Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Gramatika ng Ingles sa Persepsyon ng Isang Millennial

Matanda man o bata, lahat ay nagiging maingat sa usaping gramatika. Dahil likas sa ating mga tao ang pagiging metikuloso pagdating sa mga binabasa at ating naririnig, hindi natin gugustuhing maging katatawanan sa harap ng mga eksperto na sa paggamit ng wikang Ingles, lalong lalo na sa mga pormal na okasyon.

Sa panahon ngayon na lahat ng impormasyon ay makukuha sa pamamagitan lamang ng isang pindot, hindi na mahirap para sa isang millennial ang matutunan ang komplikadong estruktura ng English Grammar.  Nariyan ang malawak na mundo ng internet para mapabilis ang pagkatuto ng bawat isa. Sa artikulong ito, ating basahin ang mga mabisang plataporma na siyang makatutulong upang hindi na tayo mahirapan pang matutunan ang gramatikang ingles. Sa paksang ito, malalaman din natin kung ano nga ba ang persepsyon ng isang millennial sa gramatikang Ingles.

Ano nga ba ang sinasabi ng mga eksperto?

Ayon kay Mark Bauerlein, isang manunulat at propesor sa Amerika, iminungkahi niyang ang lahat ng millennial ay kailangang dumistansiya sa screen ng kanilang mga gadgets kung nais nilang matuto na maging mahusay sa paggamit ng English Grammar. Sinabi niyang isa sa mga nakakaapekto sa pagkatuto ng isang millennial sa English grammar ay ang talamak na presensya ng mga hindi tamang konsepto ng gramatika sa mundo ng online.

Taliwas naman ito sa pahayag ni Stephen Dobranski ng Georgia State University. Ayon sa propesor, malaking tulong ang social media sa paghubog ng kaalaman ng mga millennial tungkol sa tamang gamit ng English Grammar. Dagdag pa niya, maraming mga online platforms ang naglipana sa internet na maaring gamitin sa online teaching. Aniya, malaki ang pwedeng ialay ng mundo ng internet para mahasa lalo ang mga tao sa tamang gamit ng English grammar lalo na sa mga pormal na okasyon.

Mga Halimbawa ng Online Platforms sa pagtuturo ng English Grammar

Likas na mapalad ang mga tao sa Digital Age dahil madali na lamang ang pagkuha ng mga impormasyon na kailangan nila sa pagkatuto. Sa usapin ng pagtuturo ng English Grammar, maraming mga online platforms ang pwedeng gamitin ng mga guro upang hasain ang kamalayan ng kanilang mag-aaral sa gramatikang ingles. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Grammar Gold

Ang website na ito ay mayroong malawak na content kung nais mong matuto ng gramatika mula sa umpisa. Gumagamit din ang website na ito ng audio text para sa mga learner na mas gustong matuto gamit ang tunog.

Grammar Man Comi

Gusto mo bang matutunan ang English Grammar sa pinaka makulay na paraan? Isa ang Grammar Man Comic. Mainam ang website na ito para sa mga nag-uumpisa pa lamang.  Ang konsepto ng leksyon ay nakapresenta gamit ang isang comics. KUng kaya’t mas nakaeengganyong matuto ng English Grammar sa ganitong malikhaing paraan.

The English Club

Ang site na ito ay nakapokus sa paggamit ng mga quizzes sa pagtuturo ng grammar lessons. Ngunit bago gawin ng learner ang naturang quiz, mayroon siyang mga materyal na ginagamit sa site. Maari niya itong basahin bago simulan ang quiz.

Study and Exam

Ito ang pinakamainam gamitin ng mga learner na naghahanap ng malawak na materyal upang matutunan ang English Grammar. Detalyado ang pagpapaliwanag ng site na ito sa mga konseptong gaya na lamang ng parts of speech at iba pang mga grammatical materials.

Grammar Bytes

Kung nais mong gumamit ng platform na may lenggwahe ng maintindihan ng kahit na sino, isa ang grammar bytes para sayo. Gamit ang simpleng lenggwahe, madaling mahihinuha ng isang learner ang konsepto ng English Grammar.May mga interactive quizzes at mga demonstration materials ang site na ito, kung kaya’t madali na lamang sa learner at sa teacher ang proseso ng pagkatuto at pagtuturo.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga mabisang estratehiya para matuto ang isang millennial learner na gamitin sa tama ang gramatikang ingles. Responsibilidad ng guro o ng kahit na sino na maging mapanuri sa mga kagamitan online na huhubog sa karunungan ng bawat isa. Sa pamamagitan nito, ating makakamit ang biyaya ng karunungan sa kahit anong larangan.



Name must have atleast 3 characters
School name must have atleast 3 characters
Phone number must have atleast 7 digits and atmost 15 digits
Please select a role