Isa ka bang guro na naghahanap ng paraan upang mapadali ang proseso ng pagkatuto ng iyong mag-aaral? Hirap ka ba sa pagpili ng bagong pamamaraan ng pagtuturo? Huwag kang mag-alala, habang binabasa mo ang artikulong ito ay dadalahin ka nito sa malawak na mundo ng teknolohiya.
Malaking parte ang teknolohiya sa pagbabago ng sistema ng edukasyon. Nito lamang pandemya, ito ang naging sandigan ng sektor ng edukasyon para ipagpatuloy ang klase sa kabila ng banta ng Covid 19. Ilan sa mga tools na ginagamit ng guro sa kanilang online classes ay google meet, google classrooms at marami pang iba.
Bukod sa mga nabanggit, may alam kaming sikat na online teaching tool na siya ring ginagamit ng mga guro sa iba’t bang dako ng mundo. Ito ay tinatawag na Teachmint. Kung sa tingin mo ay limitado ang mundo ng online class sa features ng google, marahil ay hindi mo pa sinubukang gamitin ang teachmint bilang materyal sa iyong online class. Sa sulating ito, ating binigyan diin ang mga rason kung bakit kailangan mong gumamit ng teachmint sa iyong online class.
Ano nga ba ang teachmint?
Ang teachmint ay isang sikat na app na maaring gamitin ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Madali lamang gamitin ang app na ito. Una, kailangan mo lamang mag sign-up para makagawa ka ng account at para maaccess mo din ang ilan sa mga natatanging features ng app na ito.
Pagkatapos ng dalawang minuto ay maaari mo nang simulan ang pagtuturo. Patok din itong gamitin bilang pamalit sa google classroom. Gamit ang app na ito, maari ka nang magturo kahit saan at kahit kailan. Sa tulong na rin ng internet, maaari ka nang mag-upload ng iyong mga materyal na siya namang iaaccess ng iyong mga mag-aaral.
Mainam na gamitin ang app na ito dahil sa panahon ngayon, ang online learning na ang bagong mukha ng pagtuturo. Mabilis na lamang ang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral dahil gamit ang kanilang gadget ay maaccess na nila ang kanilang learning materials sa pinakamabilis na paraan.
Ano ang maaring benepisyo sa paggamit ng Teachmint?
Una sa lahat, ang teachmint ay libre. Wala kang babayaran o gagastusin na sentimo sa paggamit na ito. Kaya’t kahit na sino ay maaring gumamit ng app na ito. Pangalawa, maaari kang mag upload ng iyong mga materyal na maaccess ng iyong mga mag-aaral kahit saan at kahit kailan. Mainam itong gamitin sakali mang gusto ng guro na magkaroon ng asynchronous learning.
Hindi na rin proproblemahin ng guro kung paano mamarkahan ang attendance ng mga mag-aaral. Ito ay sa kadahilanang ang teachmint ay may feature kung saan namomonitor ang attendance ng bawat bata. Gamit din ang app na ito, mabibigyan ng motibasyon ang mga mag-aaral na pumasok sa klase dahil maaaring gamitin ng guro ang platform na ito [ara maipamalas ang kaniyang pagkamalikhain.
Pangatlo, hindi magastos ang teachmint sa data dahil may opsyon ang guro na i customize ang app sa low- quality mode. Ito ay malaking tulong upang makatipid ang user ng kanyang data at syempre, peti na rin pera. Bukod pa rito ay pwede mo ring ilipat sa high quality mode ang mga videos na ilalagay mo sa app sakali mang gusto mong maging mas dekalibre ang nakikitang materyal ng iyong mga mag-aaral.
Bilang panghuli, totoo nga namang naglipana na sa internet ang mga kapaki-pakinabang na kagamitan na siyang magagamit ng mga guro para palaguin ang karunungan ng mga mag-aaral. Isa ang teachmint sa patunay na lumalago ang mukha ng edukasyon, na sa kabila ng pandemya na ating marasana ay may alternatibo pa ring paraan upang ipagpatuloy ang ating normal na buhay.
Karapatang nga naman ng bawat kabataan ang matuto. Gamit ang teachmint, madali na lamang ang proseso ng pagkatuto. Idagdag na rin dito ang katotohanang makakatipid pa ang sinumang gagamit ng app na ito. Kaya’t huwag mag atubiling gamitin ang app na ito dahil wala namang mawawala kung ito ay iyong susubukan.