Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Apat na Paraan sa Paggawa ng Student Portfolio

Ang paggawa ng portfolio ay isang mainam na paraan upang mabigyan ng tamang gabay ang guro sa progreso ng kanyang estudyante. Bukod dito, nasasalamin din ng portfolio ang ilan sa mga natatanging kasanayang maaring taglayin ng mag-aaral habang siya ay nasa proseso ng pagkatuto.

At dahil nga ito ay koleksyon ng mga gawain ng mag-aaral, ito’y kanilang magagamit upang masundan ang lebel ng kanilang pagkatuto. Maaari itong mabigyan daan sa pamamagitan ng pagsulat ng kanilang repleksyon, kung saan ipinapakita nito ang ilan sa mga natatanging karanasan nila habang sila ay natututo sa isang partikular na paksa.

Ating alamin ang ilan sa mga natatanging mga paraan kung paano isinusulat ang isang portfolio.

Alamin ang layunin sa paggawa ng portfolio

Bago mo ilatag ang proseso na dapat gawin ng mga mag-aaral sa kanilang portfolio, kailangan magkaroon ka muna ng malinaw na layunin kung para saan nga ba ang portfolio. Ito ba ay iyong gagamitin upang sukatin ang naging karanasan ng mag-aaral gamit ang iyong estratehiya sa pagtuturo? O nais mo bang bigyang pansin ang progreso ng pagkatuto ng iyong mga estudyante?

Marami kang pwedeng maging dahilan bilang guro, at sa simula ay kailangang bigyang linaw kung para saan nga ba ang mga portfolio na ito. Mainam na magbigay ng maikling oryentasyon sa mga estudyante. Mahalaga rin na maunawaan nila ang kanilang ginagawa bago nila ito simulan.

Tukuyin ang Paraan kung Paano mo ito Bibigyan ng Grado

Maaaring ang iyong supervisor ay hindi magbibigay ng direktiba na nagsasabing kailangan nang portfolio bilang requirement sa mga estudyante. Kung ganito man ang sitwasyon ay paano mo bibigyan ng karampatang puntos o gantimpala ang iyong mga mag-aaral?

Mahalagang sa umpisa ay mabatid mo ang paraan kung paano mo bibigyan ng gantimpala ang iyong mga estudyante, lalo na at kakailanganin ng mahabang oras at preparasyon ang paggawa ng portfolio. Bigyang diin mo ang aspeto ng pagbibigay ng grado dahil hindi maaaring mabalewala ang pinagpaguran ng iyong mga estudyante.

Maari kang maglatag ng iyong rubrik na magpapakita kung paano mo bibigyan ng puntos ang bawat laman ng portfolio.

Pumili ng paraan kung paano gagawin ang portfolio

Ang mga digital na portfolio ay mahusay dahil ang mga ito ay madaling ma-access, madaling dalhin at madaling gamitin. Ang mga mag-aaral ngayon ay nakatutok sa pinakabagong teknolohiyang kailangang-kailangan, at bahagi nito ang mga electronic portfolio o personal na website.

Sa mga mag-aaral na gumagamit ng maraming mga multimedia outlet, ang mga digital na portfolio ay maaring angkop para sa kanilang mga likas na talento at hilig. Gayunpaman, maaari kang pumili ng isang portfolio ng papel dahil sa mga potensyal na hamon sa paggamit ng digital medium. Kapag pumili ka ng isang portfolio medium, kailangan ay maging seryoso tungkol sa iyong pinili.

Bigyan ng pagkakataon na masali ang mga mag-aaral sa pagpaplano ng paggawa ng portfolio

Isang mahalagang salik ang pagbibigay pagkakataon sa mga mag-aaral na sumali sa diskusyon sa paggawa ng portfolio, ito ay dahil sila ang mas nakakaalam sa mga medium kung saan sila mas komportable. Hindi dapat maging kulong ang isipan ng guro sa bagay na ito dahil mas magiging maganda ang resulta nito kung mararamdaman ng mga estudyante na sila ay may layang gawin ang kanilang nais sa kondisyong sila ay susunod sa mga alituntunin na ibabahagi mo bilang awtoridad sa loob ng klase.

Upang turuan ang mga mag-aaral tungkol sa kung ano ang gusto nilang isama sa kanilang mga portfolio, tanungin sila ng mga tanong tulad ng, "Bakit mo pinili ang partikular na pirasong ito?" Ang dialogue na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral na gumawa ng isang portfolio na tunay na kumakatawan sa gawaing kanilang natapos.