Teachmint X
Interactive Flat Panel powered by EduAI
Teachmint Connected Classroom
Powered by EduAI
EduAI
AI-Powered Smart and Intelligent Personal Teaching Assistant
Teachpay
One stop fee management & digital payments for education institutes

Paano Magturo sa mga Mag-Aaral na Mahirap Turuan

Sa iyong teaching journey, malamang ay naranasan mo nang magturo ng mga estudyante na mahirap turuan, dahil man ito sa mga problema sa asal, kakulangan ng interes na mag-aral online, o dahil nahihirapan lang talaga silang maintindihan ang paksa na pinag-aaralan.

Maaari itong maging sanhi ng pagkadismaya para sa mga guro, at minsan, lalo na kung paulit-ulit itong nararanasan, maaari din itong maging challenge sa pagtitimpi. Paano nga ba tuturuan ang mga estudyanteng gaya nito? Kung nararanasan mo ito ngayon sa iyong mga klase, basahin ang mga sumusunod na tips upang mapaghandaan ang iyong pagpapatuloy na magturo online.

Alamin kung ano ang maaaring dahilan

Sa lahat ng problema, pinakamahalaga na malaman ang sanhi nito. Gaya ng sakit, ang pag-gamot ng mga sintomas ay hindi sapat kung hindi talagang nalulunasan ang sanhi ng sakit. Maaaring hindi na gaanong maramdaman ang mga sintomas pansamantala, ngunit kalaunan ay babalik din ang mga ito.

Kung mayroon kang estudyante na hindi gaanong nagpapakita ng interest sa leksyon, hindi lumalahok sa mga school activities, o sadyang gumagawa ng gulo sa group lessons, magtalaga ng panahon upang makausap nang masinsinan ang mag-aaral bago gumawa ng mga aksyon upang tugunan ito.

Bukod sa personal na pakikipag-usap, obserbahan ang asal, kilos, at performance ng estudyante sa klase. Ang mga ito ay maaari ding makapagbigay ng ideya kung ano talaga ang kailangang bigyan ng solusyon.

Kapag mayroon ka nang klaro na ideya kung ano ang dahilan, saka pagplanuhan nang maayos kung paano ito tutugunan

I-adjust ang iyong teaching style, depende sa dahilan ng isyu

Ang anumang solusyon na iyong gagawin bilang tugon sa sanhi ng problema na iyong nalaman mula sa iyong obserbasyon at personal na pakikipag-usap ay kailangang akma at angkop. Habang isinasagawa ang iyong stratehiya, i-adjust ang iyong teaching style, kasama ang mga learning materials at presentations, upang hindi maging lubos na mabigat para sa estudyante na sundan ang mga leksyon, lalo na kung base sa kanilang performance ay makikitang nahihirapan silang mag-catch up sa takbo ng mga klase.

Sa pag-adjust ng teaching style, patuloy na obserbahan ang kilos, response, at performance ng estudyante upang malaman kung akma na ito o mayroon pang kailangang baguhin.

Kung walang makitang pagbabago, gawing mas simple ang teaching material

Kung mahina ang performance at hindi gaanong maintindihan ang paksa, gawing mas simple ang iyong mga presentasyon at magbigay ng sapat na oportunidad para ma-absorb ang impormasyon.

Isa sa mga paraan kung paano gagawing simple ang materials at lessons ay ang pagbibigay ng sapat na mga halimbawa para maging mas klaro ang paksa at sapat na dami ng mga exercises, takdang-aralin, at exams bilang mga tools upang matulungan ang mag-aaral na maintindihan ng lubos ang lesson.

I-develop ang rapport sa estudyante

Bukod sa pagbibigay ng atensyon sa performance ng mag-aaral, kailangan din na patuloy o simulan (kung hindi pa ito nagagawa) na i-develop ang rapport sa kanila. Kapag sapat ang rapport sa mga estudyante, mas madali para sa kanila na maging bukas na magsabi ng kanilang mga saloobin at komento ukol sa mga klase o sa leksyon. Hindi sila matatakot na magsabi kung mayroon silang hindi maintindihan, o kung sadyang kailangan nila ng panahon na magpahinga mula sa mga lessons dahil sa personal na mga sitwasyon.

Iwasan na maging mapag-parusa, bagkus gamitin ang positive reinforcement

Kapag nakikitang hindi maganda ang performance ng mag-aaral o nagpapakita ito ng hindi magandang asal, natural lamang na makaramdam ng pagnanais na magbigay agad ng parusa. Oo, kinakailangan din ito, kung dapat itong gawin sa maingat na paraan, at iwasan kung hangga’t maaari.

Mas mabisa pa rin ang pagbibigay ng positibong reinforcement sa tuwing magpapakita ng magandang asal o maayos na performance, gaano man ito kaliit.

Madalas may mga challenging na sitwasyon sa pagtuturo, ngunit kaya itong lampasan sa pagsisikap at pagnanais na matuto ang bawat mag-aaral. Tulungan ang bawat estudyante na lumago ang kaalaman at magkaroon ng mabuting asal sa pamamagitan ng mga tips na iyong nabasa. Hindi ito mangyayari agad, kaya huwag madismaya o sumuko kung hindi ka agad makakita ng mga pagbabago o improvement sa mga mag-aaral na iyong tinuturuan.