay kasa-kasama na nila ang teknolohiya saan man sila mapunta.

Mas gusto nila ang nakaka enganyong paligid

Sino nga ba ang gugustuhin matuto sa isang lugar na hindi nakaka enganyo? Ating tatandaan na maliit lamang ang haba ng ating atensyon lalo na ng mga millennial learner. Kaya’t ang sektor ng edukasyon ay kailangang gumawa ng hakbang para mapanatili ang interes ng mga millennial learner na matuto sa kahit anong leksyon.

Mabisang paraan ang paggamit ng smart tv, interactive quizzes at kung ano pang mga materyal na makakasabay sa hilig ng ating mga millennial learners. Isa ito sa mga matalinong hakbang upang hindi masayang ang pinagpaguran na  leksyon ng ating mga guro.

Mas gusto nila ng kaswal at hindi istriktong paraan ng pagtuturo

Sino nga ba ang gaganahang matuto kung takot ang nararamdaman mo sa tuwing ikaw ay nasa loob ng silid aralan? Isa ito sa mga bagay na hindi gusto ng isang millennial learner. Ayon sa pag-aaral, ang kalayaang ipakita ng isang millennial learner ang kanyang sarili ang isa sa sangkap sa kanyang tagumpay lalo na sa larangan ng pagkatuto.  

Kung ang guro, halimbawa, ay hindi masyadong mahigpit sa kanyang paraan ng pagtuturo, mas nabibigyan ng pagkakataon ang isang millennial learner na ihayag ang kanyang sarili. Hindi nila gugutushing makulong sa isang istriktong paligid. Kaya’t mabuting paraan ang pagiging mahinahon sa mga millennial learner dahil dito sila mas nabibigyan ng pagkakataong matuto.

Ang mga Millennial learner ay may nakakamanghang kakayahan

Dahil sa access ng impormasyon, mas mabilis nang matuto ang ating mga millennial learners. Sa pamamagitan ng panonood lamang ng mga tutorial videos ay mas mabilis na lamang silang matuto kung paano ang tamang paraan ng pagguhit, pagluluto o paggamit ng software gaya ng photoshop, video editing tools at kung anu-ano pa.

Isa sa mga mabisang paraan para mas matuto ang ating mga millennial learner ay ang paggamit ng mga pamilyar na tools na madalas ginagamit nila sa mag-aaral. Ang guro ay responsable sa paghahanap ng strategy para mapanatili ang atensyon ng mga learner na ito habang sila ay nasa proseso ng pagkatuto.

Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga katangian mayroon ang isang millennial learner. Isang malaking salik ang teknolohiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa makabagong panahon. Hindi maikakaila na ang takbo ng edukasyon ay nagbago dahil sa nag iibang hilig ng mga tao. Kung kaya’t marapat lamang na itaas ng nasa sektor ng edukasyon ang antas ng paraan sa pagtuturo dahil karapatan ng bawat isa ang matuto, millennial learner man o hindi.