Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Mga Dapat Gawin Ng Guro Bilang Paghahanda Sa Online-Class

Bilang isang guro, ano madalas ang inuuna mo bago ka sumabak sa iyong birtwal na pagtuturo? Aniya, maaaring may mga ritwal kang ginagawa bago ka pumasok sa iyong klase. Nariyan ang paghahanda ng lesson plan upang masiguro na akma ang iyong mga gawain sa iyong learning objectives.

Isa lamang ito sa mga dapat mong isaalang-alang bago mo isagawa ang iyong responsibilidad sa pagtuturo. Ano nga ba ang ilan sa mga dapat na gawin ng isang guro bilang paghahanda sa online class? Ating alamin ang mga tips na ito.

Maging organisado at ihanda ang mga kagamitan para sa birtwal na klase.

Ang pagiging organisado ay isang mabisang paraan upang mabigyang ideya ang guro sa mga hakbang na kanyang gagawin, bago pa man siya magsagawa ng  online class.

Bago ang klase, kailangang masuri ng guro ang lahat ng anggulo katulad na lamang ng kanyang leksyon, mga nakasalang na gawain ng mga mag-aaral, kasama na rin ang mga posibleng tanong na gagamitin sa diskusyon.

Marapat lamang ay magkaroon ang guro ng kanyang checklist upang makita niya kung saang aspeto siya maaring sumobra, o magkulang. Gamit ang listahan, kailangang isa-isahin ng guro ang mga tools na gagamitin para walang aberya sakali mang pumasok na siya maging kanyang estudyante sa birtwal na klasrum.

Magbigay lamang ng mga gawain na pasok sa itinakdang oras ng klase.

Dahil hindi lang ikaw ang posibleng asignatura ng iyong mga estudyante sa isang araw, dapat mo ding suriing mabuti kung magkakasya ba ang isang oras sa mga inihanda mong gawain. Kung sakali mang hindi ay kailangan mong magbawas sa bilang ng iyong mga itinakdang gawain.

Ang pagbabadyet mo ng oras ay mainam rin upang mabigyan ng tiyansa ang mga estudyante na ipahinga ang kanilang mga mata na nakatutok sa screen. Bukod pa rito, kinakailangang tama lang sa itinakdang oras ang mga gawaing iyong inihanda bilang respeto na din sa susunod na guro.

Siguraduhing may variety ng mga gawain para sa mga mag-aaral.

Ang pagkuha ng atensyon ng mga estudyante ay isa marahil sa mga pagsubok na maaaring harapin ng isang guro.  Kung kaya’t obligasyon ng bawat guro na gumamit ng iba’t- ibang mga gawain upang hindi maging boring ang klase.

Maaari kang gumamit ng mga interactive quizzes na maaccess online o mga videos na may kinalaman sa iyong leksyon. Sa ganitong paraan ay mapapanatili ang atensyon ng mga mag aaral sa klase. Tandaan na ang malikhaing guro, kailan ma'y hindi mawawalan ng paraan.

Iwasan ang tinatawag na “last-minute changes”.

Bago mo gamitin ang iyong materyal, kailangan ay dumaan muna ito sa masinsinang pagsusuri. Dahil kung hindi ito gagawin, maaari kang mabigla sakali mang may isang gawain sa klase na hindi pala akma sa iyong plano.

Hindi mainam ang “last-minute change” dahil maari makompromiso mo ang kalidad ng gawaing iyong ipapalit. Siguraduhin mong bago ka sumabak sa iyong responsibilidad ay masuri mo na ang mga dapat mong ihanda. Mabuti nang may mahaba kang paghahanda kaysa naman maisaalang-alang mo ang kalidad ng iyong pagtuturo.

Magbigay ka ng resources sa iyong mga mag-aaral.

Mainam na mabigyan mo ng ideya ang iyong mga estudyante sa mga resources na gagamitin mo sa iyong online class. Ito ay para na rin mapadali ang kanilang pamilyaridad sa iyong leksyon.

Maari mo itong ibigay bago ang leksyon para sila’y magkaroon ng tyansang basahin at unawain ang iyong susunod na paksa. Magiging mas makabuluhan pa ang iyong diskusyon dahil hindi mo na kailangang magsimula sa dulo dahil gamit ang resources na iyong ibinahagi, mayroon nang dahilan upang masagot ng mga estudyante ang mga katanungang maaring ibato mo sa diskusyon.

Tunay ngang hindi madali ang trabaho ng isang guro, ngunit sa pamamagitan ng teknolohiya, hindi na nila kailangan makipag patintero sa mga pagsubok ng pagtuturo. Gamit rin ang mga tips na naibahagi, nakatitiyak kaming magtatagumpay ka sa iyong adhikaing pagyabungin ang karunungan ng iyong mga estudyante.



Name must have atleast 3 characters
School name must have atleast 3 characters
Phone number must have atleast 7 digits and atmost 15 digits
Please select a role