Ang pagtuturo sa mga bata ay isa sa mga pinakamasaya at pinakamakabuluhang gawain. Bukod sa responsibilidad, isang malaking pribilehiyo din na maging kaparte sa paghubog ng isip at asal ng mga bata. Madalas, napakasaya din nitong gawin, dahil ang mga bata ay natural na mataas ang enerhiya, masasayahin, at nakakapagbigay ng tuwa sa marami.
Ngunit, dahil sa mura pa ang kanilang edad at kailangan pang hubugin ang kanilang isip, isang napakalaking responsibilidad at napaka-challenging na gawain ng pagtuturo sa mga bata. Dagdag pa ang dagok kung ang mga bata ay kailangang mag-aral online. Ang online teaching sa mga bata ay may kaibang pangangailangan.
Kaya kung hindi ka pa sanay magturo sa mga bata, o kung sa tingin mo ay hindi ka epektibo sa iyong mga klase, heto ang mga tips na maaari mong gamitin sa iyong mga susunod na online classes.
Sikapin na maging masaya at nakaka-engganyo ang bawat parte ng lesson
Isa sa mga pinakamahalagang katangian ng isang taong magtuturo sa mga bata ay ang pagiging masayahin. Alam natin na maiksi ang attention span ng mga bata, kaya kailangan magbigay ng extra effort sa pagsisiguro na masaya at nakaka-engganyo ang bawat klase, pati na bawat parte nito.
Para makamit ito, huwag kakalimutang ngumiti at gumamit ng masayang tono ng boses kapag nagsasalita. Panatilihin ang palakaibigan na attitude sa lahat ng oras, dahil gugustuhin mong magustuhan nilang makinig at makipag-usap sa iyo.
Syempre, sa paggawa nito, sikapin pa rin na i-maintain ang order sa klasrum, pisikal man ito virtual. Magtalaga ng mga rules sa isang magiliw at madaling maintindihan na paraan. Hindi mo din gugustuhin na sa sobrang pagkamit ng saya sa klase, maging magulo na ito.
I-maximize ang visual aids
Kung gusto mong i-maintain ang atensyon ng mga bata, gumamit ng mga visual aids na mayroong maraming larawan, mga matitingkad na kulay, at simpleng salita. Magiging napakalaking tulong nito, lalo na kung online ka magtuturo, dahil kompyuter lamang ang magiging koneksyon nila sa iyo.
Sa paggawa ng visual aids, iwasan ang paglalagay ng maraming salita. Kung maaari, isa o dalawang salita lamang ang ilagay sa bawat slide o pahina, at magbigay ng pokus sa mga larawan. Sa paraang ito, magiging mas madali para sa mga bata na mag-pokus at maintindihan ang iyong punto.
Sa mga gagamitin ding salita, siguruhin na pamilyar ang mga ito o magbigay ng angkop na oportunidad upang maintindihan nila ito bago ito gamitin.
Magsagawa ng mga games
Ano pa nga ba ang mas masaya kaysa mga palaro? Ang mga games ay hindi lamang nakakapag bigay ng saya sa lectures, ang mga ito ay maaari ding gamitin bilang learning device kung saan maaaring mag-enjoy ang mga mag-aaral.
Kung ang iyong klase ay online, pairalin ang iyong pagka malikhain at gumamit ng mga tools na makikita sa Internet o gumawa ng sariling games. At sa pagsagawa ng mga palaro, sikapin na maging paraan ito upang mas matuto ang mga mag-aaral, at hindi maging pokus ng buong klase. Ang mga ito ay tool lamang na kapag ginamit nang tama ay maaaring maging mas epektibo ang iyong pagtuturo.
Gawing angkop ang dami at hirap ng mga takdang-aralin
Nakatutulong ang mga takdang-aralin upang magkaroon ng mas maraming panahon ang mga mag-aaral upang ma-praktis ang kanilang natutunan. Magbigay ng tamang dami nito: ibig sabihin ay hindi lubhang dami at hindi din naman sobrang kaunti.
Ang sobrang daming takdang-aralin ay madalas nakakadismaya para sa mga estudyante at nagbibigay ng hindi kinakailangang pagod labas sa inyong lesson time. Salungat ito sa dapat mong layunin sa pagbibigay ng mga ito.
Maging masayahin sa bawat klase
Huwag kalilimutan na maging masayahin sa bawat oras na ikaw ay magtuturo. Ihanda ang iyong sarili—ang iyong isip at iyong lakas—upang makapagbigay ng masaya, nakakaganyak, at makabuluhang lesson.
Tandaan na sa bawat klase na iyong ginagawa ay nakasalalay ang pagbibigay ng kaalaman at paghubog ng isipan ng iyong mga munting mag-aaral.
Malaki nga ang kaibahan sa stratehiya na kinakailangan kung magtuturo ng mga bata. Ngunit kahit na minsan ay mas mahirap ito, di hamak na madalas mas masaya ito, hindi lamang para sa mga mag-aaral, pati na rin sa mga guro.